Moment 18

524 7 14
                                        

Alejandro’s POV

Ang tagal na simula noong nawala si Cara. Kahit na ganoon, I never stopped. I never stopped looking for her. Alam kong nandiyan lang siya. Kailangan ko lang magtiwala na may awa ang Maykapal.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, meron pa ring mga bagay na nagbago—tulad ko na lamang. Hindi na ako ang dating Alejandro. Habang naghahanap sa mag-ina ko, sinubsob ko ang sarili ko sa mga trabahong naiwan sa opisina. In this way, hindi ko sila palagiang naiisip. Ibabalik lang nito ang mga masasakit na alaalang pilit kong ibinabaon sa limot. Gusto ko—kapag bumalik ang mag-ina ko— masasayang alaala ang mararamdaman ko kapag nakita ko sila. Ayoko na maramdaman pa ulit ang sakit na idinudulot sa akin nito ngayon. It pushed me to be the person I don’t want to be. A person that is heartless and ruthless.

I hope… maybe someday… when we meet again, you’ll heal my pained and broken heart.

Alyssa’s POV

Matapos ang matagal kong pananahimik, napag-isip-isip kong kailangan ko ng bisitahin ang pinakamamahal ko. Ngayong ganap na nga akong De Silva, hindi na ako mahihirapan pang maangkin si Alejandro dahil mayroon na akong mga koneksyon—mga koneksyong wala ang mga normal na tao ng lipunan.

Nagmadali akong magmaneho papunta sa Manila. Hindi na talaga mapakali ang utak ko sa sobrang tuwa na nararamdaman. I never got the chance to commence my plans when Cara was around. Mga planong magpapalapit sa akin kay Alejandro. Pero noong nabalitaan kong nawala nga ang kontrabida sa pagmamahalan namin ni Alejandro, doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob. Ngayong wala na nga ang asawa, mapapasaakin na siya considering na napakalungkot niya ngayon. Gagamitin ko ang lagay niya ngayon para mapalapit siya sa akin. I never knew this would be as easy as this.

Sumakay ako ng lift papunta sa 30th floor kung saan naroroon ang office ni Alejandro. I managed to get weird looks from the company’s employees. Paano nga naman ba ako hindi makakakuha ng mga masasamang tingin kung ang suot ko ay isang dress, two inch below my behind at isang pares ng six inch stilettos. Pero wala akong pakialam. As long as I can seduce Alejandro, I don’t care.

Nang tumunog ang bell, signalling my arrival in the 30th floor, agad kong tinungo ang pinakaoffice ni Alejandro. This guy is going to have the biggest surprise of his life.

Don Fernando’s POV

The plan went well. Malalaking uto-uto ang mga trabahador nina Anselmo sa pabrika. Konting suhol lang, bumigay na agad. I am the reason why hindi nila naideliver ang mga goods in time. The Fortalejos were so confident that nothing will happen to their production. They thought everything is perfectly fine inside his production section. To be honest, hindi lang isang maliit na client ang naapektuhan dito. Even the major ones were greatly affected. This is a two-fold payback dahil sa ginawa nila sa amin last time.

I never knew they would be this gullible and vulnerable. With a single snap of my fingers, I can shut them down. Hindi ko lang alam kung bakit pa ako nag-aaksaya ng panahon at resources para lang mapatumba ko sila. I guess a De Silva never gives up in a fight.

Venice Alcantara’s POV

I, together with Alejandro’s friends also started a search party for Cara. Hindi na kami nagkaroon ng oras ni Cara makapag-usap tapos mababalitaan ko na lang na nawawala pala siya. Kahit na wala kaming swerte sa paghahahanap namin ay hindi pa rin kami sumusuko dahil alam naming na nandiyan lang siya… sa tabi-tabi. I believe someone is behind all these. Lalo na sa sunod-sunod na kamalasan na dumating kay Cara. It was not just pure coincidence. Sinadya ang lahat ng ‘to.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon