Fhaye's p.o.vMabilis akong uminom at nagmamadaling umalis.
"Tapos ka na?" Tanong ni Kian sa akin.
"Busog na ako." Gutom pa talaga ako pero ayokong sumabay sa kanila. Hindi ko naman sila close o kaibigan.
"Pero kakakain mo lang." Sagot niya. Paano naman niya nalamang kakain ko lang?
"Natakot sa panget mong mukha." Pang-aasar ni Jeff kay Kian.
Nagmamadali na akong umakyat sa kwarto ko at naglock ng pinto.
Nagulat talaga ako dahil nakita nila ako. Dati kasi kapag dumadalaw sila kay Luijen, sinasabihan ako ng maaga ni Luijen at babalaan na wag na wag lumabas sa kwarto ko at wag magpapakita sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang malaman nila na dito ako nakatira. Kaya nakapagtataka dahil hindi niya ako binalaan ngayon. O baka naman inaakala niyang mamaya pa ako uuwi.
Naisipan kong tumugtog na lang ng piano para mawala ang nabigla kong puso. Nagulat kasi talaga ako kanina.
"Sanay dinggin ang awit kong ito
Awit na nagmamahal sayo
Awit na may pag-ibig
Mula sa aking puso
Ang awit kong ito'y para sayo."Kumakanta ako habang nasa malayo ang isip.
Palage na lamang wala dito sina mom and dad. Wala ng rason para mananatili ako sa tahanang ito. Ngayong mga nagdaang mga araw, hindi ko na naririnig mula kay Luijen ang salitang gold digger, mapagsamantala at ang sabihang di karapat-dapat mananatili sa bahay na ito. Dati kasi madalas niya akong pinagsasabihan ng mga salitang yun at palaging pinapalayas sa bawat panahong wala sina mommy at daddy.
Kaya madalas, sa park ako tumatambay kasama si Blaze kapag kami lang dalawa ni Luijen naiiwan sa bahay. Si Blaze ang palage kong nakakasama dahil paminsan-minsan lang lumalabas ng bahay si Verse. Palage kasi siyang nagkakasakit.
Naalala ko sina Verse at Blaze sa mga nakababata kong kapatid kaya naman hindi ko na gaanong namimiss ang mga kapatid ko dahil kina Blaze ngunit ngayong wala na rin sina Blaze at Verse parang may kung anong bagay na nawala na naman sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung sino ba talaga ang namimiss ko. Ang mga kaibigan ko ba o ang mga kapatid ko? O baka naman pareho ko silang namimiss lahat.
"Namimiss ko na sila." Sambit ko at tinigil na ang pagpipiano.
Natigilan ako dahil may nahagip ang aking paningin kaya naman napalingon agad ako sa may pintuan at nakita si Luijen na hawak ang mga duplicate ng mga susi sa mansion na ito.
"Ginagawa mo dito?" Garalgal ang boses ko. Saka ko napansin na naiiyak na pala ako.
"Kunti lang ang kinain mo. Mamaya sasabihin pa nina mom at dad na pinabayaan kita." Medyo malambot na ang boses niya. Di na tulad ng dati na pasigaw.
"Kailan sila uuwi?" Tanong ko muli.
"Next week."
***
"Sige na. Sumama ka na." Pangungulit ni Kian. Nandito nga pala kami sa hallway papunta sa klase ko. Kinukulit niya akong sumama sa cruise ship na gaganapin next week kaso ayaw ko. Dagdag gastos lang yun. Ang dami ko ng magiging utang sa mga Micanovic pag nagkataon.
Baka hindi na ako makakabayad pagdating ng panahon. Kung di ko man mababayaran ang utang na loob, sana naman mababayaran ko iyong mga perang nagastos nila sa akin kapag nakapagtrabaho na ako.
Pagdating sa building namin nagpaalam na ako kay Kian. Dumiretso naman ako sa locker ko para makakuha ng libro na kakailanganin namin ngayon.
Napakunot na lamang ang noo ko dahil marami na namang mga regalo sa loob. Dapat siguro magpapalit na ako ng lock nito. Nakapagtaka lang kung saan ba ito nanggaling? Dati inaakala ko dahil kaibigan ko sina Blaze at Verse kaya nila ako binibigyan ng mga regalo. Pero ngayong may regalo parin akong natatanggap kahit na hindi ko na sila kasama nakakapagtataka na talaga.
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...