Cara
Parang kalian lang noong naghahanapan pa kami Alejandro. Hindi ko mawari na marami na pala ang napagdaanan namin. Totoo pala na mayroong madramang buhay. Akala ko noon ay hindi mangyayari sa akin ang mga nagaganap sa buhay ng mga tauhan sa isang aklat. Ni minsan ay hindi ko naisip na darating kami ni Alejandro sa punto ng kidnapan, amnesia, pagkakaroon ng kabit, at marami pang iba. Tama nga ang sinabi nila. May katapusan ang lahat, kasiyahan man iyan o kalungkutan.
Pinagmasdan ko ang asawa ko kasama ang dalawa naming anak—Angioletta Dafne Fabrizia Fiore at Alexandre Dwight Maximus—na naglalaro sa malawak na luntiang harapan ng aming bahay. Hindi ko akalaing maibabalik naming ang lahat sa dati at matutupad ang matagal ko nang hiling na buong pamilya. Bakas sa mukha ni Alejandro ang walang pagsidlang tuwa habang habol-habol ang dalawang bata. Tila noong isang araw lamang nagana pang lahat...
"Ito na ba siya, Cara?" Kahit hindi ako sigurado sa aking isasagot ay tumango na lamang ako. Kahit ako sa sarili ko ay hindi tiyak kung anak ko nga ba talaga si Fiore. Biglang bumuhos ang masaganang luha mula sa mga mata ni Alejandro. Bumakas sa mukha niya ang tuwa sa kabila ng pagod na dinanas. Ilang taon ba ako nawala? Gustong-gusto ko sanang maalala kung ano ang mga nangyari noong wala pa ako sa huwisyo, ngunit kahit anong pilit ko ay wala. Nilingon ko ang mag-ama at kung titingnan nga talaga ng maigi ay magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Naramdaman ko na lamang ang sarili kong lumuluha sa tagpong nasaksihan ko. Lahat ng hirap na dinanas ko... bayad na.
"Cara," tawag ni Alejandro sa akin. Nilingon ko sa Alejandro na katabi ko ngayon sa kama. Hindi ko maiwasang tumitig sa napakagwapo nitong mukha na talaga namang namiss ko. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung ano bang ginawa ko noong una kong buhay at biniyayaan ako ng ganitong kapalaran ngayon.
"Ano iyon?" Sabay haplos ko sa tumutubo niyang balbas. Gusto ko talaga sa mga lalaki ay 'yong balbas sarado! Lalong nagiging dominante ang dating nila.
"Gusto kong magdaos ng isang pagdiriwang para sa pagbabalik niyo ng ating anak," panimula niya at huminga ng malalim, "Napakalaking bagay kasi nito para sa akin at hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi ko na kayo ulit nakita." Lumumbay ang luntian niyang mga mata na wari mo'y may malalim na iniisip.
"Mahal ko, ipinapangako ko sa'yo na hinding-hindi na kami mawawala sa piling mo. Kung gustuhin ko mang umalis, alam kong wala na akong kawala sa iyo," lumabas ang malakas na tawa na kanina ko pang pinipigil. Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Alejandro na ani mo'y lunod na lunod sa nakikita.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Pinagpagan ko ang mukha ko pero wala naman akong nakapa. Ibinalik ko ang tingin ko kay Alejandro na siya namang umiiling. "Hindi lang talaga ako makapaniwala na darating ka muli sa buhay ko at may kasama pang isang makulit na bubwit," malumanay niyang utas habang hinahaplos ang kulot na buhok ng aming anak.
"Salamat, Cara. Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ako sa noo ko na sinundan naman niya sa pisngi ko at tungki ng aking ilong. "Dito. Dito talaga nababagay ang mga labi ko." Sinakop niya ang nag-aabang kong mga labi na sabik na sabik na noong isang araw pa. Lumalim ng lumalim ang tagpo naming iyon. Naramdaman ko ang mga kamay niyang naglalakbay sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Lumagi ito sa aking puwitan at marahang pinisil-pisil iyon.
"A-Alejandro..." Hindi siya natinag. Lalo pa siyang ginanahan sa pagkarinig ng boses ko. Naglakbay na rin ang mga kamay ko pababa sa laylayan ng kaniyang damit. Akma kong itataas ang asul niyang kamiseta nang biglang...
"Mommy! Fiore need Mommy!" Pumalahaw ng iyak si Fiore. Madali kaming naghiwalay at bumagsak ng patihaya sa kama habang humahalakhak.
Dumating na nga ang araw na pinlanong pagdiriwang ni Alejandro. Nandoon lahat ng mga Fortalejo pati na rin ang ina ni Alejandro. Ilang araw matapos kong makabalik ay personal na lumapit si Ma'am Alicia sa akin. Humingi siya ng paumanhin at pang-unawa sa lahat ng ginawa niya. Dahil nga isang panibagong buhay ang natamasa ko mula sa Diyos, mabilis kong pinatawad si Ma'am Alicia at hiniling din niyang tawagin ko na daw siyang Mommy Alicia.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiksi Umum[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...