Xhirra's P.O.VNasaan na ba yong notebook ko? Bumalik ako sa library pero wala na don. Wala naman palang klase sa hapon kaya di ako nahuli sa klase. Papasok na sana ako sa classroom pero may humarang sa akin.
"Wait Miss." Napaangat ako ng tingin. Yung Rex to ah.
"Why?" Nagtataka kong tanong. Bakit kasi ako nilapitan nito?
"Do you like Kian? Kasi namis-interpret niya yung pagtitig mo kanina. Or let us say tama din siya sa hinala niya?"
"Does my answer matter then?" Ano naman kung may gusto ba talaga ako o wala? Para titigan lang, may gusto agad? Di ba pwedeng dare o trip lang?
"We just want to clear anything. If you like him, just tell us baka matulungan ka namin. Malay natin your heart belong to him." Sabi naman ng kasama nitong kabilang din sa KingZi na si Jeff.
"I'm not belong to anyone, specially my heart. Napatitig lang ako kanina para malaman kung gwapo nga ba siya. Kasi usap-usapan siya sa classroom and then I realized gwapo nga naman but it doesn't mean something." Sagot ko at sinabayan ng kibit-balikat. Syempre, di ko aaminin na dahil yun sa dare naming magkakaibigan. Saka kung totoong gusto ko siya bakit ko naman sasabihin sa mga kaibigan niya?
"Rinig mo yon?" Tanong ni Rex sa taong nasa likuran ko. Don't tell me nasa likuran ko si Kian? Dahan-dahan akong lumingon. Siya nga. Of course, kahit gulat ako, pokerface pa rin. Ito na ang nakasanayan kong maskara.
"Sige maiwan ko na kayo." Sabi ko saka pumasok sa classroom. Sinalubong naman ako ng yakap ng dalawa.
"Fhaye! Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni Blaze na nanlambing na naman. Ginulo ko naman ang kanyang buhok na ikinasama na naman ng mukha niya at lalong napanguso.
"Alam mo bang nangangawa na iyang si Blaze?" Verse said.
"Ba't ba kasi di mo binigyan ng kendi?" Tanong ko naman.
"Ikaw daw kendi niya." Tukso ni Verse.
"Pinainom mo na sana ng gatas para tumahan." Sagot ko din.
"Walang breastmilk ayaw kasi niya sa ibang gatas." Pigil sa pagtawang sagot ni Verse.
"Hindi na nga ako bata. Bine-baby niyo na naman ako eh." Nagpout na sabi ni Blaze.
"Hindi ka baby, totoy lang." Pang-aasar ko pa.
"Ang sama niyo talagang dalawa sa akin." Sagot ni Blaze na akma pang iiyak.
"Uwi na nga tayo. Ikaw Blaze practice niyo ngayon hindi ba?" Tanong ko sa kanya.
"Punta ako basta manood ka sa practice."
"Ba't di si Verse ang yayain mo?"
"Susunduin ako ni mommy mamaya." Sagot ni Verse. Lagi naman eh. Hatid sundo siya. Madalas ding di siya sumasali sa PE class. Which I suspected that may sakit siyang nililihim. Hikain ba siya o may sakit sa puso?Sinamahan ko si Blaze papunta sa basketball field. Si Verse naman sinundo na ng driver nila.
"Blaze galingan mo. Itayo mo ang bandila ng mga totoy." Nakangisi kong sabi nang magwarm up na sila. Sumimangot naman siya.
"Bigboy na ako." Sigaw niya.
"Maniwala ako pag may girlfriend kana." Sagot ko naman.
"Ikaw daw gusto niyang maging girlfriend." Sigaw pabalik ni Hirowie.
"Patangkad muna siya ah." Sagot ko din na ikinatawa ng mga kasamahan niya.
"Tatangkad pa ako, tandaan mo yan." Pangako ni Blaze.
"Sige antayin ko!" Sagot ko din na umani ng tukso ng mga kaibigan niya.
Nagwawarm up na sila saka dumating ang dalawang pang grupo. Grupo nina Throne at ng KingZi. Nagsidatingan na din ang mga Azyma Girls at ang mga cheerleaders ng school. Tsk! Akala ko silang Blaze lamang ang nandirito. Ayoko pa namang makita yang Luijen na yan. Tumayo nalang ako saka naglakad paalis.
"Wait!" Napalingon ako kay Throne. Bakit naman niya ako tinawag? Nakalimutan ba niyang nasapak ko siya dati?
"Aalis ka na?" Tanong niya pa at tumakbo palapit sa akin.
"Fhaye! Sabi mo manonood ka? Ba't ka aalis?" Tanong ni Blaze na tumakbo rin palapit. Ayan tuloy, yung mga fans nila ang sasama ng tingin sa akin.
"Grabe siya pinagtuhog niya yung dalawa." Girl 1.
"Kaya siguro nagbreak sina Verse at Blaze dahil sa kanya kasi ayaw niya na maging sina Verse at Blaze." Girl 2.
"Siya din siguro ang dahilan kung bakit nagbreak sina Throne at Mina."
"Ang galing niyang mamikot ano."
Naikuyom ko ang aking mga kamao sa narinig. Nanilim talaga ang paningin ko at baka makasapak pa ako ng wala sa oras. Nilapitan ko ang mga babaing nakikipagchismissan.
"Mga Miss! Kung naiinggit kayo sa beauty ko magpaganda na lamang kayo. Di dahil sa hindi kayo gusto ng mga crush niyo sasabihin niyo ng nanlalandi ang ibang tao. Sabagay, tili nga kayo ng tili pero di parin kayo napapansin. Kaya naiinggit kayo sa akin." Sabi ko sa kanila.
Tumahimik naman sila kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglakad. Nagmura pa sila pagtalikod ko.
"Fhaye!" Tawag ni Blaze.
Napatigil ulit ako at hinarap siya.
"Sabay na tayo." Kaya sabay na lamang kaming umalis.
***
{✓}
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...