Happy 1k readers! Thank you for helping me reach this milestone! As a reward, here’s an update! Anyways, this is the Moment 13. I had a misconception about the chapters. Moment 11 became 12 and so on. Sorry for that!
[Flashback still ‘on’ until further notice]
Dress on the right ----> :)
Vote? Comment? Tell me your thoughts about this chapter! Very much appreciated! x
-
Alejandro’s POV [Still past]
Sa unang pageeskandalo pa lang niya sa harapan ko, alam ko sa sarili ko na nabighani na ako sa kaniya. Madalas mang sabihin pero iba siya sa mga pangkaraniwang babae ngayon. Masiyado nang nadala ng kamodernohan ang mga babae sa panahon ngayon. Hindi lamang sa pananamit mo makikita ang lubos na impluwensiya sa kanila, kundi pati na rin sa paraan kung papaano sila makitungo sa mga magulang at nakakatanda sa kanila. Unang kita mo talaga sa kaniya, malalaman mo kung anong uri siya ng babae. May pagkaamasona pero may ipinaglalaban sa buhay.
-
Hinanap ko si Cara. Kailangan ko na talagang mailabas ang saloobin ko. Sa loob ng ilang buwan kong pakikisama sa kaniya, alam kong may nag-iba sa akin. Hindi ko alam kung matatawag pa ba ‘tong tunay eh kamakailan ko lang siya nakilala. Kung kanikanino ko na ko na tinanong kung nasaan siya pero walang nakakaalm. Kalimitan sa mga oras na ‘to, nag-iingay na sa siya sa hallway dahil sa halakhak niya. Tulirong-tuliro na ako. Kailangan ko na siyang Makita. Nawala ako sap ag-iisip nang marinig kong isinisigaw ni Venice ang pangalan ko.
“Si Cara, inatake nung stalker mo!”
_
Nakarating ako sa gym sa kakakaladkad sa akin ni Venice. Halong-halo ang nararamdaman ko. Kinakabahan akong natatakot. Kayang sirain ng ‘stalker’ ko ang sino mang humarang sa kaniya para makuha ako. I don’t know how far she’s going to take it.
“Malandi ka!” Narinig ko ang paghalingawngaw ng sigaw ni Alyssa, ang stalker ko. Lagot na. Tinakbo ko ang pinanggalingan ng ingay at doon ay kakilakilabot ang nadatnan ko. Si Cara, punong-puno ng kalmot ang mukha habang mabilis na umaagos ang dugo sa mga magaganda niyang pisngi. Wala siyang magawa kundi humikbi it impit na sumigaw habang hawak-hawak siya ng mga alipores ni Alyssa ng nakaluhod.
“Oh ano? Matatauhan ka na ba? Akin nga lang sa Alejandro!” Sambit ni Alyssa sabay sipa sa tiyan ni Cara na siyang nakapagpasuka kay Cara ng dugo.
Lalo akong natakot at nagalit para kay Cara. Hindi niya dapat ‘to nararanasan! Wala siyang kasalanan kung bakit ko siya nilalapitan! Lalo pang nag-igting ang mga bagang ko nang makitang sinabuyan pa ng alcohol ang buong katawan ni Cara na punong-puno ng galos at sugat. Nakakabingi ang pagsigaw niya. Mararamdaman moa ng sakit na nararamdaman niya sa pagsigaw niya.
Agad kong tinakbo si Cara at pinaghahampas ang mga nakahawak sa kaniya. Wala silang karapatang gawin ‘to sa kaniya! Walang kahit na sino man! Napaigtad ang mga babaeng tumalsik sa lakas ng hampas ko. Hinila ko si Cara papalapit sa akin at idinantay ang duguang ulo niya sa balikat ko. Napakawalanghiya nila!
“Walang hiya ka! Hindi ko alam na aabot ka sa ganito para lang mawala sa akina ng babaeng gusto ko! Dapat ay hindi ka na lumalakad sa hallway ng school na ‘to dahil dapat matagal ka ng pinatalsik sa school na ‘to! Napakamahadera mo sa buhay ng iba! Bakit hindi yang sarili mo ang atupagin mo bago ka makialam? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ‘to!”
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General Fiction[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...