0: Xhirra Fhaye

216 14 0
                                    

"Hindi dahil sa alam na ng mga kaibigan ko na stepsister kita magiging proud ka na. Ayokong may makakaalam na iba dahil kinakahiya kitang maging kapatid." Sigaw sa akin ng lalaking kinamumuhian ko sa buong buhay ko.

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Masakit pero kailangan kong tiisin dahil iyon ang katotohanan. Iyon ang nararamdaman niya para sa akin. Sino lang ba ako? Isa lamang akong anak na inabandona at tinalikuran ng buong pamilya. Iniwan at nakitira lamang sa pamamahay na ito. Sampid lamang sa bahay na ito.

"Kung ganon pareho pala tayo. Kinakahiya ko rin kung sakaling magiging stepbrother kita." Sagot na mahahalata ang sakit na nararamdaman base pa lamang sa aking nanginginig na boses.

"Iisipin ko palang na magkaroon ako ng kapatid na katulad mo nandidiri na ako. Masakit mag-isa. Ngunit mas pipiliin ko na lamang mag-isa kaysa sa magkaroon ng kasamang puro na lamang masasakit na mga salita ang lumalabas sa bibig." Sabi ko sa garalgal na boses.

"Pakiramdam ko, kinamumuhian mo kapag nakikita mo akong masaya. Kung iniisip mong lahat na lamang ng sayo inaagaw ko. Pamilya mo, mga magulang at mga kapatid, wag kang mag-alala. Binabalik ko na sila sayo. Malaki na man na ako e. Hindi na dapat umaasa parin ako sa kanila at aagawin ang atensyon na dapat sayo ibinibigay." Pagpapatuloy ko habang siya nakatitig lamang sa akin.

"Kung kinasusuklaman mo ang bawat araw na kasama ako, then I'm sorry for that. I'm sorry kung nasira ko ang mga panahon na nararapat ay sayo ibinibigay. Hindi na kita guguluhin pa. Hindi na masisira ang mga araw mo." Sabi ko at mabilis na umakyat sa patungo sa aking kwarto.

Nagligpit agad ang mga gamit. Yung mga ako mismo ang bumili ang tanging dinala ko. Nagmamadali na akong bumaba. Ngunit natigilan ako dahil nakita ko sina mommy at daddy na kararating lang. Sila ang mga adopted parents ko na nagpalaki sa akin at itinuring na tunay na anak.

Nakita kong pinapagalitan ni daddy si Luijen. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa transfer form ko. Balak ko din kasing lumipat ng school. Kaya inihanda ko na ang transfer form.

"Kung maaari wag niyo ng pagalitan si Luijen. Wala po siyang kasalanan." Nagalit man ako kay Luijen kanina ngunit tama naman siya. Hindi siya ang dapat sinisisi ng lahat. Ako lang naman talaga ang rason kung bakit nag-aaway sila at kung bakit napapagalitan lage si Luijen kaya mas mabuti na lamang na ako na ang umiwas at lumayo para tumahimik na ang buhay nila.

"Wag mo na siyang pagtakpan. Rinig na rinig ko ang lahat ng mga pinagsasabi niya." Sagot ni mommy sa akin.

"Salamat sa mga kabaitan niyo at ipinakitang pagmamahal sa akin ngunit desisyon ko po ang umalis. Wag po kayong mag-alala. Babalik naman po ako. Dadalawin ko naman po kayo palage. Hihiwalay lang po ako ngayon." Nakayuko kong sagot na may nagsusumamong boses.

"At saan ka naman pupunta? May mapupuntahan ka ba?" Tanong naman ni daddy na puno ng pag-alala ang boses.

"Meron na po. Wag po kayong mag-alala." I assured them.

"Maraming salamat sa pagmamahal na ipinahiram niyo sa akin na alam kung dapat ay nakatuon ito para kay Luijen. Kailangan po ni Luijen ng atensyon at pagmamahal na tanging si ate Luiza lamang ang nagbibigay. Pinaramdam niyo sa akin ang atensyon at pagmamahal na nararapat ay para sa kanya. Lahat kayo ako ang pinapaboran dahil lang sa masungit siya at ang sama ng ugali niya.

At ngayon pati ang mga kaibigan niya pinagsasabihan na rin siya nang dahil sa akin. Tanging si ate Luiza lamang ang palaging nandiyan, nakikinig at umiintindi sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ako ang naging dahilan kung bakit lumalayo ang loob niyo sa kanya. Sana naman po maiintindihan niyo rin ang nararamdaman niya. Mas masasaktan siya dahil mas pinili niyong kampihan ang tulad ko na malayo sa inyo kaysa sa kanya na kadugo niyo. Kaya kung pwede lang sana, intindihin niyo siya." Ang mahaba kong mensahe sa kanila.

"Pangako. Babalik po ako. Dadalawin ko po kayo palage." Pangako ko sa kanila.

Gusto kong hanapin ang lugar kung saan ako nararapat. Sampid lamang ako sa lugar na ito at sinisira ko lang ang relasyon ni Luijen sa pamilya niya kaya mas nakakabuti na umalis na lamang ako at magpakalayo-layo sa kanila.

At kung bakit ganito ang nangyayari? Ikukwento ko sa inyo mula sa araw na kasama ko pa ang mga kaibigan ko.

***

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon