Chapter 2
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng comfort room. Habang naglalakad ako pabalik sa office ko, walang laman ang utak ko kung hindi siya. Siya lang at wala ng iba. Tama ba na hinayaan ko na lang siya sa puder ng mga magulang niya habang ako naman ay umiiyak at nagdurusa?
Hindi naman sa ayaw kong sumunod siya sa magulang niya na dati naman ay hindi niya ginagawa. Actually, ayaw niya ngang hawakan yung business ng parents niya eh. Kaso nga lang, natanga siya. Kaya ngayon, napakalakas ng kapangyarihan niya in terms of the business world. Tapos eto ako, isang hampas-lumot lang kung ikukumpara sa isang katulad niya.
-
Habang nag-aayos ako ng gamit ko, biglang umiirit ng napakalakas na parang bakla ang kaibigan ko. Si Terrence Cruz. Para sa isang babakla-bakla, napakahot niya. Ang lalaki ng muscles niya tapos kung magsuot pa siya ng mga tee eh muscle fit na lalo pang nagpahot sa kaniya. Take note: Meron siyang 8 pack abs.
“Santillan! Uuwi ka na ba? Tara hatid na kita!” Bungad niya sakin.
“Asus! Ikaw naman Cruz, napakamaaalalahanin! If I know, gusto mo lang magpalibre sakin sa Army Navy!” Biro ko sa lalaki.
Sininghalan niya lang ako at sinabing, “Hoy Santillan! Di porket gusto kitang ihatid eh gusto ko ng magpalibre sayo. For your information, rich boy po ako.”
Taray.
Tunay nga naman yung sinabi niya. Isa nga siyang rich kid. He was born with a golden spoon in his mouth. Lahat ng bagay na gustuhin niya, bigay lang ng bigay. Pero bakit nga ba siya nagtatrabaho? Simple. Sabi niya sakin na he just want to learn to be independent and to train himself so one day he could handle their company.
What kind of company? An aviation company.
-
Hindi nagtagal ay bumagsak nga kami sa Army Navy.
“Since ikaw nga ay rich kid, dapat treat mo ko ngayon,” nakakapanloko akong ngumiti.
“Oh siya siya! Ililibre na nga kita. Nakakaawa ka naman! Pero next time, ikaw ang manlilibre,” sabay na pagtawa niya.
Umorder ako ng Starving Sailor at yung kaniya naman is Fearless Fried Chicken.
He paid for the food and then we went to our seats.
Habang kumakain kami, hindi ko matanggal ang mata ko sa kinakaing Chicken ni Terrence.
“Terrence! Pahingi namang Chicken oh! Please?” Pagmamakaawa ko.
“What? When did you learn to eat Chicken? I thought hindi ka kumakain ng Chicken since you were like a child?” Tiningnan niya ako ng nagtatanong na itsura pero in the end, binigyan niya rin ako.
What is wrong with me?
Never naman talaga akong kumain ng chicken.
-
Pagkatapos naming kumain, sumakay na ulit kami sa kotse niya at nagdrive pabalik sa condo na pagmamay-ari niya. Sa katunayan nga, binabayaran ko siya sa pagtira ko doon. Ayoko kasi na nagiging pabigat ako atsaka kasi baka isipin ng tao na sipsip ako or should I say, free-loader? Pinilit niya akong huwag ng magbayad pero I insisted.
Habang nagdadrive siya pauwi, I suddenly felt nauseous. Dali dali ko siyang sinabihan na itigil sa gilid ng daan yung kotse para makapaglabas ako. Bumaba agad ako ng kotse at inilabas lahat ng kinain ko kanina. Sayang namanyung Php 235 na ibinayad ni Terrence para sa steak ko.
Naramdaman ko na lang na may humahagod sa likod ko. Buti na lang at nandiyan siya upang alalayan ako dahil kung wala siya diyan, marahil ay natumba na ako.
“Salamat Terrence ha?” Sambit ko na hinang-hina.
“Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba or…
ARE YOU PREGNANT?”
Grabe ‘tong mag-isip ha.
“Grabe ka naman Terrence! Buntis? Ako? Never.”
Ngunit sa loob-loob ko ay nananaig ang kaba ko. What if nagbunga ang pagmamahalan naming ni Greg? Paano na ang anak ko? Lalaki ba itong walang tatay? Sino na ang kikilalanin nito habang lumalaki? Hindi naman pwedeng habanglumalaki ito ay magsisinungaling na lang ako.
Hinanglit ko ang kamay niya at itinulak siya papasok ng kotse niya. Ako naman ay pumunta na sa kabilang side ng kotse.
Paano nga kaya kung buntis ako?
-
Kinaumagahan ay nagsend ako ng email for a one day leave. Hindi na talaga kinaya ng dibdib ko ang kabang nararamdaman. Sumakay agad ako ng taxi papunta sa isang malapit na ob/gyn. Habang naghihintay ako na matawag yung number ko, napag-isip isip ko kung ano ang magiging kahihinatnan ng buhay naming mag-ina kung sakaling meron ngang batang nabubuhay sa loob ng tiyan ko. Sino nga ba ang tatayong ama dito
Naputol ang aking pag-iisip ng marinig ko ang number ko. Huminga ako ng napakalalim at tinungo ang office ng ob/gyn.
-
“Good morning Miss Mendez! Please take a seat. So, how can I help you?” Bungad sakin ng doktora.
“Eh ano po kasi, gusto ko pong malaman kung buntis po ba ako,” nahihiya kong sagot.
“You don’t need to be shy Miss Mendez! Kindly come with me so I can run some tests for you,” she smiled warmly at me.
-
Lumabas na yung doctor at hawak-hawak niya ang envelope na maaring mag-iba ng takbo ng buhay ko. She looked at me at ngumiti ng napakalaki.
“Congrats Miss Mendez! You are already 2 and a half months pregnant!”
2 and a half months pregnant? Pero bakit? Diba dapat meron na agad symptoms for the first few weeks of the pregnancy?
“Bakit po ganun? Ngayon lang po ako nagkaroon ng symptoms, now that I am in my 2nd month? Don’t you think it is a bit too late?” Nagtataka kong tanong.
“In some rare cases, women tend to experience the symptoms of pregnancy after few months had passed, but don’t worry! Everything is fine and your baby is safe! Just come back every month so we can monitor your baby’s progress. Once again, congratulations Miss Mendez!”
Hindi ako makapaniwala. Nagbunga nga ang pagmamahalan naming ni Greg. Paano na ito? Dapat ko bang ipaalam? Pero evident na evident naman sa mukha niya na kinalimutan na niya ko at wala na siyang balak alalahanin pa ako. Dapat ko bang ipaalam sa kaniya ito?
-
A/N
Salamat sa pagbabasa! Kung nagustuhan mo, VOTE LANG! HAHA!
It doesn't kill to be loud! Huwag maging silent reader! HAHA
Vote and comment please?
Salamat!
Love love - Lyn
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiction générale[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...