"Uminom ka muna ng tubig." Inabutan ako ni Edrian ng bottled water.
"Thank you." Mahinang usal ko at kinuha ang binigay niya.
Uminom ako ng tubig saka pinagmasdan ang mga tanawin sa ibabang bahagi ng kinaroroonan namin. Nasa hillside kasi kami ngayon at kitang-kita ang buong syudad.
Kapag naaalala ko sina mama, masasaktan parin ako. Ang dami kong gustong itanong ngunit mas masasaktan lang ako kapag tinanong ko pa sila. Lalo na noong na-hospital ako. Nasa hospital ako pero anong ginawa nila? Nagpadala lamang sila ng pera. Ni di man lang nila naisip na dalawin ako. Tapos ngayon nandito siya para kunin ako? Ngayon na kaya ko ng mabuhay na wala sila?
Kung kailan ayos na sana at di ko na sila kailangan pa. Kung kailan naka-move on na ako sa pang-iiwan nila.
"Iiyak mo nalang kung gusto mo. Nang sa gano'n maiibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman mo."
Para bang nagiging go signal sa akin ang sinabi ni Edrian kaya naman matapos niya iyong sabihin may kung ano sa kaloob-looban ko ang napindot at kusa na lang tumulo ang aking mga luha.
"Kaysa pipigilan mo mabuti pang iiyak mo nalang. Para gumaan-gaan naman kunti ang paninikip ng dibdib mo pagkatapos mong mailabas amg lahat ng hinanakit mo." Sambit niya.
Bumuhos naman ang butil-butil kong mga luha.
"Edrian." Sambit ko na may garalgal na boses at nanginginig na mga labi. At di na pinigilan pa ang pagbuhos ng aking mga luha.
Umiyak na ako ng umiyak. Habang naiisip ang mga araw noong iwan ako nina mama at papa.
Kahit pala magtatapang-tapangan ako, sila parin ang kahinaan ko.
"Kung sana pwedeng hatiin iyang sakit na nararamdaman mo at ibigay nalang sa akin nang sa gano'n hindi ka na mahihirapan ng husto." Napatigil ako sa pag-iyak sa sinabi niya at bahagyang napasulyap sa kanyang mukha.
Kahit papano gumaan din ang pakiramdam ko dahil naramdaman kong may nagpahalaga din sa akin kahit na isa lamang akong inabandonang anak. Si Edrian at si Tito Edmund ang nagturo sa akin para makabangon at magsimulang muli. Siguro hindi ko mararating kung ano ako ngayon kung wala sila.
"Bakit ganon? Ang sakit parin? Gusto ko silang tanungin kung bakit nila ako iniwan? Kaya lang mas nanaig ang galit tuwing naiisip kong inabandona nila ako at wala na silang pakialam sa akin tapos ngayon kukunin nila ako na parang nag-iwan lang ng isang bagay at babalikan dahil kinailangan na?" Sambit ko ng kaya ko ng magsalita ng diretso at kumalma kahit papano ang naninikip kong puso.
"Siguro naman may dahilan sila. Kung hindi mo sila kakausapin paano mo malalaman ang totoo? Kung ano ang tunay nilang rason?"
Tama. Ito na ang pagkakataon na malalaman ko ang tunay nilang rason pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang kausapin si mama.
"Alam kong nabigla ka lang kaya mo siya tinakbuhan. Pero kung handa ka ng harapin ang sinuman sa kanila, pwede mo na silang kausapin at itanong ang anumang gusto mong itanong sa kanila." Paliwanag niya.
Tama siya. Siguro nga dahil sa sobrang nabigla ako kaya sumabog ang lahat ng mga hinanakit ko nang makita si mama. Dahil sa ayaw kong umiyak sa harapan ni mama mas pinili kong tumakbo palayo.
"Salamat Edrian. Dahil kahit papano, gumaan ang loob ko. Thank you dahil nandiyan ka sa bawat panahong kailangan ko ng karamay. Salamat." Taos puso kong pagpapasalamat sa kanya.
Ngumiti naman siya pinunasan ang basa pisngi na di ko gaanong napunasan kanina.
"Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para sayo Fhaye. Dahil mahal na mahal kita at alam mo yun."
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...