Nilingon ko ang Micanovic mansion sa huling pagkakataon bago tuluyan ng umalis. Nagta-taxi na lang sana ako kaso wala ni isa man ang tumigil kaya naman naglakad na lamang ako sa bus station. Mabuti nalang at medyo malapit lang.
Pasakay na ako ng bus nang may yumakap sa likuran ko.
"Im sorry please don't leave." Sabi ng kung sino mula sa aking likuran. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya lang, hindi ba't nagsorry na rin siya dati? Pero hindi naman nagbago. Bumait sandali ngunit sumungit na naman.
Ang sorry na ito, hindi ko alam kung saan mapupunta kung di ako aalis. Parang asawa tuloy na iniwan at nang-iwan ang style naming ito.
"I'm sorry." Sambit niya habang umiiyak sa likuran ko. Nakalagay naman ang baba niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit parang malalaglag na yata ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Ngunit kailangang hindi ako magpapadala sa emosyon.
Baka mamaya hindi pa matutuloy ang alis ko dahil madadala ako sa drama ng isang to. Tapos walang hangganang sakitan ng salita na naman kami.
"I have enough." Sambit ko at tinanggal ang pagkakayakap niya.
Pumasok na ako at naghanap ng mauupuan. Umandar na ang bus.
"Fhaye." Tawag niyang bigla na tila ba ngayon lamang natauhan mula sa pagkakatulala kanina.
"Fhaye." Tawag niya habang tumatakbo.
Ewan ko ba. Bigla-bigla na lang nawala lahat ng galit ko nang mag-sorry siya. Pero para naman to sa aming dalawa. Para hindi ko na maagaw ang bagay na para sa kanya. Saka maaari naman akong bumisita ulit sa kanila. Di na niya kailangan pang magdrama. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon.
"Fhaye." Tawag niya pa.
Nagdadalawang isip tuloy akong umalis.
"Miss kawawa naman yung boyfriend mo." Sabi ng driver at titigil na sana kaso walang mahihintuan dahil marami-rami na ang mga sasakyan sa paligid.
"Ang poge ng boyfriend mo Miss. Siguradong mahal na mahal ka niya." Sabi naman nitong babae sa likuran ko na parang kinikilig. Napakunot nanan ang aking noo.
Sabihin ba namang boyfriend ko ang masungit na yun? Kaya lang, bakit natutuwa yata ako kapag naririnig kong sinasabi nilang boyfriend ko ang Luicinfer na yun? Gusto ko tuloy sapukin ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong pag-alis. Naguguluhan ako. Nalilito.
Pumikit na lamang ako. Sana pagising ko, magiging ayos na ang lahat.
Kung pwede sana di na ako magigising. Kung ang lahat ng bagay na meron ako ay di naman para sa akin.
Bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na pagsabog.
***
Kian's p.o.v
"Mahirap pumasok sa buhay niya kaya wag mo ng subukan." Naalala ko pang sabi ni Tita.
Mahirap nga dahil kahit anong advancement na ginagawa ko binabalewala parin niya. Iniiwasan parin niya ako. Naiilang parin siya at may harang paring namamagitan sa aming dalawa. Kung sana ako na lang si Blaze. Na nginingitian niya ng matamis kapag nakakasalubong. Binabati at inaasar kapag nakakasama.
Napabuntung-hininga na lamang ako at pinagmasdan ang keychain na napanalunan namin noon sa paglalaro ng bowling. Ibinigay kasi niya sa akin, pang lucky charm ko daw.
Parang totoo naman dahil palage na lamang kaming nananalo sa basketball ngayon. Dati kasi palaging ang grupo nina Throne ang nananalo.
"Bakit lasing na naman si Throne?" Ang narinig kong tanong ng mga katropa ni Throne.

BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...