A/N: Yes, hello! I just want to say thank you for keeping up with my story. You don't know how much this means to me! I had to actually do a surgery on my old laptop because all my back-up files for this are there. I had to get its hard drive then buy its encasement. Ugh. Well, so much for that!
Cara
Walang pakundangang binaril ni Terrence sa hita ang matandang kanina'y nagtatangkang gawan ako ng masama. Litong-lito ang utak ko sa mga nangyayari. Sino ang matandang kani-kanina ay nakatayo pa sa harapan ko? Nasaan ako? Napakarami ng tanong na nabubuo sa isipan ko. Para akong tanga na nagmamasid kung ano ang nagyayari. Ang huli kong naalala bago ako mawalan ng ulirat ay ibinaba ako ng mga taong pinagsamatalahan ako sa isang liblib na lugar. Mahaba na bang panahon ang lumipas at pati anak ko ay malaki na?
"Alam kong maraming tanong ang nabubuo sa isipan mo ngayon, pero saka mo na isipin iyan dahil mas mayroon tayong importanteng puntahan ngayon," aniya saka binuhat ang anak ko at sabay akong hinila palabras ng bahay. Nang makalabas kami ay mabilis kong napansin ang malawak na lupain na kinatitirikan ng bahay. Sa malayo ay makikita ang mansion kung saan maaaring naninirahan ang may-ari ng lupang ito. Hindi ko na napagtuunan pa ng pansin ang ibang tanawin sa lugar dahil sa mabilisang pagkilos ni Terrence. Napabuntong hininga na lamang ako nang makasakay na kami sa kaniyang kotse. Lumilipad ang isip ko nang biglag may tumili at pinaghahawakan ako sa braso ko.
"Cara! Ikaw nga! Namiss talaga kita! Ang daming naghahanap sa'yo! Kahit sa Greg ay mabaliw na sa kahahanap sa'yo at—Oh my gosh, ito na ba ang inaanak ko? Kamukha-kamukha niya ang ama niya! Ang ganda ng berde niyang mga mata!"
Venice? Nandito siya? Iginala ko ang mga mata ko at nakita ang iba pa na siyang nagpalambot sa puso ko. Sina Jai, Ethan, Miguel, at Danger! P-Pero...
"Kung hinahanap mo siya, papunta na tayo sa kaniya. Siya naman ngayon ang misyon natin. Let's go squad!"
Napahalakhak na lang ako na may halong kaba sa kung ano ang maaaring mangyari.
Alejandro
Kanina pa akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Kaharap na naming ang pari na nagkakasal sa amin. Humihiling ako na sana magkaroon ng himala mula sa Diyos at itigil niya ang kasalang nagaganap. Sana lumabas si Cara kung saan man at tutulan ang pag-iisang dibdib naming ni Alyssa. Hindi yata kakayanin ng puso't utak ko na makasal sa ibang babae, lalo na't may pakiramdam ako na ang mag-ina ko ay buhay at nabubuhay kung saan mang panig ng mundo. Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita ang pari.
"Inuulit ko, wala bang tumututol sa kasal—"
Nagulat ang lahat nang may biglang magpaputok ng baril sa labas ng simabahan. Naghiyawan ang mga taong nasa loob, habang ang iba ay napayuko na lamang habang nakapatong ang dalawang palad sa kani-kanilang mga ulunan. Sumunod sa putok na ito ay ang pagbagsak ng ilang piraso ng tear gas sa loob ng simabahan. Kahit sinasabing relihiyoso ang mga Pilipino, marahil ay naiiba ang grupong ito. Nagawa nilang magpasabog ng tear gas sa loob ng simabahan kahit banal ang gusaling nasabi. Mula sa mausok na paligid ay lumabas si ...Cara? B-Buhay siya? Nangungunot ang noo nitong lumapit sa akin at mabilis akong niyakap. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Para bang nakilala nito ang nagmamay-ari sa kaniya. Niyakap ko siya pabalik ng mahigipit na nagpapahiwatig na ayoko nang mawalay pang muli sa kaniya.
"Cara at Greg, bilisan niyo na diyan! Nahahawi na iyong usok!"
Natauhan naman si Cara at mabilis na hinablot ang kamay ko, hila-hila ako palabras ng simabahan. Sa pagmamadali naming ay napansin ko ang kwintas na pinakaiingatan niya na nalaglag mula sa pagkakakawit sa leeg niya. Hindi ko na rin nagawang sabihin sa kaniya dahil ang atensyon nito ay tanging nasa pagtakas lamang.
Don Fernando
Nagulat kaming lahat ng biglang may magputukan bago pa matapos ng pari ang kaniyang tanong. Nagkagulo ang mga tao, hindi alam kung saan sila pupunta. Lalo pa silang nagkagulo ng laglagan ng tear gas ang loob ng simbahan. Ang apo ko ay nawala na rin na parang bula. Nanatili ako sa aking kinatatayuan at pinakikiramdaman kung ano ang nangyayari. Sino na naman ba ang nagplanong manira ng araw na ito? Maayos na kami, sa pagkakaalam ko, ng mga De Silva. Sila lamang naman ang aming naging kaalit sa hinaba-haba ng panahon.
Nahagip ng mata ko ang papalayong mga pigura at kasama na doon si Alejandro at isang babae. Unti-unti na kasing nahahawi ang usok na nagmula sa canister ng tear gas. Hindi ako ganoong kalayo sa kanila para hindi mapansin ang pagkakalaglag ng gintong kwintas mula sa leeg ng dalagita. Ang kyuriosidad ay lumukob sa akin kaya naman naglakad ako sa direksyon kung saan naroroon ang kwintas. Dali-dali kong nilimot ito. Akmang ilalagay ko ito sa bulsa sa loob ng aking Amerikana nang mahagip ng mga mata ko ang maliit nakaukit sa labas ng kwintas na animo'y isang kodigo. Kami-kami lamang ang nakakaalam ng ibig sabihin ng mga karakter na ito na ang ibig sabihin ay...
De Silva?
Cara
Nakahinga kaming lahat ng maluwag ng makasakay kami sa dala naming sasakyan. Heavily tinted ito kaya hindi ganoong kadali makilala ang mga nasa loob. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo naman akong kinabahan. Ang kwintas ko! Hindi ko alam kung saan ko ito nailaglag! Napakahalaga sa'kin ng kwintas na iyon! Bigay pa iyon sa akin ng aking ina! Nagulat na lamang ako nang may biglang yumakap sa akin. Alejandro... Unti-unting nababasa ang balikat ko. Ha? Pilit kong iniaalis sa pagkakayakap ko si Alejandro para masuri ko ang mukha nito. Imbis na makawala ako ay lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Lumakas ang paghikbi niya. Ano bang nangyayari? Out of nowhere ay hinalikan niya ako na lalong ikinagulat ko. Ano bang nangyayari sa kaniya? Habang tumatagal ang paghalik niya sa akin ay unti-unti akong bumibigay sa masuyo niyang paghalik. Tila nangulila siya ng ilang taon sa akin.
Natigil sa paghalik sa akin si Alejandro nang makarinig ako ng mumunting paghampas ng kamay sa ulo ni Alejandro. Paglingon naming ay nakita naming si Fiore na kunot na kunot ang noo habang nakapulupot ang mga braso nito sa isa't-isa.
"Bad ka! Bad ka! Bakit mo kinakain ang face ng Mommy ko!" Pagalit nitong paghuhuromentado. Nanlaki ang berdeng mata ni Alejandro habang ako naman ay napahagalpak na lamang ng tawa.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General Fiction[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...