Hi! This is super short! I will update after my finals tomorrow! Thank you!
_
Alejandro Fortalejo
Masiyadong naging mabilis ang mga preparasyon. Parang kahapon lang ay inanunsyo na ikakasal ako kay Alyssa. Hindi ko rin sukat akalain na hindi ko pa rin makita-kita ang mag-ina ko. Maayos lang kaya sila? Nabuhay nga ba kaya ang anak ko? Hindi ko lubos maisip ang mararamdaman ko kapag nalaman ko na walang isinilang sa mundong ito. At kung sakali mang nailabas siya ng buhay ni Cara, ano naman kaya ang nangyari sa asawa ko? Ligtas niya bang isinilang ang anak ko? Napakaraming tanong ang palaging bumabagabag sa isipan ko. Ni hindi ako makatulog kapag dinadalaw ako ng mga isiping ito.
I was cut out of my reverie noong narinig ko ang paglangitngit ng pintuan. It was her. "Ano? Ready ka na ba?" May halong pang-iinis sa maputlang mukha ni Alyssa.
"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam ang mga pamahiin?" Tanong ko rito. Maski ako ay hindi naniniwala sa pamahiin.
"Wala akong pakialam sa mga pamahiin na 'yan. Tayo naman ang magdedesisyon kung ano'ng mangyayari sa atin, 'di ba honey?" Ito na naman siya sa palayaw niya sa akin. I would never allow anyone to call me with a pet name, siya lang. No one could ever replace her.
Napahilot ako sa sentido ko at tiningnan si Alyssa ng isang matalim na tingin. "Can you just fuck off? Umalis ka sa harapan ko! Kanina pa akong naiirita sa pagmumukha mo, sa presensya mo!" Pinangunutan niya ako ng noo at matalim ang mga itinapong titig sa akin. Padabog siyang lumabas sa kwarto ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi na ako makapalag dahil kapag si Lolo na ang nagsabi, wala nang atrasan pa. I should have known better. I should have known the outcome, considering Lolo's manipulative ways. Gagawan niya talaga ng paraan ang gusto niya. Napakasakim niya.
Lumabas na ako ng kwarto. Wala na din namang mangyayari kung magkukulong pa ako dito. Matutuloy at matutuloy pa din ang kasal. Kayo na po ang bahala, Panginoon. Huminga ako ng malalim at pinihit na ang seradura. Hanggang dito na lang ba tayo, Cara?
Cara Fortalejo
Anong nangyayari? Bakit parang wala akong maalala sa mga nagdaang araw? Iginala ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko kilala ang lugar na 'to. Bakit ako nandito? Sino'ng nagdala sa'kin dito? Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko. Natatakot ako sa mga posibleng kasagutan. Nasa malalim akong pag-iisip nang maalala ko ang tiyan ko. Hinaplos ko ang tiyan ko ng marahan. Pero nagulantang ako sa naramdaman ko. Bakit wala ng umbok ang tiyan ko? Bakit impis na ang dating maumbok kong tiyan? Nasaan ang anak ko? Bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala sa akin. Tama nang nawala sa akin si Alejandro. Dahil kung isa pang mahal sa buhay ang mawala, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin.
Iginalaw ko ang katawan ko patagilid dahil sa sakit ng likod na nararamdaman ko. Ngunit nagulat ako nang may masagi akong maliit na pigura sa aking tabihan. Sino ang batang 'to? Mahimbing siyang natutulog sa tabihan ko. Para bang natutulog sa ulap. Napakaganda naman ng batang ito. Ganitong-ganito ang nabuo sa isipan kong hitsura ng magiging anak naming. Nilandas ko ang kamay ko sa kanyang buhok. Napakalambot. Daig pa nito ang bulak sa lambot. Sa ginawa kong ito'y tila nagising ang natutulog na anghel.
Iminulat niya ang... ang berde niyang mga mata. P-Parehas sila ni Alejandro. A-Anong ibig sabihin nito? S-Siya ba? Siya na ba ang anak ko? Bakit ang bilis naman niyang lumaki? Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari! Ngumiti siya ng malapad sa akin at sabay akong niyakap. Naguguluhan man ako, niyakap ko siya pabalik.
"Mama! You slept so long! Fiore waiting!" Pabirong busangot ng bata sa'kin.
Fiore... Fiore... Napakagandang pangalan. At anong tawag niya sa'kin? Mama? Siya nga ang anak ko!
Akmang yayakapin ko na si Fiore nang biglang bumukas ang pinto ng silid at doo'y nakatayo ang isang matandang babae na kunot na kunot ang noo. Sino ba siya? Hindi ko maintindihan ang nangyayari! Bakit ang daming kakaiba? Bakit ganito? Nang mapagwari kung anong nangyayari, humugot ang matandang babae sa bulsa ng kaniyang saya ng isang panturok. Agad kong itinago sa likod ko si Fiore at kinakabahang hinarap ang matanda.
"Anong gagawin mo sa'kin?" Paasik kong tanong. Ngumisi lamang ang matanda bilang tugon. Wari mo'y nang-iinis. Hinawakan niya bigla ang braso ko ng sobrang higpit. Aktong ibabaon na niya ang karayom nang may magsalita.
"Subukan mo, 'tanda. Hindi mo alam kung saan ka pupulutin."
Sa pagkakataong iyon ay natigilan na ang matanda. Dahan-dahang naglakad ang lalaking sobrang tagal ko nang hindi nakikita. Ang lalaking dumadamay sa akin kapag may problema ako. Siyang naririto na naman upang iligtas ako sa hindi ko alam kung ilang beses na. Terrence Cruz.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción General[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...