Napapansin ko na tila hindi nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Alejandro. Tulad pa rin ng dati ang pagtrato niya sa akin. Ang kaibahan nga lang, wala siayng maalala tungkol sa amin at sa nakaraan. Kahit na minsan ay nasasaktan niya ako, hindi pa rin maalis sa sarili ko na hindi magalit sa kaniya. Para bang may pumipigil sa akin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Sa isang bagay lang talaga ako nakakasiguro; mahal ko siya.
-
Cara’s POV
Laking pasasalamat ko sa pagsakay ni Nanay Lucing sa pagtatago ng nakaraan naming ni Alejandro. Baka kasi ‘pag nalaman niya na mayroong namagitan sa aming dalawa ay matawag pa niya akong binubuwan. Sino ba naman ang maniniwala na ang isang hampaslupang kagaya ko ay mamahalin ng isang makisig at mayamang si Greg Alejandro Fortalejo? Wala. Lahat ng bagay na ‘yon ay nangyayari lamang sa mga istoryang nagpapaasa sa mga bata ng happy every after.
Kilala na kasi ako ni Nanay Lucing. May mga araw na dinala ako ditto ni Alejandro para magbakasyon at makalayo sa siyudad. Masiyado kaming naging malapit ni Nanay Lucing. Text mate pa nga kami niyan eh. Atsaka noong araw, lagi niya—kasama ang ibang tauhan— kaming tinutukso na kami raw ang magkakatuluyan. Nakakatuwa nga kasi yung ibang mga tauhan ay nakikisakay rin. Hindi ko lang alam kung hanggang kalian tatagal ang pagtatagong ito.
-
“Nanay Lucing! Nasaan po si Alejandro? GAbing-gabi na po ay di pa rin siya nagpapakita sa akin,” pag-aalala ko.
Nagulat namang bigla si ‘Nay Lucing sa sinabi ko. Ano bang meron? Tila nagtatanong ang mukha ni Nanay Lucing sa mga nangyayari.
“Ineng, hindi mo ba alam o hindi ba siya nagpaalam sayo na umuwi na siya ng Maynila?” Sambit nito.
Kung kanina ay si ‘Nay ang nagulat, parang nag-iba ang posisyon naming. Ako naman ngayon ang nagulat sa sinabi ng matanda. Umuwi siya ng Manila? At hindi man lang nagpasabi sa akin? Kung ayaw naman niya akong makausap, pwede namang ipasabi na lang niya sa mga kasambahay diba? Napakabipolar niya talaga!
“Ah, ganoon po ba? Hayaan niyo na lang po,” ngumiti naman ako ng pilit.
Paalis na ang matanda nang parang may maalala ito. Muli itong humarap sa akin at nagtanong, “Iha, matanong ko lang ha. Bakit parang hindi na kayo tulad ng dati ni Greg? Napansin ko’y naging masiyado na siyang mailap sa’yo. May hindi ba ako nalalaman?” Pag-uurirat nito.
Sinagot ko naman si Nanay, “Alam niyo naman pong naaksidente si Alejandro, ‘di po ba? Eh sa kasamaang palad, hindi na iya po ako maalala. Sa katunayan nga po, bago siya maaksidente ay pinagbubuntis ko na po ang aming anak. Naging masiyado po yatang masama sa amin ang kapalaran.”
“Ay kung gayon iha, matulog ka na at makakasama ang pagpupuyat sa bata. Dadalhan na lang kita ng gatas ha? Babalik ako,” ngumiti ito at isinara ang pinto.
Napabuntong-hininga ako. Alejandro ko, kalian ka ba babalik? Yung tunay na ikaw. Nahihirapan na kasi ako eh.
-
Nakaisang-linggo na ngunit hindi pa rin bumabalik si Alejandro. Masiyado niya yatang kinacareer ang pagpapalungkot at pagpapadama sa akin na hindi niya ako mahal. May mga araw naman na maayos kami. Doon bas a mga araw na iyon, may naalala kaya siya tungkol sa akin? Kahit katiting lang?
Upang mawala ang lungkot na namamayani sa aking dibdib, lumabas ako ng mansyon. Hinanap ko ang mga naging kaibigan kong trabahador noon. Mabuti na lamang at narito pa sila.
Habang nagtatabas ng tubo sina Carlita, Lucas, at Wacky ay nilapitan ko sila upang gulatin. Nang makasigaw ako sa likuran nila ay agad nilang itinutok sa akin ang hawak nilang karit. Bigla namang lumaki ang mga mata nila at naibagsak ang mga hawak nilang patalim.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción General[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...