16: Birthday party

122 11 0
                                    


Busy ngayon sa loob ng Yu mansion. Marami-rami na rin ang mga bisitang nagsidatingan.

"Fhaye, paayos naman ng buhok ko o." Nagsusumamong sabi ni Edrian.

"Kanina ka pa nakaharap sa salamin pero di mo pa naaayos iyang buhok mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fhaye at pinaupo sa tapat ng salamin si Edrian. Inayos ang buhok nito bago muling ayusin ang necktie.

"O ayan na. Poge na ulit masyado." Sabay kurot sa magkabilang pisngi ni Edrian na ikinangiwi nito.

Gaganti din sana ito kaya tumakbo palabas si Fhaye. Mabilis na bumaba sa hagdan at naglakad na papunta sa main hall kung saan gaganapin ang party. Paglabas niya sa isang pintuan, bumangga siya sa kung sino na muntik na niyang ikadapa.

Mabilis naman siyang nahawakan sa baywang ng nakabangga niya.

"Are you okay Miss?" Tanong ng husky na boses sa kanya. Mabilis naman siyang tumayo ng maayos bago tiningnan ang lalake.

"Fhaye?" Gulat nitong sabi nang makita ang mukha niya.

Si Fhaye naman napatitig sa mukhang tumawag sa kanya na Fhaye. Pamilyar na mukha ngunit nakalimutan kung sino.

"Mr. Lionheart. Nandito ka lang pala." Tawag ng isang bisitang babae at naglakad palapit kay Throne. Nang lingunin ulit ni Throne si Fhaye wala na ito sa kinatatayuan.

"Bakit nakahawak ang lalaking yun sa baywang mo ha? Sabi ko na nga ba dapat na kitang itago e." Sabi ni Edrian na siyang humila sa mga kamay ni Fhaye kanina palayo kay Throne.

Tumawa naman si Fhaye dahil para na namang batang nagtantrums si Edrian. Iniisip kasi niya na nagbibiro lang ang binata.

"Fhaye, Edrian. Nandito lang pala kayo. Tututugtog na mamaya si Fhaye at tatawagin ka na rin mamaya kaya maghanda na kayong dalawa." Sabi ni Edmund sa dalawa.

"Tara na daw." Sabay hila kay Edrian papunta sa back stage.

Nakaupo naman sa isang sulok si Luijen. Si Luiza naman busy sa pagbati sa mga kakilala.

"Himala at nagkatagpo rin ang landas natin." Sabi ni Blaze na nilapitan si Luijen sa mesa nito.

"Siguro naman masaya ka na hindi ba? Masaya ka na dahil wala na siya."

"Blaze. Ano ba yang ginagawa mo? Halika na." Sabay hila ni Mrs. Monteverde kay Blaze at humingi ng pasensya kay Luijen.

Ibinaba naman ni Luijen ang hawak na kopita at cold na napatingin kay Blaze. Naglagay ulit ng maiinom sa kopita at ininom habang nakatingin kay Blaze na hinihila ng ina.

"At ngayon, ipapakilala ko na sa inyo ang special guest namin." Sabi ni Mr. Yu na ikinalingon ng lahat sa stage.

Isa ang guest na ito sa rason kung bakit maraming mga bisita at mga reporter ang nandito ngayon. Iyon ay upang makita ang sikat na si Miss F at siyang model ng Yu group.

Dumilim ang buong paligid at maririnig ang nakakapagpakalmang tunog ng musika. Hanggang sa unti-unti ng lumiwanag ang isang bahagi ng stage. Makikita na ngayon ang likuran ng babaeng nakaupo sa piano bench habang tumutugtog. Ilang sandali pa'y maririnig sa buong paligid ang isang malambot na boses nagpapakalma sa lahat ng mga nakikinig. Ang iba ay napapapikit pa habang dinadama ang kanta.

Nang matapos na ang kanta parang gusto nilang manghingi ng isa pa. Tumayo naman si Miss F at humarap na sa lahat. Nag-bow ito at pumalakpak naman ang mga tao sa paligid saka tumayo ng tuwid. Nang makita ni Luijen ang mukha nito, nabitiwan niya ang hawak na baso.

"Fhaye." Sambit ni Luijen makita ang mukha ni Miss F. Tumayo siya upang puntahan si Fhaye na bumaba na ngayon sa stage.

Matapos makipagbeso si Fhaye sa iilang mga bisita nagpaalam siyang pumunta sa restroom. Nakita kasi niya sina Blaze, Luiza at Luijen na isa sa mga bisita sa party na ito. Hindi niya maiwasang kabahan.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon