Moment 20

482 11 0
                                        

Lola Eustacia

 

Anihan na naman. Lahat ng mga trabahador ay abalang-abala na dahil kinakailangang maani namin ang mga tanim sa itinakdang oras ni Don Fernando. Marami kasi ang nalugi ng hacienda dahil sa alitan sa pagitan g dalawang angkan. Hindi ko nga alam kung kalian matatapos ang away ng mga ito. Maaari naman nilang pag-usapan, ngunit matataas ang pride ng magkabilang panig. Tila ayaw magpatlo sa isa’t-isa. Sa kahit anong bagay ay ginagawan nila ng kumpetsiyon.

“Lola!” Tawag ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa likuran ko. Lilingon pa lamang ako nang maramdaman ko ang pagyapos ng binatilyo sa likuran ko.

“Hijo! Diyos mio! Kailan ka pa dumating? Ang tagal mo nang hindi napapaliga dito! Halika, halika at dadalhin kita kay Abrielli!”

                Hinila ko ang bagong dating na si Terrence patungo sa kubo naming tinutuluyan ng mag-ina. Matagal ng hindi nakakapunta dito ang binate dahil nagpunta ito sa ibang bansa at doon nakahanap ng trabaho. Siya lamang ang tangi kong pinagkakatiwalaan pagdating sa mag-ina dahil ito lamang ang nakakakilala sa dalawa. Ang sabi nito sa akin ay kamag-anak daw niya ito na matagal nang hinahanap. Napatunayan ko naman ito sa madalas na pagbisita dati at mga pruebang dala-dala ni Terrence.

                Iginiya ko siya papasok sa aming kubo at doon ay pinaupo siya sa kawayang bangkong binarnisan. Hindi magkamayaw ang binatilyo sa dami ng dala-dalahan niya. Nakasakbit sa likuran niya ang bag na ubod ng laki sa dami ng laman, habang sa magkabilang braso naman niya ay mga hand-carried at mga supot na sa palagay ko’y sari-sari ang laman.

“Sandali lamang at gigisingin ko a—“ Naputol ang pagsasalita ko nang bigla akong tabigin nang tumatakbong si Fiore palapit kay Terrence. Kitang-kita ang saya sa mukha nito habang mabilis na lumapit sa lalaki.

“Tito ko!” Biglang tumalon si Fiore na agad naming nasalo ni Terrence. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayapos ng bata sa binatilyo na para bang nakadepende ang buhay nito dito. Matindi ang relasyon ng batang ito kay Terrence. Ito na kasi ang tumayong pangalawang ama nito. Naghahanap na rin kasi ng ama ang bata na hindi naman naming maibigay-bigay. Ayaw rin naman naming magsinungaling sa kaniya. Hindi ko rin naman alam kung sino ang ama ng batang ito dahil hindi ko matanong si Abrielli lalo na ngayon sa kondisyon niya.

“Did you bring something for Fiore?” Lubos ang pagpapacute ng bata sa ama-amahan nito. Ganito si Fiore kapag may gusting makuha o matakasan. Kukurap-kurap lamang ito na may kasamang pagnguso, tiyak na hindi na makakahindi ang kung sino man. Ito naming si Terrence, palaging nadadala sa ginagawa ni Fiore at bigay lang ng bigay ng gusto ni Fiore. Iniisip ko nga minsan kung namumulubi na ba itong si Terrence sa dami ng dinadala nito tuwing ito ay dadalaw sa amin.

“Siyempre naman, Baby! Ako pa ba ang makakalimot na dalhan ka ng mga regalo?” Tugon naman ni Terrence. Ngumiti naman ng abot langit si Fiore sabay hinalikan si Terrence sa pisngi.

“O siya, siya! Amin na muna si Fiore. Puntahan mo na si Abrielli. Alam ko naming sabik na sabik ka nang makita siya,” nginitian koi to ng tipid at dinala si Fiore sa papag na nasa ilalim ng puno ng manga.

 

Terrence Cruz

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon