Moment 10

707 12 0
                                        

A/N Salamt sa mahabang paghihintay! Slrry kung natagalan ha? Kasi po may training po ako ng Football everyday tapos 7 o'clock na ako nakakarating ng bahay. Idagdag niyo pa ang masakit kong katawan. Haha! Medyo sad yung chapter na 'to. Bear with it! Haha! Labyu! xx

Alejandro’s POV.

Nagbantay ako sa kaniya buong araw. Hindi ko maalis sa sarili ko na mag-alala. Malay ko ba kung may mangyaring masama sa mag-ina ko? Ngayon-ngayon ko lang napagtanto na napakalaking gago ko talaga. Naging mabait naman si Cara sa akin, pero ano ang ginawa ko? Sa bawat araw na inilalagi niya kasama ako, lagi ko na lang siyang sinasaktan. Ni hindi ko nga alam kung may araw na dumaan na hindi siya nasaktan eh.

Sa sobrang pagod, unit-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko at kalauna’y sumara na rin ng kaniya.

-

“Wala kayong magagawa! Mahal na mahal ko siya at kaya ko siyang ipaglaban sa inyo!” Sabi ng lalaki sa panaginip ko. Pakiramdam ko’y kilala ko ang mga tao sa panaginip na ‘to, pero hindi ko lang talaga mawari kung sino-sino ang mga ito.

“No! Ayoko siya para sayo! Kailanma’y hindi nagtatagpo ang langit at lupa! Mayaman ka, hampap-lupa lang siya!” Sigaw naman ng isang tinig babae. Ano ba ang pinagtatalunan ng mga ito? Wala akong maintindihan!

Akmang papalabas ang lalaki nang muling sumigaw ang babae, “Don’t you dare step a foot out of that door, young man! Hindi  mo alam kung ano ang kaya kong gawin!” Pagbabanta nito.

Tumingin ng nanlilisikang lalaki sa babae at sinagot ito, “Hindi niyo rin alam ang kaya kong gawin. I can live without you. Lumaki ako ng wala kayo kaya magagawa ko ring mabuhay ng mag-isa ng walang hinihinging tulong mula sa inyo.” At doon ay tuluyan nang lumisan ang lalaki papaalis ng bahay.

Bigla-bigla na lamang nagbago ang eksena. Kanina’y nasa bahay lamang ang napapanaginipan ko tapos ngayon nama’y nasa kalsada na ito.

“Huwag mo akong iwan! Mahal na mahal kita, parang awa mo na! Ipinaglaban kita sa kanila, bakit hindi mo ako magawang ipaglaban? Binigay ko ang lahat-lahat para sa ating dalawa! Huwag mo akong iwan, Mahal ko!” Umaagos na ang luha ng lalaki sa mga pisngi nito habang nakaluhod at hawak-hawak ng dalawa pang lalaking naka unipormeng pangbodyguard.

Kasalukuyan na ring umaagos ang luha ng babae pababa sa matambok nitong pisngi. Kitang-kitang hirap na hirap ang babaeng iwan ang lalaki subalit may pumipigil ditong bumalik sa binata. Sa huling pagkakataon ay tumingin ang babae sa kinaroroonan ng lalaki. Bakas nab akas ang hirap sa mukha nito. Pinilit na nito ang sariling iwan ang lalaki. Agad siyang sumakay ng kotseng kanina pa naghihintay sa kaniya at hindi na muli pang tumingin sa nakaluhod na kasintahan.

At sa isa pang beses ay nagpalit ang eksena.

“Bumalik ka! Akala ko ay iniwan mo na ako!” Agad niyapos ng mahigpit ng lalaki ang babae at pinaghahalikan ito sa mukha. Hindi maipagkakailang masaya ang lalaki sa pagbabalik ng babae at umaagos na ulit ang luha na nanggagaling sa mga mata nito.

“Akala mo ba ay gan’on-gan’on na lang kita iiwan? Hindi no! Mahal na mahal kaya kita! Yung nangyari noong isang araw, palabas lang ‘yun! Ikaw pa ba ang matiis ko?” Ngumiti ang babae ng pagkatamis-tamis at hinalikan ang lalaki sa labi.

Nagulat naman ang babae sa sumunod na sinabi ng lalaki, “Itatanan na kita. Mabubuhay tayo ng mapayapa kasama ang mga magiging anak natin. Magpapakalayo-layo na tayo dito, Mahal ko. Mahal na mahal kita. Tandaan mo ‘yan. Iyan ang dapat mong pakaingatan, ha?”

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon