21: Aesha

156 10 1
                                    

Fhaye's p.o.v

Papasok na ako sa University next week saka natapos na ang mga araw na hiniling nina mommy at daddy na manatili ako dito sa tahanan nila kaya naman nagpaalam na ako.

Dahil nasa ibang bansa na naman sila tumawag na lamang ako. Di na ako nagpaalam kina Luijen baka madisturbo ko pa sila ni Ate Luiza.

Dumiretso na ako sa bagong bili kong apartment. Sina Tito Edmund ang naghanap ng apartment na ito at sila na din ang naglagay sa mga gamit na naririto kaya wala na akong problema.

Kinabukasan pagbukas ko ng pinto sumalubong sa aking paningin ang mukha ni Blaze.

"Fhaye. Bakit di mo sinabing umalis ka na pala sa tahanan nina Luijen? Alam mo bang inaakala nila na si Luiza ang dinalaw ko?"

Natawa na lamang ako makita ang ekspresyon ng mukha niya. Katulad parin kasi dati na parang bata na nakapaibabaw ang ibabang labi tapos parang iiyak na. Ganito kasi ang reaksyon niya kapag inaagawan namin siya ng candy o pagkain.

"Bakit ka kasi nagpunta sa lugar na iyon na walang pasabi?" Tanong ko at pinapapasok na siya sa loob.

"Gusto kitang sorpresahin kaso ako ang nasorpresa. Mabuti na lang at nagkita kami ni Sir Edmund at nalaman ko mula sa kanya na may apartment ka dito. Kaya umupa ako ng isang unit dito para palage na kitang makikita." Sabi niya at tumaas ang magkabilang sulok ng mga labi.

"Tinawagan ko na din si Verse at magkakasama-sama na ulit tayo."

Akala ko biro lang ni Blaze na umupa rin siya ng isang unit sa gusaling ito. Ngunit nagulat ako dahil pati si Verse nasa katabing unit ko na rin.

Pareho din kami ng University na papasukan.

Mabilis na dumaan ang mga araw at pumasok na rin kami sa TwinHeart University. Bagong usbong na university ngunit mga sikat at hinahangaan na mga professors at tutor ang ni-hire ng may-ari para magturo sa unibersidad na ito. Kaya marami rin ang mga magulang na naengganyong ipasok dito ang mga anak nila.

Nagkahiwalay kami nina Verse at Blaze dahil magkaiba kami ng kurso. Sa STE department si Verse dahil teaching ang pinili niyang kurso. Si Blaze naman engineering at ako naman Accountancy.

"Alam mo? Naiirita na ako kanina." Pagkukwento ni Blaze pagkalapit niya sa amin ni Verse.

"Bakit naman?"

"Yung apo ni Don Art panay sunod sa akin. Ayun inaway ni Aesha. Iniwan ko nga ang dalawa."

"Naiinis din ako sa Raven na yon. Hindi dahil sa isa siya sa tagapagmana ang yabang yabang na niya."

Ngayon ko lang nakitaan ng pagkairita itong si Verse. Sino din naman kaya ang Raven na iyan at iyang mga apo ng Don Art na yan?

Nagtungo kami sa cafeteria ngunit kapansin-pansin ang mga tingin sa amin ng ibang mga estudyante.

"Woah, ang gaganda nila. Parang walking barbie doll ang isang iyan o." Sabay turo ng isang guy kay kay Verse.

"Mas type ko yang isa. Parang disney princess in real life."

Anong Disney princess? Mukha ba akong cartoon? Nagmamadali na kaming nagtungo sa cafeteria, nakakailang kasi ang mga tingin ng mga estudyante sa amin e.

"Teka di ba si Miss F yan?"

"Oo nga."

Ang inaakala kong mas peaceful sa cafeteria naging mas magulo pala. Hindi ko inaasahan na marami akong fans sa lugar na ito.

May humingi ng autograph, may kumuha ng picture may iba naman kumuha ng video. Kundi tumunog ang tiyan ko hindi yata nila ako titigilan. Gusto kong mahiya dahil sa pagtunog ng tiyan ko ngunit nagpasalamat na rin dahil hinayaan na din nila kaming kumain ng tahimik.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon