Moment 11

568 6 0
                                        

A/N: Sorry for the looooooong wait. Hehe! Hell week po naming. Pasahan nito, pasahan doon, ang gulo! Pressured na! Nagpoprogram pa kami sa Visual Basic. Whaaaa! x_x Pressures na pressured talaga. Kaya pasensiya kung ngayon lang ulit :) Malapit na naman matapos ang Hell Week namin kaya enjoy lang. Haha! Mag-iisang buwan na pala akong hindi nag-uupdate. Grabe ang bilis. HAHA! Ok. On with the story :) -UNEDITED-

(Flashback are usually italicized and the thoughts of the characters as well.)

 -

Cara’s POV

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako lalo na nung malamn ko kung ano ang ginagawa ni Alejandro kasama si Alyssa. Hindi naman ako dapat mag-expect kasi alam kong ang lalaking pinakasalan ko ay hindi na ang lalaking nagmahal ng sobra sa akin noon. Pero, bilang asawa niya, dapat tratuhin niya ‘ko na parang tunay na asawa. Kahit respetuhin niya lang kahit ang pagiging babae ko. Naiintindihan ko naman na nakukulong siya sa kasalukuyan na hindi naman niya kilala. Alam kong pilit kumakawala ng dating Alejandro pero hindi niya magawa.

Ang pinupunto ko lang naman ditto ay sana man lang ay nahintay niya munang magkaroon ng kasama ang asawa niyang nagdadalangtao bago siya tumakbo sa inaakala niyang babae ng buhay niya. Kung nakapaghintay man lang sana siya, eh di sana hindi ‘to nangyari sa’kin. Mayroon pa sana akong natitirang puri at dangal para sa sarili. Kung hindi lang siya naunahan ng kabig ng dibdib…

-

“Gago ka! Naglaho ka na lang sana! Sinasayang mo lang ang panahon ko! Dapat noong una pa lang ay hindi na kita sinagot! Mambababae ka lang pala? Galing mo rin ano! Napakalibog mo!”

Iritang-irita na ako. Biruin mo naman? Nahuli ko siyang may kayapusang babae? For fuck’s sake! Kayapusan at kahalikan! Puta letse!

“Ma—ki—nig  ka— sa— akin! Ganiyan ka na lang ba kadaling bumitaw?” For Pete’s sake, Cara! Matuto ka namang magtiwala! Dalawang taon na tayo! Yung babae kanina, basta na lang niya ako hinalikan! I don’t even f*cking know her!” Pagdedepensa ni Alejandro.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Masiyado nga ba ako naging mapanghusga? Hindi ko nga ba siya pinagkatiwalaan?

“I—,” pagsisimula ko pero agad naman niya akong pinutol.

“Don’t mind it. Let’s just forget about it, okay?” Napahilamos niyang sabi.

Hindi ko na kinaya ang kahihiyan. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Akmang papaalis ako nang hablutin niya ang braso ko. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

“Oo na. Akon a ang naging madaling manghusga. Hindi muna kita tinanong. Pasensiya na. Masiyado ako naging paranoid. Alam kong pagod ka na sa kakaintindi sa akin. These past few weeks, palagi na lang tayo nag-aaway. Let’s stop this na lang,” sabi ko habang nagpipigil ng iyak.

Tila nanlumo at namutla ang mukha ni Alejandro. Hindi mo maisip kung galit ba ito, o naiinis, o nanghihinayang. Hindi ko rin alam kung papaano at ano ang magiging reaksyon ko. Pakiramdam ko’y konting galaw ko lang, magkakagulo at mapupuno ng drama ang lugar. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko na may mga luhang umaagos sa malasutla niyang mga pisngi.

“K-Kung ang naging problema at dahilan mo a-ay ang panghuhusga ko sayo, p-please patawarin mo ‘ko. Akon a ang magmamakaawa at nagmamakaawa. Hindi ko kaya ang wala ka. K-Kahit pakasalan pa kita, gagawin ko p-para hindi ka lang mawalay sa tabi ko. M-Mahal na mahal kita, Cara.”

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon