Moment 9

728 8 3
                                    

Cara’s POV

Nagising ako sa bisig ng isang tao. Sa tigas pa lamang ng mga bisig nito, napag-alaman kong lalaki ang kumakandong sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata kong kanina pa kating-kati bumukas. Pagkamulat na pagkamulat ko, agad kong nakita ang kaakit-akit na mala-abong mata ni Alejandro. Inalis ko ang pagkakatitig ko rito at nilinga ang paligid. Nakakapagtaka. Kagabi lamang ay nasa kwarto ako tapos ngayon ay narito ako sa labas at kandong-kandong ni Alejandro?

 

“Bakit ako nandito? Atsaka, bakit mo ako hinahawakan? Akala mo ba bati na tayo? Kapal mo rin ano?” May pagkamuhi kong tanong.

Humugot ito ng hangin na pagkalalim-lalim. Agad siyang nagsalita nang makakuha ng buwelo. Mababakas naman sa mukha nito ang panlulumo. Hindi ko alam kung isa lamang ito sa mga palabas niya. Alam ko namang wala na siyang nararamdaman para sa akin. At kung meron man, malamang-lamang ay nakalimutan na niya iyon.

“Listen, before you interrupt me, I would just want you to hear me out. I am sorry. I know my way of apologizing is not that appealing but I just want you to know that this is my first time saying ‘sorry’.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Simula noong iminulat niya ang mga mata niya sa ospital? Sa pagkakaalam ko, si Alejandro ang isa sa pinakamaaalalahanin at pinakamabait na nilalang na ginawa ng Diyos. Kung may nagawa man siyang mali sa’yo – kahit pa maliit man yan— ay agad itong hihingi ng tawad. Ang laki talaga ng nawala at nagbago sa kaniya.

Pero, ang ipinagtataka ko ay kung bakit naging ganito ang pakikitungo niya ngayon sa akin. Noong nakaraang lingo, hindi naman siya ganito sa akin eh. Kulang na nga lang ay ipatapon niya ako sa isang isla, huwag lang ako makasama.

“May itinatago ka ba sa akin? Yun bang pagiging malambing mo, may hidden agenda k aba doon? Tapatin mo ‘ko. Kasi kung meron, pwede bang itigil mo na? Nag-aaksaya ka ng panahon,” kinakabahan kong tinanong siya. Hindi ko alam pero parang masasaktan ako sa maaari niyang isagot. Baka hindi ko kayanin.

“Huwag kang mag-isip ng—“

“Ano ba! Huwag ka ngang magsikreto sa akin! Tatanggapin ko ng buong-buo kung ano man ang sasabihin mo!” Pagputol ko sa kaniya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Damang-dama ko ang mainit niyang hininga na nagdala ng hindi maipaliwanag na sensasyon sa aking katawan. Sa kabila ng mga bagay na ito, mababakas ang lungkot sa mata ni Alejandro.

“Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang. Wala. Wala akong itinatago sa’yo. Please,” at idinikit niya ang noo niya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang mga pisngi ko. Hindi ko na namalayang nailapat  na pala niya ang mapupula niyang labi sa labi ko. Sumisigaw ng pagmamahal ang ginagawa naming na damang-dama ng buong sistema ko. Sana bumalik ka na, mahal ko…

-

Don Fernando’s POV

“Matagal-tagal ka na ring nawawala, apo ko. Ilang taon na rin kitang hinahanap subalit hindi ipinahihintulot ng tadhana na mahanap kita. Kailan kaya kita makikita?” Isip-isip ko habang hinahaplos ang litrato ng apo kong babae na kay tagal-tagal nang nawawala. Hindi ko na mawari kung saang lupalop ng mundo ko siya hahanapin. Marahil ay malaki na ito at may sarili nang pamilya. Nakakalungkot isipin na hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki nito. Hindi ko man lang din naibigay ang mga ninanais nito sa buhay.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon