26: Paano na ang puso ko

129 18 7
                                    

Fhaye's p.o.v

Pansin kong ang tamlay-tamlay ni Luijen. Napakalungkot din ng mga mata. Magmula nong magpakita ang pamilya ko mas lalong tumamlay ang kanyang mga mata. At lalong-lalo na ngayong naisipan kong sumama kina papa at Xhirren.

I want to talk to him. I want to see him smile kaya lang hindi ko alam kung paano.

"Luijen." Tawag ko sa pangalan niya.

"Aalis ka na bukas di ba?" Tanong niya at humarap sa akin. Tumango naman ako.

"Buti pumayag si Edrian." Dagdag niya pa. Bakit naman nasali si Edrian?

"Sinusuportahan naman niya ang mga desisyon ko." Sagot ko din. Wala naman siyang rason para di ako suportahan e.

"Mabuti kung ganon. Marami ng nagmamahal sayo." Sambit niya na halos pabulong na lamang.

Kinuha niya ang gitarang nasa gilid niya.

"May kanta ako para sayo."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Madalas kasi si Ate Luiza ang kinakantahan niya.

Umupo siya sa gilid ng hagdan at umupo din ako sa kabilang gilid.

Nakayuko lamang siya at nagsimula ng tumugtog. Napatingin ako sa kanyang mukha na napakaamong tingnan. Saka ko napansin na napakagwapo pala talaga niya. Kaya naman pala pinagkakaguluhan siya ng mga estudyante sa Micanovic High noon. Hindi ko lang talaga napapansin ang kagwapuhan niya noon kasi ang sama ng tingin ko sa kanya. Yung tipong hindi ko nakikita ang worth niya or good side niya dahil palage lang niya akong sinasaktan at iniirita?

Nagsimula na siyang kumanta.

"Di ko alam ang gagawin. Puso ko ay susundin. Natatakot na di mo pansinin. Kay hirap sabihin na minamahal kita sinta. Ngayon nakikitang mayron ka ng iba."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang ganda talaga ng boses niya. Ang gwapo pa niya. Napaangat siya ng tingin kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin at grabe naman 'tong puso ko. Halos lumabas na sa kinalalagyan. Pakiramdam ko rin nag-init bigla ang mukha ko.

"Sanay pagbigyan. Pagbigyan ng pagkakataon. Ang tanong ng isip ko nasasaktan ang puso ko." Pagpapatuloy niya sa pagkanta.

"Paano na ang puso ko na umiibig sayo. Ngayong ikaw ay mayroon ng ibang gusto."

Ako ba ang tinutukoy niya na may ibang gusto? Di kaya may gusto siya sa akin?

Napailing ako sa naiisip lalo na nang maalala ko ang mga halikan nila ni Ate Luiza. Imposibleng magugustuhan ako ni Luijen. Imposible yun.

"Hanggang pangarap nalang. Hanggang pangarap na lang. Ang pag-ibig ko sayo. Dahil alam ko hindi na magiging tayo. Paano na ako. Paano na ang puso ko." Sa pagkakataong ito nakatingin na siya sa akin. Bigla akong napapigil ng hininga habang pinipilit na pakalmahin ang nagwawala kong puso.

"Gustong-gusto talaga kita dati pa. Nagseselos ako kaya pinapagalitan  kita. Naiinggit ako kapag nginingitian mo ang iba. Ngunit ako hindi. Gustong-gusto talaga kita Fhaye." Bigla niyang sabi na ikinapigil ng hininga ko.

Pakiramdam ko biglang huminto ang pag-ikot ng mundo. Kitang-kita ko na din ang bilis ng pagtaas-baba ng suot ko. Halatang-halata ang malakas nitong pagtambol dahil sa sinabi ni Luijen.

Hindi ko alam ang isasagot. Ang tanging nakikita ko ngayon ay si Luijen na may mapupungay na mga matang nakatitig sa akin.

"Hindi lang kita gusto. Mahal na mahal talaga kita. Mahal kita Fhaye."

Parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. Ngunit may kung ano sa puso ko ang nakakaramdam ng tuwa. Kaya lang, nang maalala ko si Ate Luiza lalo na nang makita muling naghalikan sila kamakailan lang, sumikip na lamang bigla ang dibdib ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon