A/N: One word: Sorry. Haha. Sorry for the long, long wait. Thank you for still supporting this story. Love lots. x
Have your story promoted and plugged here: http://wattpadphilippines.tumblr.com/
-
Moment 19
Alyssa
Ugh! That b*tch and those assh*les! Sobrang lapit ko na maisagawa yung unang parte ng plano ko if only they did not come! Napapadyak na lang ako sa loob ng kotse ko habang naiisip ang mga bagay-bagay na y'on. Dapat kasi ay inilock ko ang pinto matapos kong pumasok! Eh ‘di sana may milagro nang nagyayari sa’min ngayon.
Everything was all set at execution na lamang ang kulang. Kaya kukumbinsihin ko si Lolo na gamitin ang koneksyon niya para maging null and void ang kasal nina Alejandro at Cara. In that case, sa akin makakasal si Alejandro at wala na siyang takas. I may sound too desperate, pero gagawin ko talaga ang lahat mapasaakin lang siya.
I guess it's time for my Plan B...
_
Lola Eustacia
Kasa-kasama ko si Abrielli habang naghahabas ng mga damo sa taniman kasabay ng iba pa. Suot-suot nito ang maskara niya na nagkukubli ng mga sugat niya na naghihilom. Ayaw na ayaw kasi ni Abrielli na mapupuna ng ibang tao ang mga sugat niya. Magiging histerikal ito at mahihirapan kaming pakalmahin siya.
"Abrielli, apo! Halika na at magtatanghalian na! Kumukuha lang si Fiore ng salabat at tinapay. Pabalik na rin y'on."
Patakbong lumapit sa akin si Abrielli na may abot langit na ngiti sa mga labi. Napakagandang bata. Anong ginawa nito para magkaganito siya? Base sa mga katangian niya, wala akong mahanap na dahilan para magkaroon ito ng ganitong karamdaman.
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang palahaw ng iyak ni Fiore. Anong nangyari sa apo ko? Madali kong pinuntahan ang pinanggalingan ng iyak ng bata para mapatahan ito. Sana'y walang masamang nangyari sa kaniya.
"Punyeta kang bata ka! Alam mo ba kung gaano kamahal 'tong damit ko, ha? Sumagot ka!" Pagalit na saad ng babaeng nakatalikod.
Pailing na sumagot si Fiore. Bago pa man masaktan ng babae ang bata, mabilis kong dinaluhan si Fiore at sinubukang patahanin.
"At ikaw tanda, 'wag mo kasing hahayaang pauli-uli ang bastardong 'yan! Imbis na napapakinabangan, nagiging perwisyo pa," nanggagalaiti nitong sabi, "Mas mahal pa 'tong damit na 'to kaysa sa buhay niyong dalawa!" Sa isang iglap, napaatras ang babaeng apo daw ni Don Fernando sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Abrielli?

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción General[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...