Chapter 0: Story description

658 25 3
                                    


"Sa pangungulila ng mga umaalis,nakakaligtaan ang mga naiiwan.'

Ang Where Should I belong ay kwento ng isang dalagang lumaki sa poder ng mayamang pamilya. Ang pamilya ng mga Micanovic na siyang nagpalaki sa kanya at itinuring na tunay na pamilya.

Minahal siya ng pamilyang ito maliban sa isa. Si Luijen Kaifer Micanovic na bunsong anak ng mag-asawang Liza at Kaizer Micanovic. Pinaparamdam nito sa kanya na hindi siya nabibilang sa pamilyang ito. Kung ganon saan ba siya nabibilang? Sa pamilya bang nag-abandona sa kanya o sa pamilyang nagpalaki sa kanya?

Ang tanging pinangarap niya ay magkaroon siya ng taong maituturing na kanya. Mamahalin siya ng tunay at hindi iiwan tulad ng ginawa ng iba. Palage siyang naiiwang mag-isa ng mga taong mahalaga sa kanya.

Iniwan ng mga kapatid, ina, ama at ng mga taong minamahal. Lahat na lamang sila umaalis. Ang tanging nananatili ay ang pinakaaayaw pa niya. Hanggang sa hindi niya napansing nahuhulog na pala ang loob niya rito.

Kung kailan handa na siyang harapin ang panibagong bukas na wala silang mga mahahalaga sa buhay niya, saka naman sila magbabalik.

Sa lahat ng mga nang-iiwan ngunit nagbabalik at sa mga dumating, at sa mga nanatiling nandiyan kahit kinamumuhian niya na sa huli unti-unti na ring natutunang mahalin. Sino sa kanila ang karapat-dapat sa kanya?

Ang minahal bang iniwan siya ngunit nagbalik kung kailan nakamove-on na siya? Ang bagong dating ba na ginawa ang lahat para sa kanya o ang kinamumuhian niyang hindi umaalis sa tabi niya sa hirap at ginhawa na sa lahat ng pagsubok nariyan para sa kanya at palihim na tumutulong sa kanya? Saan ba sya nararapat at saan ba siya nabibilang?

Sentimental, romance, humor and there's a little bit comedy.

(On going.)

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon