Moment 1

1.1K 20 3
                                    

Heto ako ngayon, nagtatrabaho upang maiahon ang sarili ko at ang pamilya ko sa hirap. Graduate ako ng BS Commerce Major in Accounting.  Ngayon lang ako nagtrabaho dahil maaga akong nag-asawa. Umasa ako na sasamahan niya ako sa hirap at ginhawa pero nauwi lang ang lahat sa wala.

Mag-isa na lang ako sa buhay. Yung pamilya ko nasa probinsya at ako lang ang inaasahan nila dahil bukod sa ako pa lang ang nakakatapos, eh nasa kolehiyo pa ang dalawa kong kapatid. Ako rin ang nagpapaaral sa kanila.

Natatawa nga ako sa sarili ko kasi nagpakatanga ako sa isang Greg Alejandro Fortalejo. Alam ko naman na simula’t sapol ay hindi na ako gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Kaso nga, naunahan ng kabig ng dibdib, ayun nagpakasal agad dahil sa napangakuan akong hindi niya ako iiwan at mamahalin ng lubusan.

Matagal tagal din kaming naging magkasintahan niyang si Greg. Mahigit dalawang taon din yun. Sa loob ng dalawang taong iyon, nagmahalan kami at nagsumpaan na kahit kalian ay hindi kami mag-iiwanan. Ginawa naming lahat ng magkasama. Naging masaya ako sa relasyon naming kaso nga…

GINULO NILA KAMI.

Masaya na talaga sana kami eh. Actually, may plano na kaming magpakalayo-layo pero siyempre, susuportahan ko pa rin ang pamilya ko. Pero, naunahan ako ng mga di kanais-nais na tao. Sa sinasadyang pangyayari, nabundol si Greg habang papunta siya sa isang business meeting sa Baguio. Akala ko mawawala siya sa akin dahil nag 50/50 siya sa ICU.

Nabuhay siya pero…

Ang kapalit pala nito ay makakalimutan niya ako at ang pinagsamahan naming na pinakaiingatan niya.

Noong binisita ko siya,agad akong naunahan ng mga magulang niya at sinabi sakin na hindi na daw ako gustong makita ni Greg. Ayaw na daw niya sakin at kailangan ko na daw magmove-on dahil wala na daw kami.

Ngayon, isa nang sikat, makapangyarihan, at successful na ang asawa kong si Greg. Isa rin siya sa hottest and richest bachelors of the country. Bachelor pala ha.

_

Nagtatrabaho ako sa kumpanya nila ngayon. Hindi ko ginamit ang last name niya and my current last name. I know na matutunton nila ako if ever na malaman nila na nagtatrabaho ako sa mismong kumpanya nila at malakas ang kutob ko na they will fire me immediately.

“Cara! Pakidala nga nitong files kay Jennifer! Kailangan lang nila doon sa taas. Salamat ha! 23rd floor nga pala yung office nila,” pakiusap nung isa kong officemate. Nawala kasi ng ilang araw yung secretary naming kaya napipilitan akong gawin ang mga bagay na dapat ay ginagawa ng babaeng yun.

Tumango na lang ako. Wala naman kasi akong magagawa.

Pinindot ko yung elevator button going up. Nung makarating ako ng 23rd floor ng building, dali-dali kong dinala yung documents kay Jennifer dahil ibibigay niya ito sa boss namin for approval. Pero, bago pa man ako makaalis, tinawag naman ako ni Jennifer.

“Hey Cara! Can you please do me a favour?” Tanong niya sakin.

Wow, ingleserang palaka. Kala mo naman kung sinong maganda.

Siyempre hindi ako papatalo sa English skills ng babaeng palaka no!

“Sure! I will be glad to do some help,” sabi ko with a fake smile.

“Can you please bring these documents to our big boss because this documents have been checked already,” ngumiti siya sakin gamit ang pustisadong ngipin niya.

Ngumiti na lang din ako at tumango.

-

Habang papunta ako sa 30th floor na occupied only by the big boss, hindi ko lubos maisip kung anong itsura nung boss namin. Never ko pa siyang nakilala or nakita personally, and now, for the very first time eh makikita ko na siya!

Bumungad sakin ang pagkaganda-ganda at pagkaputi-puting secretary ng big boss.

“Miss-?” Sambit niya.

“Santillan. Miss Santillan from the Accounting Department,” I smiled wholeheartedly.

“May I ask what brought you here?”

Pwede ba Miss? Tigil-tigilan mo ako at baka masabunutan kita.

“Oh, I am here to give these documents to our boss,” this time, fake na ang ngiti ko.

Tumayo siya, tinuro sakin ang daan, at aba! Pinagbuksan ako ng pinto!

Aba dapat lang!

-

Nakita ko ang swivel chair ng boss na nakatalikod at para bang may kausap. Likod pa lang ay nakakaintimidate na, how much more kapag humarap na? Narinig kong sinabi niyang ‘I’ll call you later’. Bigla itong humarap…

Sa pagharap niyang yun, tila nagunaw ang mundo ko. Bumalik ang mga ala-alang hindi na dapat alalahanin. Pagkatanga-tanga ko rin. Alam ko naming kumpanya nila ‘to ay dito ko pa naisip na magtrabaho.

Ang humarap ay walang iba kundi si Greg Alejandro Fortalejo, ang lalaking minahal ko ng sobra sobra pa, higit pa sa sarili ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay dahil ilang minute na akong nakatitig sa kaniya.

“What are you doing here, Miss…?” pagputol niya sa katahimikan.

“I brought you these documents that has already been checked by the lady from the 23rd floor. Oh, I am Miss Santillan, Sir,” sambit ko.

“Okay, you may go now.”

-

Hindi ko kinaya ang nakita ko kanina. Bigla na lamang akong napaupo sa sahig ng c.r. at humagulhol ng iyak. Hindi niya nga talaga ako nakikilala.Ni kaunting memorya ay walang naiwan sa kaniya. Bakit napakasama ng tadhana? Kung kelan masaya na kami saka niya kami guguluhin. Walang bakas ng pagmamahal ang mukha niya kanina. Noon, makita niya lang ako eh nagliliwanag na ang mukha niya. Pero ngayon, anong nangyari?

-

A/N

Gusto niyo dedication? Haha!

This is the first chapter of my first ever Tagalog story. Yie! XD

Penge namang votes at comments? lol

Huwag matutuo o manatiling 'silent reader'. Panahon na para magbago!

 Kung may typo man, eh kasalanan na yun ng auto-correct ng Word ko. :P

Love love - Lyn

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon