Moment 7

744 12 0
                                        

Oiii guys, hello :) Nag-update na ulit ako. Huehue! Dedicated ‘to sa bff at classmate ko. Kulang na lang eh luhuran niya ako para mag-update. Haha! Geh, love you friend :)

-

Cara’s POV

Pinapunta ko sa bahay namin ang best friend kong si Terrence. Nahihiya kasi akong tumawag kay Alejandro para lang magpabili ng pagkain. Atsaka, noong tumawag naman ako ay hindi siya sumasagot. Ipinagpalagay ko na lamang na marami itong ginagawa kaya hindi magawang sumagot. Pero, dahil din naman sa hiindi na ako makatiis, pinabili ko si Terrence ng kiwi na sobra kong pinaglilihian.

Habang katabi at yapus-yapos ko si Terrence sa sofa, siya naman ay may hawak na kutsilyo para ipagbalat ako ng kiwi. Dahil sa sobrang katamaran ko, sinusubuan ako ni Terrence ng kiwi habang nakadantay ang ulo ko sa balikat niya.

“Babae, nasaan ba yung walang kwenta mong asawa? Ang galing niya ha! Parang wala siyang naanakan! Imbis na siya ang gumagawa ng mga ito eh ako pa talaga! Napakawalang-kwenta talaga! Mayroon bang pakialam ‘yang asawa mo sa’yo? Gusto mob a itakas na kita dito?” Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko na maintindihan kung alin ang uunahin ko.

“Gago! Isa-isa lang,” bigla naman siyang tumawa habang nakikinig sa akin, “Siyempre naman may pakialam sa akin ‘yang asawa ko. Eh di kung wala siyang pakialam sa akin, hindi niya pananagutan ‘yung bata? Basta mayroon siyang pakialam sa akin. Wag ka nang umangal pa.”

Umikot lang ang mata niya at nagpatuloy sa pagbabalat ng kiwi. Pero, habang nagbabalat siya at ako ay nakayapos pa rin, biglang bumukas ang pintuan na iniluwa ang nag-iisang lalaking minahal ko. Si Alejandro.

Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako, “Anong nangyayari dito?”

Patay na tayo jan.

Alejandro’s POV.

Hindi ako dapat maapektuhan ng ganito. Pero, meron kasing bagay sa loob-loob ko na nagngangalit. Hinayaan ko na lang iyong idominate ang isip ko at nagpadala sa galit.

“Meron ba akong kausap dito?” Kunot na kunot na ang noo ko habang nakatingin sa kanila.

Tumayo si Cara at tila parang kalmado pa. Dali-dali siyang lumapit sa akin para pakalmahin ako. Nang lumapit na siya sa akin, kinain na ng dilim at galit ang paningin ko. Akmang hahawakan niya ako nang palisin ko ang kamay niya. Napaatras naman siya ng kaunti at namayani ang takot sa mga mata niya.

“Ano? Sagutin mo ‘ko!” Masiyadong malapit ang mukha ko sa kaniya at hindi ko na mapigilang pandilatan siya ng mata.

“Wala naman akong ginagawang mali eh! Ano ba ang ikinagagalit mo?” Sumbat niya.

Tila natigilan naman ako sa sinabi niya. May isang bagay na pilit kumikirot sa dibdib ‘ko sa kadahilanang ‘di ko alam. Dali-dali akong nag-isip ng pandepensa at saka siya sinagot.

“Wag kang tanga ha! Tandaan mo na nagkaroon tayo ng deal noong araw na tumungtong ka sa opisina ko. Huwag na huwag kang magkakamaling lokohin ako at baka kung anong magawa ko sayo. Hindi man kita mahal pero may pinanghahawakan akong pride. ‘Wag mo akong tatarantaduhin. Isiksik mo yan sa kukote mo!” Pagbabanta ko sa kaniya.

Bigla namang sumingit ang isang asungot at nanira ng araw ko na namukhaan kong si Terrence Cruz, isa sa mga empleyado ko.

“Boss, hindi naman ata tama ‘yan! Hindi porket ikinasal lang kayo dahil sa bata ay gagan—“ hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pasadahan ko siya ng isang malutong na suntok.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon