1: Xhirra Fhaye

244 19 1
                                    

Fhaye's point of view

Hello everybody. I am Xhirra Fhaye Hedron. Sixteen years old. Nag-aaral sa isang private school na kilala sa tawag na Micanovic High. Scholar lang ako sa paaaralang ito.

"Fhaye"

"Ay kambing"

"Makakambing naman to." Sagot ni Verscefey. May bff. Ampon lang yan. Ako din. Kaya kami nakapasok dito sa Micanovic High. Scholar ang pagkakakilala ng mga tao sa amin dito.

"Pasok na tayo!" Aya niya sa akin. Pumasok na kami sa classroom.

"Hi! Verse!"

"Verse date na tayo." Nakaharang na naman ang mga kaklase naming mga lalaki sa daan. Madalas nilang pinagtitripan si Verse kasi ang ganda niya at ang cute cute pa. May humahawak na sa braso niya.

"Bitiwan niyo nga ako." Halatang natatakot na ang boses niya at parang naiiyak na.

"Ton, Ched, Len!" Banta ko sa kanila. Agad naman silang bumitaw.

"Kung ayaw sa inyo wag pilitin. Kung magpapansin,wag chansing." Sabi ko sa kanila na nakairap. Pumasok na kami ni Verscefey sa classroom.

"Fhaye, may sagot ka sa assignments natin?" Tanong sa akin ni Blaze. Isa sa katabi ko. Sa left ko kasi si Verse, si Blaze naman sa right side. Siya ang best in Math namin. English si Verse ako naman yung medyo magaling sa Science and Arts.

Isa sa Campus Crush si Blaze. Si Verse naman Campus Barbie Princess. Nakakailang nga kung minsan eh. Kasi parehong mga magaganda't gwapo ang mga close friends ko sa school.

"Meron na. Ikaw ba?" Sagot ko at nagtanong pabalik.

"Meron na rin. Patingin nga sayo." Sabay hablot ni Blaze sa papel ko. Tiningnan ko din ang papel niya tapos pinagkumpara ko kay Verse.

"May di ka pa nasagot. Yung sa number 10. Ikaw din Verse di mo nabawas yung 2." Sabi ko.

"Ikaw nga din eh,di mo nassali yung zero sa number 5. May mali ka pa sa sign. Negative dapat dito banda." Sagot ni Blaze.

"Patingin nga niyang sa akin." Sabi naman ni Verse. Ganito kami kanya-kanyang solve sa Math pero pinagkukumpara namin ang aming mga sagot. Chini-check kung sino ang may mali.

Dissmissal!

"Blaze! Don ka na nga sa barkada mo! Mapagkamalan ka pang bakla eh." Taboy ko kay Blaze.

Sunod kasi ng sunod sa amin eh. Parang si Verse lang, pag aabsent ako aabsent ang mga yan. Ayan tuloy di ako nakakapag-absent sa pag-aalalang makakapag-absent sila nang dahil lang sa akin.

"Bakit mo ba ako laging tinataboy ha!" Nagpout pa ang loko.

"Para ka talagang bata. Nga pala bata ka nga pala talaga." Sabi ko.

"Bigboy na ako. May muscles nga ako oh." Sabay pakita sa muscles niyang maliliit at mabuto pa.

"Hahaha! May muscles daw eh payatot naman." Sabi ni Verse sabay tawa.

"Nagsalita ang palitong barbie." Sagot naman ni Blaze. Sa totoo lang pareho silang maliliit at mga cute. Bagay nga sila eh. Iyakin si Verse, isip bata naman si Blaze.

"Blaze! Basketball na tayo." Tawag ni Rome kay Blaze.

"Oo ayan na!" Tumakbo na siya papunta sa barkada.

"Blaze ingat ka ha! Baka ikaw ang isyot nila sa ring. Ang liit mo pa naman." Sigaw ko dito na natatawa.

Ngumuso naman siya at inirapan ako. 5'6 ako with the age of 15. Siya naman 5'4 with the age of 14. Maputi nga siya, gwapo at cute pero patpatin naman. Payat na ang tingin sa akin pero mas malaki pa ako compared sa kanilang dalawa ni Verse. Matured ng tingnan ang mukha ko compared sa kanilang mga baby face. Kung 44 kilos sila, 48 naman ako. Kahit gano'n tinatawag pa rin nila akong payatot. Mukha kasi akong patpat para panungkit ng prutas.

Dumiretso na kami ni Verse sa Cafeteria. Pumila na kami para mag order ng food. Nilapitan na naman ng mga boys si Verse. Sikat kasi yan sa mga boys e.

"Hi Verse! Number mo nga!"

"Ayoko! Wala!" Sagot niya.

"Aba ang damot naman nito."

Nakita ko ang isa sa boys na hinahawakan siya sa puwet. Sa inis ko lang. Hinablot ko ang buhok niya. Sakto pa naman at masabunot ko.

"Babae yun pre at hindi kabastos-bastos pero binastos mo." Pagkasabi ko no'n sinapak ko na siya na ikinasinghap ng mga manonood.

"Mambastus na kayo ng iba pero wag ang bestfriend ko." Mukhang nag slow motion ang lahat.

Tapos walang nagsalita kahit isa. Walang sinumang nagtangkang mang-api sa akin sa school na ito dahil tingin ko palang daw nakakatakot na. Wala rin naman akong inaapi ngunit di rin naaapi. Di tulad ng grupo ng Azyma Girls at KingZi Boys na kung sino ang napapagtripan ang siyang inaapi nila.

Nagsialisan yung mga lalaking pumalibot kay Verse. Tumakbo naman palayo yung sinapak ko.

Bumalik na ako sa pila. Tumabi naman agad yung babaeng nasundan ko.

"Ikaw na mauna Miss! Mas nauna ka sa akin." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at mag-oorder na sana kaso may tumulak sa kanya na isang lalaki.

"Sampung coke nga para sa KingZi." Sabi nitong lalaki.

"Luijinfer talaga!" Bulong ko. Napalingon naman siya sakin at tiningnan ako ng masama.

"Gerrafhaye!" Sagot din niya. Siya si Luizen Kaifer Micanovic. Anak ng may ari ng school at leader ng KingZi. Masungit, maangas, cold, basagulero, at sira-ulo. Hate na hate ko yan from heaven to hell.

Di ko nalang siya pinansin. Inantay ko nalang na makaalis na siya.

After naming makaorder naghanap na kami ng mauupuan.

"Fhaye!" Muntik na akong matumba nang dambahin ako ng yakap ni Blaze mula likod.

"Buset ka Blaze muntik ko ng mabitawan yung tray ko!" Sigaw ko dito. Bumitaw naman siya.

"Dito na kayo sa table namin." Yaya ni Rome. Tumango naman ako. Alam kong naiilang sa mga boys si Verse pero ako hindi. Saka masyado siyang mahiyain. Gusto ko lang naman na masanay kahit kunti si Verse na makipaghalubilo sa iba. Nasobrahan na kasi kami pareho ng pagiging anti-social naming dalawa.

Si Blaze nga pala ang nag order ng food ng basketball team at nasa pila parin siya hanggang ngayon.

"Sino ba talagang girlfriend sa inyo ni Blaze?" Tanong ni Hirowie. Anim lang silang andito ngayon. 12 kasi silang lahat sa grupo.

"Yung totoy na yun? Boyfriend?" Marunong na ba yung manligaw?" Sagot ko na ikinatawa naman nila.

"Porket matangkad ka lang tinutotoy mo na si Blaze ah." Sagot ni Joem.

"Bagay sila ni Verse!" Sabi ko. Napaubo naman bigla si Verse.

"Yung lalaking yun bagay kami? Wag nalang." Sagot ni Verse.

"Buti ka pa lalaki tawag sa kanya. Itong si Fhaye na to, totoy talaga." Rome.

"Isip bata lang yon pero marunong na yon gumawa ng bata!" Shimel.

"Anong gumawa ng bata?" Napalingon sila kay Blaze ako naman napasulyap sa KingZi kasi nakikinig sila sa usapan namin eh. Tong Luizen ang cold ng tingin. Ako naman pokerface.

"Hirowie ako dyan!" Sabay sipa ni Blaze sa upuan ni Hirowie.

"Ako nauna dito. Don ka nalang sa tabi ni Rome." Sagot ni Hirowie.

"Tabi nga kasi ako ni Fhaye!" Humila pa siya ng upuan at sumiksik sa pagitan namin ni Hirowie.

***

{✓}

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon