Nagising si Cara kinaumagahan. Iniikot niya ang mata niya sa loob ng kwarto niya sa hospital hanggang sa tumigil ito sa akin. Bigla naman siyang ngumiti at pinakausapan akong lumapit sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa one-seater sofa na nasa tabi ng kama niya. Bigla naman niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang malalambot niyang kamay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tagtagin ang pagkakadampi ng kamay ni Cara sa mukha ko. Parang may bagay na nagsasabi sa'king 'huwag'. Ako kasi ang tipo ng tao na ayaw mahahawakan sa mukha kahit na sa buhok pa. Pero bakit siya? Kaya niyang gawin ang mga bagay na gustuhin niya sa'kin?
"May nararamdaman ka ba?" Walang pag-aalanganin kong pagsiyasat.
"Naku! Wala 'to!"
"Aalis na tayo mamaya. I-checheck ka lang ng duktor tapos babayaran ko na yung bill mo. Gusto ko na huwag ka na muna magtrabaho baka kasuli mangyari na naman ang ganito. Baka mamaya ako pa ang maging dahilan para malaglag yan. And ayokong maistorbo sa mga business meetings ko lalo na't sobrang halaga nung naistorbo mo. Pasalamat ka at naging considerate ang partners at clients namin." Bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya at bumaling patalikod sa akin. Humarap na lang siya sa bintana at hindi na ako pinansin.
Cara's POV
"Just drop me by sa labas ng bahay," walang kaemo-emosyon kong sabi. Hindi ko alam kung bakit masiyado akong naaapektuhan sa mga ikinikilos ni Alejandro. Dapat sa simula pa lang, naipagpalagay ko na, na hindi na siya ang dating lalaking nagmahal sa akin noon. Iba na siya sa mahal kong si Alejandro. Yung mahal ko, hindi maghahanap at malilink sa ibang mga babae kahit na mayaman pa ito. Yung Alejandro ngayon, kabi-kabila ang babae. Meron sa Manila, sa Amerika, sa France, at kung saan-saan pa. Kabi-kabila na rin ang mga issue tungkol sa kaniya. Hindi ko nga rin alam kung mababago ko pa siya sa bago niyang nakagawian. I just hope that I won't fail anytime soon.
Kinagabihan, naisip kong ipagluto si Alejandro para ma-make-up naman yung nagawa ko sa kaniya. Ipinagluto ko siya ng paborito niyang sinaing na gatong bangus. Ang putaheng 'to ay hindi masiyadong popular sa karamihan. Katunayan, ako lang ang marunong magluto nito para sa kaniya. Ako pa nga ang unang nagpatikim nito sa kaniya. Secret recipe kasi ito ng pamilya namin na ipinasa pa mula sa kanunununuan namin.
Saktong pagkatanggal ko sa stove ng isda, dumating si Alejandro. Narinig ko ang pagkalansing ng susi sa doorknob and it revealed the very tired looking Alejandro in his business attire.
"Alejandro! Kumain ka na ba? I cooked someting for you. Alam ko namang pagod na pagoid ka galing sa trabaho." Naglakad siya papuntang dining area na tila parang walang narinig at naupo.
"Oh? Nasa'n na ang kakainan at kakainin ko? Tanga ka ba? Mang-aalok ka tapos hindi ka pala prepared? Pagod ako ha, kaya wag mong ubusin ang oras ko na dapat ay ipinagpapahinga ko na," inis niyang bulalas.
"T-Teka lang! K-Kukunin ko na. Wait lang."
Dalas-dalas akong kumuha ng plato, kutsara at tinidor, at baso, kasabay ng pagplating ko sa isda. Isa rin kasi sa mga hobbies o ay ang pagluluto. Kaso, dahil nga sa kakapusan ng pera, naudlot ang dapat ay ginagawa ko ngayon; ang maging chef.
Agad kong ipinatong sa mesa ang pagkain at pinanood siyang kumain. Yung plato niya, sangkaterba ang kanin. Mukha siyang patay gutom. Naaawa nga ako sa kaniya eh. Simula pagkabata niya, hindi siya inaruga ng mga magulang niya. Ang kasa-kasama na lang niya palagai ay ang kasamabahay nila na si Manang Ising. Kaya noong dumating ako, nagkaroon na ng panibagong mag-aalaga sa kaniya. Pasalamat siya. Kung hindi ko lang siya mahal eh.
Pagkasubo niya, biglang nanlaki ang mga mata niya at bigla-biglaang hinanglit ang braso ko.
"Sinong nagturo sayo nito?! Ha?! Sagutin mo ko!" SIgaw niya.
Hindi ko akalaing magiging ganito ang reaksyon niya. Diba pagkain lang naman ito? Bakit ganun-ganun na lang siya kung makareact? Hindi kaya naaalala na niya ako?
"W-Wala! Y-Yung Mama ko lang..." takot kong sagot.
"Sinungaling ka!" a hindi ko inaasahang pangyayari ay pinagbuhatan niya ako ng kamay, "I may be asuffering from some stupid disease, but keep this in mind na hindi ako tanga! Malalaman at malalaman ko rin kung saan mo natutunan 'to."
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ni minsan, hindi niya ako sinaktan. Ngayon lang. Maskatan nga lang ako ng kaunti, kahit makurot lang ay matataranta na agad siya.
Bigla namang nawala ang galit sa mga mata nia at napalitan ito ng pag-aalala nang makita niya ako sa sahig. "P-Pasensiya na. -Hindi ko sinasadya. Masiyado lang talaga akong nadala. Dala na r-rin siguro ng stress. I'm sorry."
Ganun-ganun na lang ba? Lahat ba ng magagawa niyang pagkakamali ay idadaan niya sa 'patawad'?
Hindi ko kinaya ang nararamdaman ko. Tumayo ako sa pagkakabagsak habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Iniwan ko siya sa dining room at dumeretso sa kwarto namin ni Alejandro.
Alejandro's POV
I don't know what came over me para magawa ko yun sa kaniya. Wala naman siyang nagawang kasalanan sa akin o sa nakaraan ko eh. Someone from the past — which I can't actually picture out
— flashed in my mind when I ate that dish. Masiyadong napalalim ang pag-iisip ko at hindi ko napansin na umalis na si Cara ng dining area. napahampas na lang ako sa noo ko at padabog na umalis ng bahay.
Nagpunta ako sa isang bar sa red light district kasama ang mga kaibiga ko. Sina Danger, Miguel, Jai at Ethan. Sila yung mga kabarkada ko simula pa noong college days pa namin. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko 'tong mga ito. SIkat sila bilang mga tarantado, chickboy, at filthy rich bachelors of the city, na hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. Habang ako naman, eto bagong kasal at may babay on the way na.
"Oh pare! Kumusta ang bagong pikot?" Kantyaw sa akin ni Danger.
"Wag nga kayong tanga. Kapag hindi kayo umayois, matutulad kayo sa akin," pananakot ko naman sa kanila.
Natawa lang sila sa akin at lalo pa akong pinagkatuwaan. Pero mayroon ako biglang naalala.
"Miguel, kamusta na nga pala yung chicks mo na si Venice? Diba sa kumpanya ko yun nagtatrabaho?" Pag-uurirat ko naman.
"Hoy pare, ang chismoso mo ha. Pero, back to your question, wala akong pakialam dun no! Kaya nga 'chicks' ang term diba at hindi 'girlfriend'?" Pagdepensa niya naman.
Pakipot pa ang gago.
"Ang alam ko kaibigan ng asawa mo si Venice," out of the blue-ng sinabi ni Danger.
Ha? Talaga?
-
Cara's POV
Gagawin ko lahat, maalala mo lang ako. Kahit na isakripisyo ko ang nararamdaman ko at puro pasakit na lang ang maramdaman ko, titiisin ko para sayo, Alejandro.
~
Beautiful's Note
Sorry dahil napakatagal ko bago nag-update. Hehe. Kahit na wala naman nag-aabang ng update ko. Charotera.
Yung nga palang si Jai. Ang pronounciation nun ay 'Jay or Jey' somewhat like that. Baka kasi ang iba sa inyo ang pron. ay Jai. As in Jai talaga.
Yun lang. Pasensiya ulit sa matagal na update.
Maari po bang humingi ng comment at votes? Salamat!
Signing off, Lyn <#
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General Fiction[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...
