Moment 16

528 5 3
                                    

A/N: Matagal na rin pala akong hindi nakakapag-update. Sorry talaga. Gawaan na kasi ng school requirements eh. Nasabi ko na rin naman ‘to. Okay here goes with the update.

_

Cara’s POV

“Ma’am Alisa?”

Bakit siya nandito? Atsaka, paano niya nalaman na kasama ko ang anak niya? Ang lalaking ayaw nilang makatuluyan ko? Akala ko ba hindi na sila babalik ditto sa mansion nila? I thought I was safe from them. Pero lahat pala ng akala ko, akala lang talaga.

Bago ko pa maisip kung ano ang nangyayari, hindi ko na napansin na papalapit na pala sa akin ang mama ni Alejandro na may poot na bumabalot sa mga mata. Punong-puno ito ng galit sa hindi ko alam na dahilan. Ni isang kurot mula sa akin ay hindi dumapo sa makikinis niyang balat. Wala akong ginawang kahit na anong masama sa kaniya.

“Malandi ka talagang babae ka! Hindi ba’t nasabi ko na sayong layuan mo ang anak ko? Hindi ka ba marunong makaintindi ng Tagalog? Baka gusto mo pang Inglesin ko ng maintindihan mo? Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo, ha? You gold-digger, whore, son of a bitch woman! Dinudumihan moa ng pangalan ng mga Fortalejo!”

Pinagsasampal niya ako sa mukha, grabbing my hair to the maximum capacity of her hands. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang poot at galit na nararamdaman niya sa akin. Punong-puno ng galit ang bawat kibot niya. Para bang nabubuhay siya para patayin ako.

Matagumapy ko naman siyang naitulak papalayo sa akin. Pero bago pa man ako makabawi, nahigit na naman niya ang buhok ko, slamming my head on the nearby wall. Pinilit ko. PInilit kong tiisin ang lahat ng sakit para man lang kay Alejandro. Hindi ako dapat mawala sa kaniya. Malaki ang mawawala kay Alejandro. Ako na lang ang tanging pag-asa ni Alejandro para makaalala. Hindi ako dapat sumuko.

“Ma’am Alisa, tama na po!” Iyak kong pagmamakaawa. Ngunit, kahit anong sigaw ko, parang walang naririnig ang mama ni Alejandro. Nabulag na siya sa laki ng galit niya sa akin. Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa buhok ko. Pakiramdam ko’y sa kaunti pang higit ay matatanggal na ang mga hibla ng buhok ko sa anit.

“Parati ka na lang umaaligid sa anak ko! Kailan ka ba mawawala sa paningin ng anak ko? Palibhasa, hindi mo kayang isara yang mga binti mo! Napakalandi mo talaga! Ang iniintindi mo lang ay yang kati na nararamdaman mo! Hindi ka karapat-dapat sa mga Fortalejo! Isa kang hampas-lupa!”

Nasundan ito ng pitong malulutong na sampal at limang hampas sa dingding. Hindi ko na alam kung papaano pa kinakaya ng katawan ko ang abusing ito.

“Mabuti na lang talaga at sinadya kong ipasagasa ang anak ko para mawala siya ng memorya! Sa lagay na ‘yon, hindi na niya maaalala ang isang hampas-lupang kagaya mo! Ginawa ko na lahat para mawala ka sa landas namin pero bumalik ka pa rin!”

Sa isang iglap ay naitulak niya ako sa labing-limang palapag na hagdan. Para bang lahat ng nangyari sa amin ni Alejandro sa mga nakaraang taon ay nagflash sa utak ko. Wala na akong nakita kundi ang mga masasaya naming araw ni Alejandro. Matapos n’on ay bigla na lang dumilim ang paligid ko.

_

Alejandro’s POV

Hindi ko na namalayang naibagsak ko na pala ang mga dala-dalahan ko. Totoo ba ‘tong nangyayari sa harapan ko? Ang eksenang ‘to? Huwag naman sana! Marami pa akong plano para sa aming dalawa at sa magiging anak namin!

Mabuti na lang talaga at sinadya kong ipasagasa ang anak ko para mawala siya ng memorya! Sa lagay nayon, hindi na niya maaalala ang isang hampas-lupang kagaya mo! Ginawa ko na lahat para mawala ka sa landas namin pero bumalik ka pa rin!” sabi ng mama kong galit na galit.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon