7: Nag-eemote

128 13 1
                                    


Fhaye's p.o.v

Nakaupo ako sa gilid ng binatan ng aming classroom nang dumating si Blaze.

    "Hi Fhaye, I missed you." Bati ni Blaze sa akin na nakataas ang mga braso. Akma akong yakapin ngunit napatigil nang magtanong ako sa kanya.

    "Blaze, may gusto ka bang ipagtapat sa akin?" Bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko. Mali yata ang pagdeliver ng tanong ko.

    "I mean, may fiance ka na pala, ba't di mo sinabi?" Paglilinaw ko sa kanya.

Hindi agad siya sumagot ngunit nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

    "Arranged yon at hindi ko gusto. Parents namin ang may pakana." Nakatungo siya habang sinasabi ang mga bagay na yun. "I'm sorry kung di ko sinabi sa inyo."

     "Ayos lang yun." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

     "Pero di ko siya gusto."

    "Maganda naman siya ah. Try to give her some time, malay mo mahal mo rin pala siya pero di mo lang napansin."

    Pero deep inside my bahagi ng puso ko ang nasaktan. Nasaktan nga ba o nag-aalala? Nag-alalang darating ang araw na ako na lamang muli ang maiiwang mag-isa.

    "Alamin mo muna at siguraduhin kung ayaw mo ba talaga sa kanya." Sabi ko pa. Paano niya malalaman na ayaw niya sa fiance niya kung di pa naman niya gaanong nakilala? Baka kapag nakilala na niyang mabuti, magugustuhan din niya ito. Ang ganda-ganda kaya ni girl. Saka ang cute pa.

    "Sige, susubukan ko." Ang malungkot niyang sagot.

    At magmula noon, madalas ng di namin nakakasama si Blaze. Si Aesha na kasi ang lagi niyang kasama at nakita ko rin silang nagtatawanan minsan.

    Si Verse naman hatid sundo ng kanyang manliligaw. Ang gwapo nga eh. Anak daw ito ng isang heart surgeon. At kung makapag-alala ito sa kanya baby'ng-baby siya.

    Para siyang babasagin na iniingatang mabuti. That's give me the hint na crush siya nong guy at naisip ko rin na baka may tinatago rin si Verse sa amin. Paano kasi niya makilala ang isang anak ng isang heart surgeon diba?

     Naisipan kong pumunta sa clinic ng heart surgeon na iyon. Na di ko alam na mabibigla ako sa matutuklasan.

    "She has only one year left. Kaya sana matulungan mo siyang magpapaopera. Dahil ayaw kasi niya. Gusto daw kasi muna niya kayong makasama. Kayo lang ang tanging malapit sa kanya. Pinaampon siya ng parents niya dahil sa sakit niya. Para maoperahan siya pero ayaw niya."

    One year.

    One year lang kung hindi siya maooperahan.

     Bakit di ko man lang napansin? Wala akong kwentang kaibigan. Hindi ko man lang alam na may sakit pala ang kaibigan ko?

    "I will try to convince here." Iyon ang pangako ko sa surgeon na nagtatrabaho sa pamilyang nag-ampon kay Verse.

    Dumiretso ako sa tahanan nina Blaze para ipaalam sa kanya ang sitwasyon ni Verse.

    "Ano bang rason at ayaw mong iwan ang mga kaibigan mo ha! After ng sem-break sa America ka na!" Dad yon ni Blaze ah.

    "No! Ayoko. After graduation nalang po." Rinig kong pakiusap ni Blaze.

    "Ano bang meron sa mga scholar na yon at gustong gusto mo silang makasama? Hindi sila bagay sayo!" Sigaw ng mama ni Blaze.

     "Wala kang future kung sila lang ang palage mong makakasama. Malay mo kinaibigan ka lang nila dahil mayaman ka."

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon