19: Nalilito

106 13 0
                                    


Fhaye's p.o.v

"Selfie tayo." Sabi niya at nilapit ang mukha sa akin.

Hapon na bago namin naisipang umuwi. Tumawag din si Edrian at sinabi na maaari na daw akong mag-aral dito. Naayos na nila lahat ng mga kakailanganin ko. Pakiramdam ko tuloy ang dami ko ng utang sa kanila.

Niyaya niya akong mag-dinner at pumunta naman ako. Nang bumalik ako sa Micanovic mansion naratnan ko si Luijen na nagigitara at kumakanta ng 'Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko.'

"Di ko alam ang nararamdaman. Nang mawala ka at ako'y nag-iisa." Kanta niya. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.

Lalapitan ko sana kaso lumapit si ate Luiza sa kanya at tinabihan sa pag-upo. Kapag magkasama sila ni ate Luiza agad akong lumalayo. Iyon ay dahil pakiramdam ko dinidisturbo ko silang dalawa.

Dahan-dahan akong naglakad at dinaanan sila. Mukha namang mga busy kaya di ko na dinisturbo pa. Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.

Pagkatapos kong makapagshower at magpalit, may kumatok sa pintuan kaya naman agad kong pinagbuksan.

"Ate Luiza. Ikaw pala." Mukhang ang sama ng mood niya. Ang sama kasi ng tingin sa akin e.

"Patay ka na. Bakit ka pa ba bumalik?" Medyo nabigla ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba ang ginawa mo? Sinira mo ang buhay ni Luijen. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit ka namatay pero buhay na buhay ka naman pala." Mahina niyang sabi ngunit makikita mo ang galit sa kanyang mga mata.

"Ito ba ang ganti mo sa pagkupkop nila sayo? Bakit ka pa bumalik? Bakit di ka nagparamdam kung buhay ka naman pala? Sa tingin mo gano'n lang kadali yun? Matapos mo kaming papaniwalaing patay ka na, magbabalik ka na lang bigla na parang wala lang?"

"Nandito ka ba para guluhin na naman ang buhay namin?"

"I'm sorry. Kung nag-alala kayo at nagalit sa ginawa ko. Pero naipaliwanag ko na kina mommy at daddy ang lahat. Hindi naman sana ako babalik pa kung maganda ang resulta ng pag-alis ko kaya lang hindi kaya naman bumalik ako." Mahinahon at kalmado kong sagot.

Sa simula palang alam kong hindi naman ako gusto ni ate Luiza. Mas cold nga siya sa akin kaysa kay Luijen e. Hindi ko siya kinakausap noong nandito pa ako dati at palage ko siyang iniiwasan dahil nararamdaman ko naman na ayaw niya sa akin.

"Inaakala ko nga na sobrang saya niyo na dahil wala na ako kaya naman hindi na ako nagparamdam pa. Ngunit ang makitang nalulungkot sila nang dahil sa inaakala nilang namatay ako, isa sa rason kung bakit ako nagbalik. Dahil ayaw kong sisihin ni Luijen ang sarili niya."

Marami pa siyang mga sinabi sa akin pero wala na akong pakialam pa. At di ko na pinakinggan pa. Isinara ko na lang ang pinto at nagpahinga na.

Kinabukasan, naisipan kong umalis. Nakita ko sina mommy at daddy kaya nagpaalam na muna ako sa kanila. Umalis na muna ako para makapag-isip-isip naman at makahinga ng maluwag. Parang sumikip kasing bigla ang lugar na ito para sa akin.

Mabuti nalang at tumawag si Blaze at niyaya akong mamasyal.

Nagtungo ako sa park kung saan kami tumatambay ni Blaze dati. Malayo palang ay nakita ko na ang masaya niyang mukha na abot tainga ang ngiti sa labi.

"Kanina ka pa?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa buong paligid. Kami lang kasing dalawa ngunit may nilagay pa siyang red carpet sa maliit na pathway patungo sa kung saan siya nakaupo ngayon.

"Ang romantic ng ambiance." Hindi ko alam pero bigla yata akong nailang na kinakabahan? Para kasing ang romantic naman ng paligid na ito.

Tumayo siya at pinaghila ako ng mauupuan. Binigay din niya sa akin ang isang bouquet ng mga rosas.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon