Moment 3

835 11 1
                                        

A/N: Hi guys! Sorry matagal yung update. Busy sa school eh. Nag-iisip pa nga ako kung papaltan ko ito into Omniscient/3rd Person Point of View eh. Pero, I'll stick to what I have started. So, here it goes :) Enjoy

_

Chapter 3

Dumaan ang mga araw pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko lubos maisip kung sasabihin o ipapaalam ko pa ba kay Alejandro. Masiyado na itong busy para dagdagan ko pa ang mga problema nito. Paano kung hindi niya tanggapin ang bata? Marahil ay sabihin niya na isa lang ako sa mga gusting pumikot sa kaniya. Pero, hindi ko dapat hayaan na lumaking walang tatay ang anak ko. Kahit hindi na niya ako tandaan o mahalin man lang, basta para sa bata.

-

Kumakain kami ni Terrence ngayon ng lunch sa cafeteria ng company namin. Sa halip na kami ang kumakain, ay si Terrence lang ang kumakain na akala mo’y sarap na sarap habang ang pagkain ko ay pinaglalaruan ko lang.

“Babae! Nasasayang yung pagkain! Ano bang iniisip mo at nagkakaganyan ka? May sakit ka ba? Ano, sabihin mo sakin,” pag-aalala niyang sabi.

“Tungkol ‘to doon sa napag-usapan natin noong nasa Army Navy tayo. Yung may kinalaman sa chicken,” sagot ko naman.

“Ito ba yung buntis ka?”

“Oo, at si Greg Alejandro Fortalejo ang ama,” tila parang naconscious kong sagot.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang gulat na gulat na sumigaw si Terrence na rinig na rinig ng lahat ng tao sa cafeteria.

“ANO?! BUNTIS KA NGA AT YUNG BOSS NATIN  NA SI ALEJANDRO ANG AMA NIYANG DINADALA MO?!”

Tila parang hindi lang ako kundi lahat ng tao sa cafeteria ay natigilan dahil sa kanilang narinig. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa rebelasyon na nangyari. Napatakbo ako ng hindi oras at sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ko si Alejandro na siyang ikinagulat ko.

“Pasensiya na po,” mahina kong sabi sabay takbo palayo.

_

Alejandro’s POV

Patungo sana ako ng cafeteria ng may makabangga akong babae na parang wala sa sarili. Masiyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko na nakita ang mukha niya. Binalewala ko na lang at naglakad ulit papunta sa cafeteria. Pero, nang malapit na ako, kinabahan ako. Lahat ng mata ay nakatingin ng parang nanunuri at ang iba ay nagbubulungan pa.

Tumakbo papunta sakin ang secretary ko na tila maraming nahakot na impormasyon dahil sa pagiging tsismosa niya.

“Naku Sir! Balitang balita na po na nakabuntis kayo! Diyos ko po!”

Ako? Nakabuntis? Imposible. Even if I had flings, I always make sure to have protection. Never kong kinalimutan yun.

“Sino daw yung babaeng nabuntis ko?” Tanong ko naman.

“Nakita niyo po yung babaeng nabangga niyo kanina? Siya po yun Sir,” sabi nito.

Bukas na bukas din ay ipapatawag ko siya.

Pumasok na ako ng cafeteria at tumigil sa gitna. Lahat ng mata ay nakasunod sa akin na parang nagbabantay kung ano ang sunod kong gagawin.

“Makinig kayong lahat, stop making speculations about me and the issue involving me, nor the stupid girl who accused me of impregnating her. It may be a hoax, so if it doesn’t come from my mouth, do not believe it. I repeat, do not believe it.”

Umalis na ako dahil nawalan na ako ng gana at dahil din sa nalaman ko ngayong araw. Kung sino ka man babae ka, humanda ka sa akin. Walang taong makakadungis sa pangalan ng isang Fortalejo.

_

Cara’s POV

Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at walang pasintabing umuwi ng condo ni Terrence. Paano niya nagawang ipangalandakan sa lahat na anak ko ang dinadala ni Alejandro eh alam naman niyang boss naming ang lalaki at masiyadong mapanuri ang mga mata ng mg aka-officemates namin. Napaka-taklesa niya talaga.

Dinampot ko ang tatlong litrato naming ni Alejandro that were taken when we were still in college. Ang isa ay magkanose-to-nose kami with a peaceful aura. Makikita mo na punong puno ito ng pagmamahal. Hindi ko nga alam kung saan na nagpunta ang pagmamahal na iyon eh. Habang yung isa naman ay noong nasa gazebo kami ng school namin. Gabi doon sa picture tapos yung buong gazebo, napapalibutan ng Christmas lights habang ako naman ay may suot na flower crown. Magkayapusan kami doon sa picture. Yung huli naman ay nung mahigpit ang hawak niya sakin dahil noong mga oras na yoon, pinaghihiwalay kami ng mga magulang niya. Hindi ko alam na may kumuha noon. Nakita ko lang ito noong ibigay sa akin ni Alejandro. Nakakamiss talaga ang mga sandaling yun. Hindi ko rin alam kung kelan pa mauulit ang mga oras na yun.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala akong umiiyak habang yapos-yapos ang mga litratong iyon.

-

Maaga akong dumating ng office para makaiwas sa iba kong ka-officemates. Hiyang-hiya talaga ang buong sistema ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi man lang napigilan ng baklang iyon ang bibig niya. Paupo pa lamang ako ng lumapit sa akin ang sekretarya ni Alejandro.

“Miss Santillan, Sir Alejandro is expecting you in his office,”  bungad niya sakin.

“Tungkol ba ito doon sa kahapon?” Pagtatanong ko.

“I don’t know anything Miss. It’s better if you just go so the matter can be settled,” she smiled at me pitifully.

Tumango na lamang ako at tinungo ang office ni Alejandro. Nagmukhang matapang ako sa lakad ko pero sa loob-loob ko, takot na takot ako. Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko si Alejandro na hawak-hawak ang stress-ball niya at pinipisil-pisil ito na tila parang galit nag alit.

“Sir, Miss Santillan has arrived,” pagsasalita ng sekretarya.

Tinanguan na lamang siya ni Alejandro at ito ang nagging signal para lumabas na siya.

“Miss Santillan, I just want to settle things with you, but first, I just wanna ask. What made you decide to create those rumours about me impregnating you? Wasn’t it too low of you to do? Do you need money? I can pay you just for you to shut your stupid mouth. Name your price,” deretsahan niyang sabi.

Hindi ko napigilang sampalin niya dahil sa mga nabitawan niyang salita sa akin. Kailan pa siya nagging ganito? Sa pagkakaalam ko ay hindi siya ganito dati. Napakalambing nitong lalaking ito para magkaganito.

“Ano ba ang nagyayari sayo Aleg!” dumadaloy na sa pisngi ko ang luha habang nagsasalita, “Hindi ka naman ganiyan dati!”

Natakpan ko ang bibig ko sa mga nasambit ko. Hindi ko dapat ipaalam sa kaniya na nagkaroon kami ng koneksyon sa isa’t isa. Kahit na ang pangalang ako lamang ang tumatawag sa kaniya.

“Paano mo nalaman ang pangalan na iyon?! San mo nalaman yan?! Wala kang karapatang tawagin ako ng Aleg dahil unang-una, hindi kita kilala!” Dumagungdong ang buong floor dahil sa lakas ng sigaw niya.

“P-Pabayaan mo na lang yon. Let’s just settle our issue so it can be done early,” pagpigil ko sa paglala ng sitwasyon.

Tiningnan niya lang ako ng masama sabay hilot sa nakakunot niyang noo.

“Marry me. After few months, we will conduct a paternity test to your baby. Once na malaman kong hindi akin yang dinadala mo, magdidivorce tayo. Sa ibang bansa tayo magpapakasal para madali at oo nga pala, huwag kang aasa ng church wedding. Hanggang civil wedding ka lang. You will transfer to my house. It’s final. Bukas na bukas din, lilipad tayo ng US. Wag kang mag-alala, ikukuha na kita ng Business Visa. Basta tatandaan mo na once na malaman ko na hindi akin yang bata, pagsisisihan mo na isinangkot mo ako sa gulong ito.”

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon