Si Venice Alcantara ay isa sa pinakahuhumalingang bachelorette ng Pilipinas. Hindi lang siya isang sikat na bachelorette, isa rin siyang anak ng nagmamay-ari ng mga lupain o hacienda sa Tarlac.Marami-rami na din ang nagtangkang manligaw dito pero ni isa ay wala siyang sinagot maliban kay Miguel. Sa lalaki lamang ito nagseryoso pero nagbago ang lahat nang malaman niya ang kabalbalan nito.Kahit naman naging ganoon, nanatili pa rin itong tunay sa sarili maliban na lamang ulit kay Miguel.
-
Cara’s POV
Alas tres na noong makauwi si Alejandro. Lingid sa kaalaman niya, hinintay ko siya sa pag-aalalang may masamang nangyari sa kaniya. Nang marinig kong magbukas ang front door ng bahay, dali-dali akong tumayo upang salubungin siya. Bigla na namang namuo ang galit sa mga mata ni Alejandro sa hindi ko malamang dahilan.
“Umamin ka nga! Sino ka ba talaga ha? May itinatago ka ba? Kasi kung meron, umamin-amin ka nab aka kung ano pa ang magawa ko sayo!” Bigla niyang sigaw.
Napaatras naman ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nakakatakot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mayroong bagay na namumuo sa mga mata niya na hindi ko malaman-laman.
“E-Ewan ko! Ano ba ang pinagsasasabi mo? Wala akong tinatago sayo, kaya pwede bang huminahon ka?” Pakiusap ko.
Maya-maya ay naging normal na ang pag-akyat-baba ng dibdib niya. Nawala na ang galit na kanina’y kitang-kita sa mga mata niya. Mabuti na lamang at bumalik an siya sa katinuan dahil kung magtatagal po ‘to, hindi ko alam ang mangyayari.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
“Paano mo nakilala si Venice?”
“College friend,” matipid kong sagot upang hindi na mapahaba pa ang pag-uusap namin. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko at magalit na naman ito.
Tumango na lang siya at naglakad paakyat.
Hindi man lang ba niya napansin na kanina pa ako naghihintay sa kaniya? Wala ba siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa anak namin?
Napailing na lamang ako at sumunod na rin ay Alejandro.
-
Nang makapagpahinga ako ng kaunti, agad na akong bumangon para makapagluto para kay Alejandro. Simpleng American breakfast na lang ang inihanda ko para sa kaniya. Baka naman kasi kung ano na naman ang maalala noong lalaking ‘yon at magalit na naman sa akin.
Matapos kong ihain ang pagkain, inakyat ko si Alejandro sa kwarto namin. Nakita ko ito na prenteng-prente ang pagkakahiga sa kama na animo’y himbing na himbing. Bakas na bakas naman sa mukha nito ang sobrang pagod kagabi. Nakakaawa siyang tingnan.
“Alejandro, gising na! Rise and shine!” Masigla kong bati rito pero tulog mantika pa rin ang asawa ko. Bigla naman akong nakaisip ng kalokahan. Unti-unti kong ginapang ang natutulog na si Alejandro at marahan itong sinimulang halikan sa napakabango nitong leeg. Kasabay ng paghalik ko ang paghaplos sa hubad na katawan nito. Lalo akong napangiti sa paglapit ng bibig ko sa tenga nito. Marahan kong kinagat ang tenga nito at bumulong sa kaakit-akit na tono, “Gising na Alejandro. Baka mahuli ka sa trabaho mo.”
Unti-unti ko na ring sinimulang lakbayin ang mukha nito sa pamamagitan ng paghalik. Una kong hinalikan ang pisngi nito, sunod ang ilong at noo. Bago pa man ako makaabot sa labi nito ay bigla itong napabalikwas at iniba ang posisyon naming. Si Alejandro na ngayon ang nasa ibabaw at ako naman ang napailalim. Ngumingisi kong tiningnan ito.
“What do we have here? A little minx I suppose?” Nabuo ang ngiti sa kaniyang labi, “Baka gusto mong ikaw ang almusalin ko?”
Nagpakawala ito ng ungol na siya naman lalong nakapagpaturn-on sa akin. Agad akong ngumiti ng nakakaakit at pinasadahan ko ang katawan nito ng mga bagay na ikasisiya ng alaga niya. Nang mapansin ko ang sobrang sarap na sarap nitong mukha ay tinigilan ko na. Magsawa ka!
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Aktuelle Literatur[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...