Moment 17.2

521 6 2
                                        

Don Anselmo’s POV

Dapat hindi ako ang napapagod sa problema ng kumpanya. Si Alejandro na dapat ang namomroblema nito. I already handed him the position for him to handle everything. I handed him the position so I can live peacefully with my retirement, but things turned out differently. Ako, kaysa siya ang nahihirapan sa problemang pinasok ng kumpanya.

“Gary!”

"Ano itong naririnig ko na nagpull-out daw ang isa nating investor? What happened?" Pagalit kong tanong.

Napatungo si Gary. Ano ba naman ang nangyayari sa mga employees ng apo ko? I thought they're one of the excellent? Ipinagmamalaki pa naman sila ng apo ko sa akin. Ito ba? Ito ba ang ipinagmamalaki? Pawang mga walang kwenta naman eh.

Sumagot naman si Gary, "Sir, hindi po kasi naabot ng mga trabahador sa factory natin and quota. The order of our client was supposed to be shipped two days ago. I tried to get them back, Sir pero nagmatigas sila."

Why wasn't I informed about this?

“Magpasalamat kayo at hindi ito isang major client. If that will be the case, you will all be fired before you can say ‘bye’.”

Pinaalis ko na siya bago pa man uminit ang kanina pang mainit kong ulo.

Alejandro’s POV

One entry immediately caught my eye…

Entry #15 – Hatred Towards Life

____________________________________________________________

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin o dapat ko pa bang sabihin kay Alejandro ang nangyari. Sa dinami-rami ng mga nababalitaan kong ganito, hindi ko akalain na mangyayari din ito sa akin. No. I will not tell this to Alejandro. Mas magiging pabigat pa ako sa kaniya at lalo pa siyang magagalit sa akin.

Pero hindi ko na talaga kayang itago pa ang saloobin ko. Dito ko na lang ilalabas. At least ditto, safe ang mga sikreto ko.

Kaano-ano ba ni Alejandro si Will? Baka kasi kapag nalaman ni Alejandro ang nangyari, magkagulo ang lahat. Si Will… paulit-ulit kong naririnig ang pangalan na ‘yon. Matapos sabihin ni Gabriel ang pangalan ng lalaking umabuso sa akin, parang isang sirang plaka, paulit-ulit, at nakakarindi itong nagpaulit-ulit sa isipan ko. Habang naririnig ko ang pangalan niya, hindi ko maalis sa isipan ko ang maalala ang mga ginawa niya sa akin.

Matapos umalis ni Alejandro para puntahan si Alyssa (Ugh. I hate her!) sa unang pagkakataon, dumating si Will. Akala pa niya noong una, take home ako ni Alejandro. I tried explaining to him pero hindi naman niya pinansin. Akala pa nga niya’y isa akong De Silva kasi nakita niya ‘yong kwintas ko. Eh ibinigay lang naman yun ni Mama sa akin. Napulot lang daw niya ‘yon.

Ang pinakamasakit sa lahat ng ito, ginamit niya ako. For his own personal fulfilment. Hindi ko maramdaman ang sarili ko habang pinaparausan niya ako. Pakiramdam ko’y napakadumi kong babae. Babaeng hindi nararapat para kay Alejandro. Nandidiri ako sa sarili ko kapag naaalala ko ang mga walang habas niyang pagmolestiya sa akin. ‘Yong mga haplos niya sa katawan ko, pakiramdam ko ay iniwan na ako ng Diyos.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagpakatatag ako para sa anak ko at sa sarili ko. Para bang ginawang daan ng Diyos ang anak ko para hindi ako panghinaan ng loob. Tinulungan ako ng Diyos para huwag sumuko, lalo na’t mayroong gustong umagaw kay Alejandro mula sa akin.

Pasasayahin ko na lamang ang sarili ko sa mga susunod na araw.

Hanggang dito muna!

-                      Cara x

____________________________________________________________

Nanlisik ang mga mata ko. Nabalot ng dilim ang mata ko. Paano niya nagawa ‘to? At sa mismong asawa ko pa! Hindi ko siya mapapatawad. Ipaghihiganti kita, Cara.

Hindi ko makuhang isipin kung ano ang nararamdaman ni Cara habang… habang pinagsasamantalahan siya ni Will. Ang takot na bumalot sa katawan niya noong mga panahong iyon. Iniisip kaya niya na sana naroroon na lamang ako imbis sa tabi ni Alyssa?' Ang babaeng naging dahilan upang pagbuhatan ko ng kamay at pagtaasan ng boses si Cara. Ang babaeng sumira sa relasyon namin dati ni Cara. Akala ko siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap. But all this time, nasa tabi at harap ko lang pala siya, naghihintay upang tapunan ko ng pansin.

Ipagpaumanhin mo, Cara. Naging tanga ako. Tanga para mapaniwala na totoo lahat ng nasa paligid ko at ikaw lamang ang kasinungalingan. Ipinangako ko sayo noon na hinding-hindi kita sasaktan sa kahit na anong paraan. Pero, ako rin pala ang sumira sa pangakong ‘yon. Ilang beses kitang sinaktan, physically, emotionally, at verbally. Napaka0ironic kung iisipin. Ako itong ayaw kang madapuan kahit ng isang lamok man lang dahil masasaktan ka, tapos ako ito ngayong halos ihagis ka sa sahig dahil sa sobrang galit.

Kapag nakita na kita, Cara… gagawin ko ang lahat, makabawi lang sayo at sa anak natin.

Lola Eustacia’s POV

Tanaw ko ang masayang si Abrielli. Sa tayo niyang ito ay hindi mo mahahalatang may karamdaman ito. Napakaganda niya. Tumatagos sa puso ang bawat halakhak niyang binibitawan. Tuwang-tuwa ito habang hinahabol ang mga manok na alaga sa bukirin. Hindi ko alam ang pinagdaanan ng batang ito para siya’y magkaganito. Naaawa ako sa kaniya. Palagi na lamang nagbabago ang mood nito. Isang beses, sobrang saya nito tapos maya-maya pa ay nagkakakampay na ito habang umiiyak. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, itinuring ko siyang parang sarili kong anak.

Matandang dalaga ako. Wala ng pamilya. At kung meron man, malayong-malayo na sila sa akin. Karamihan sa pamilya ko ay namatay noong ikalawang digmaang pandaigdig. Iniwan ko ang mga ito upang maging nurse para sa mga Amerikano. Ang natatanging pamilya ko na lang ay ang mga kamagsasaka ko. Kaya ako naging magsasaka dahil gusto kong mayroong mapaglibangan at alam ko na sa piling ng mga magsasaka ako sasaya. Alam ito ng may-ari ng pinagsasakahan ko. Pinilit nila akong tumigil at tumira na lamang sa kanilang mansyon, ngunit hindi ko tinanggap ang kanilang alok. Paminsan-minsa’y nakakaramdam ako ng lungkot. Pero, nawala lahat ng lungkot sa buhay ko ng dumating si Abrielli. Matapos niyang dumating ay sumunod naman ang isang anghel na si Angioletta Dafne Fabrizia Fiore.

Sinabi ng nag-abot sa akin kay Fiore na iyon daw apat na pangalan na’yon ang ipangalan ko sa bata. Angioletta na ibig sabihin ay munting anghel, Dafne bilang laurel, Fabrizia bilang craftsman, at Fiore bilang bulaklak. Napakagandang bata ni Fiore. Napakaganda ng kutis ng batang ito. Aakalain mong anak-mayaman ang bata sa unang tingin lamang. Magdadalawang taon na ito at napakagaling magsalita ng Ingles dahil… sa akin!

“Hi Wowa! Fiore, eat. Fiore, drink. Fiore, play!” Bungad sa akin ng bata. Ganito ang Gawain nito sa araw-araw. Kain, laro, at tulog. Kalimita’y nakikipaghabulan ito kay Abrielli. Kung titingnan silang dalawa ay para silang mag-ina pero ang sinabi sa akin ng naghabilin, magkapatid daw itong dalawa. Gayunpaman, masaya akong mag-alaga ng isang bata at isang isip-bata.

A/N: Hi, hi! Hello, hello! Sorry for the late update. Well this is the second part of Moment 17. I hope you enjoy this. Sino si Abrielli at si Fiore? Abangan. HAHA

This chapter is dedicated to you. I loved your comment x

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon