Moment 15

575 4 9
                                        

Cara’s POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag-unat unat ako saka kinapa ang kinaroroonan ni Alejandro. Wala siya! Wala siya! Nasaan na siya? Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga. Hindi ko napansin ang kahubaran ko dahil sa pagkataranta. Pero bago pa man ako makababa ng hagdanan, nakaamoy ako ng mahalimuyak na amoy ng pagkaing niluluto.

Tinakbo ko ang kusina at nakita roon si Alejandro na naka-apron na black habang walang suot na pang-itaas. Nawala ang kaba kong kanina ko pang pasan sa dibdib ko. Ang sexy naman ng asawa ko! Lalo na at nakaaapron lang siya at nagluluto! Napansin niya siguro ako. Lumingon si Alejandro sa akin na may ngiti na nakapinta sa malasutla nitong mukha. Pero agad ding nawala iyon.

“Bakit ka bumaba ditto ng nakaganiyan lang?” seryoso niyang tanong na para bang may mali sa suot k—. Mabilis kong tiningnan ang katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hubad ako? Agad akong napatiliat nagtakip ng katawan gamit ang mga palad ko na imposibleng matakluban ang buong katawan ko.

“N—Nataranta ako, Alejandro. Akala ko iniwan mo na naman ako para sa kaniya,” nakatungo kong sagot kay Alejandro. Hindi talaga ako mapakali kanina. Sino ba naman ang hindi? Lalo na kapag alam mong may babaeng umaaligid sa asawa mo?

Lumapit siya sa akin at ibinalot sa hubad kong katawan ang tuwalya na nakasampay sa upuan sa kusina. Tatawa-tawa na lang siya habang ibinabalot sa akin ang tuwalya. “Hindi kita iiwan, okay? Lalo na ngayon at malapit ng lumabas ang baby natin, Cara.” Napakalaki ng ngiti niya sa mukha. Para bang yung dating Alejandro na nakilala ko.

Malapit na nga lumabas ang anak namin. Isang pahina na lang sa kalendaryo, siyam na buwan na itong tiyan ko. Kinakabahan ako na natutuwa. Finally, makakasama ko na ang baby ko. I don’t what will ever happen to me kung mawala ang batang ‘to. I can’t afford to lose him or her.

Yes, I am not certain of my baby’s gender. I wanted it to be a surprise for everyone.

“Ang lalim naman ng iniisip ng asawa ko,” isiniksik niya ang ulo niya sa kurba ng leeg ko. Tinatamnan niya ng maliliit na halik ang bahagi ng leeg ko. Damn! Stop it, Alejandro! Hindi ako makapag-isip ng tama ng dahil sayo!

I just assured him na maayos lang ako at hindi naman importante yung iniisip ko. Bumenta siguro kaya hindi na niya pinansin. Tanga rin ‘to kung minsan! Bago pa man ako makalakad palayo sa kaniya, naramdaman ko na lang ang sarili kong nakalutang sa ere habang hawak-hawak ng matitikas at matitigas na braso ni Alejandro.

“Ibaba mo ako! Mabibigatan ka lang sa akin. Baka mamaya maipatak mo ako, may masama pang mangyari sa akin at kay baby,” sabay hawak sa magkabila niyang pisngi at hinalikan ang matangos niyang ilong. Umiling naman ang lalaki at tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto.

_

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisama habang ang loko-loko naman, naghahanap ng damit na pwede ko daw ipambahay. Agg dami-dami ko  ngang pambahay, di pa siya makapili? Nang makapili siya, lumapit siya sa akin. Kahit sa paglalakad, napakamacho pa rin talaga niyang tingnan! Akmang hahablutin ko ang pambahay ng ilayo ito sa akin at itinulak ako ng marahan sa kama.

“Ako ang magbibihis sayo. You don’t know how much I fought the urge to just take you on that damn kitchen table. Ang aga-aga binibigyan mo ako ng boner,” sabi niya sa akin habang mapanuksong nakatingin sa mga mata ko.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon