Moment 21

392 8 0
                                        

Thanks again! x Read on :)



Moment 21


Greg Alejandro Fortalejo

It has been a month. Isang buwan na pagmamanman sa harapan ng hacienda ng mga De Silva. Simula nang makita ko si Terrence sa lupain ng angakan ay lumakas ang kutob ko na may nalalaman siya kung nasasaan si Cara. Sa loob din ng isang buwan na 'yon ay lalo pang naging desperado si Lolo na maikasal na ako sa napili niyang babae; ang apo ni Don Fernando De Silva na si Alyssa De Silva.

Maya-maya ay kikitain ng angkan ng Fortalejo ang mga De Silva sa lupain ng mga ito. I took this as an opportunity para mas mapag-igi ko ang pagmamanman sa loob. Napakalaking selebrasyon ang gaganapin sa nasabing pagkikita. Halos lahat ng tao sa alta-sociedad-mapapulitiko man o mapahaciendero man ay dadalo. Tila masisilaw ang isang minorya kapag nakasalamuha ang mga tao sa gaganaping piging.

Nagbihis na ako ng itim na amerikana na tinernuan ng gray na necktie at kulay silver na Rolex. Iniwan ko ang buhok kong medyo nakabrush-up para hindi naman ako magmukhang handing-handa. Isa pa'y, bakit ko naman masiyado itong paghahandaan kung hindi naman ako interesado sa simula pa lamang? Humugot ako ng hininga saka tiningnan ko ng sandal ang aking sarili sa salamin. Kaya mo 'to. Just go with the flow and you'll be fine.

_

"Greg, apo! I want you to meet Mr. Frederico Vauclain, ang may ari ng Vauclian Corporation. They played a great part on our business as well! They are our major-" Lolo was cut short by Tito Fred when he brought forth his hands. Tila nagulat namans Lolo sa inasta ni Tito Fred dahil ni katiting na atensyon ay hindi siya tinapunan nito. Tito Fred on the other hand, is grinning from ear to ear.

"Igoy, good to see you again!" There he goes again. Tinawag na naman niya ako sa napakabantot na palayaw niya para sa'kin. Hindi ko nga alam kung saan niya napagkukuha ang mga ito. From my peripheral vision, I can see how Lolo's face became etched with a confused look on his face as he watches us-Tito Fred and I-mingling comfortably as if we've known each other for years. Lumingon naman ang una sa gawi ni Lolo at napaumis ng bahagya.

"Sorry about that! Nakalimutan ko palang sabihin sa'yo na ang anak ko at ang apo mo ay matalik na magkaibigan. My son, Danger Vauclain?"

Hindi pa rin maalis sa mukha ni Lolo ang pagtataka dahil hindi naman kilala nito ang mga kaibigan ko personally, maski na rin sa mga palayaw ng mga ito. Ngayo'y napilitan ang ama ng kaibigan kong gamitin ang nagpakhaba-habang pangalan ng kaniyang anak. Napabuntong-hininga na lamang ang huli bago banggitin ng walang tigilan ang pangalan ni Danger.

"My son... Andre Maximilien Seraphinus Vauclain."

Nanlaki naman ang mata ni Lolo sa narinig at para bang mayroong multong dumaan sa harapan niya. Tila ba nangilabot siya sa narinig. Napansin ko rin ang pamumuo ng pawis sa kaniyang noo. Ano kayang mayroon kay Danger at sa Lolo ko? Mabilis naming nakabawi ang huli sa pagkabigla at inexcuse ang sarili para pumunta sa comfort room. Si Tito Fred naman ay naglakad na rin palayo kasama ang asawa nitong si Tita Aiglentine, or to what she prefers, Tita Aine. Marami-rami na rin ang ipinakilala sa akin ni Lolo bago pa man niya ako dalhin sa mag-asawang Vauclain. Various elite people coming from different places in the Philippines.

_

"Ladies and gentlemen! I thank you all for finding time in attending this sudden celebration. We appreciate each and every one for coming here. However, this night will not end without us being able to announce the reason why this party is being held tonight. My grandson, Greg Alejandro Fortalejo will soon be wedded to one of the granddaughters of the De Silva clan, Alyssa De Silva!" With the sudden announcement, nakarinig ako ng samu't-saring bulungan mula sa mga bisita. Hindi kasi lingid sa kanilang alaman ang matinding alitan ng dalawang pamilya. Malaking pasabog ito sa kanila.

Tulad ng dati, pinagsalita kaming dalawa sa harapan ng mga bisita. Pinagsalita ng mga kaplastikan. Ganiyan naman talaga ang kalakara sa alta-sociedad. Hindi ka aasenso kung hindi ka magpapakaplastik sa ibang tao. Kakain ka ng buhay ng nasabing sociedad. Kumbaga'y plastikan ang labanan dito.

Dumampot ako ng champagne sa dumaang waiter at lumabas sa may balkonahe para makapagpahangin. Hindi ko na kinaya ang hangin sa loob ng mansion. Masiyadong polluted. Bawat tao sa loob ay mayroong kaniya-kaniyang itinatagong maitim na sikreto. Sikretong sisira sa pagkatao nila. Napapitlag ako bigla nang mayroong biglang may isang pares ng braso ang pumulupot sa aking beywang. Agad ko itong nilingon, ngunit nagulat ako kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Gangga hibla ng buhok na lamang ang pagitan naming dalawa. Papalapit na nang papalapit ang mukha ni Alyssa sa akin nang bigla akong narinig na sigaw. Hindi lamang ito basta sigaw... Isinigaw nito ang pangalan ko! At kung hindi ako nagkakamali ay... boses iyon ni Cara! Agad akong napapitlag sa narinig ko at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ng sigaw, ngunit sobrang dilim sa malayong bahagi ng hasyenda. Nananaginip ka na naman ng gising, Alejandro! Isa na naman ito sa mga panaginip mo!

Gusto ko muna ng panandaliang kapayapaan. Cara... sumasakit ang puso ko kapag naalala ka at ang anak natin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal kong ito. Hindi ko rin alam ang dadalhin ng bukas. Ang tanging alam ko lang ay... ikaw lang. Ikaw lang ang tanging mamahalin ko ng buong-buo at nag-iisang iibigin ko habang nabubuhay ako. Dahil ang isang Alejandro, minsan lang magmahal. At kapag ako'y nagmahal, ibubuhos ko lahat sa puntong wala nang matitira sa akin. Alam kong mali, pero ganito ako magmahal.

Cara Mendez - Fortalejo

Sobrang liwanag. Sobrang liwanag ang nagmumula sa balkonaheng 'yon. Doon lamang nagmumula ang ilaw na sapat para makita ko kung anong nangyayari sa kalayuan, bagama't madilim sa paligid ko. N-Nas'an ako? Hindi na mahalaga 'yon. Ngunit, sino ang lalaking iyon? Napakaelegante ng paglagok niya ng alak sa basong hawak-hawak niya. Hindi ko siya masiyadong maaninag dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa kaniyang likuran. Tanging anino lamang niya ang nakikita ko.

Napasinghap ako. Siya! Dito ko lamang pala siya makikita! Ang matagal ko nang hinahanap! Naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas. Parang isang tutang naglululukso dahil nakita niya ang nagmamay-ari sa kaniya. Kahit na hindi ko alam kung nasaan ako, marahan kong nilakad ang direksyon papunta sa mansyong maliwanag na maliwanag. Nahinto lamang ako sa paglalakad nang may babaeng lumabas at... at... ha-halikan siya? Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naisigaw ko ang pangalan niya ng hindi oras.

"ALEJANDRO!"

Bago ko pa man makita ang reaksyon niya, mayroon na agad humagip sa akin at agad akong tinurukan. Pasensiya na, Alejandro. Mahina ako para ipaglaban ka. Bago pa man ako mawalan ng ulirat, narinig ko ang pawing pamilyar na boses. Boses na masiyadong pamilyar para hindi ko makilala.

"Naturukan ko na siya. Hindi na ulit siya makakalapit ng ilang buwan sa inyo. Basta ituloy-tuloy niyo lang ang pagpapadala ng gamot. Sinisiguro ko sa inyo na ilang buwan pa bago mawala ang bisa ng gamot at makaalala ulit siya. Huwag din ninyong kakalimutan ang perang pinag-usapan natin!" Kasabay nito ay ang malutong na paghalakhak.

B-Bakit mo 'to nagawa sakin?

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon