A/N: Bilis ko mag-update no? Wala lang. Medyo masaya at inspired kasi ako eh. Haha! <edyo biglaan ba yung events? Huhu sorry :(( Basta keep on reading please? Yun lang naman eh atsaka yung encouraging comments from you guys eh. Geh read on na :)) I love you guys :3 Basta updates depend on my mood and how hectic my schedule is. Dedications on my message box :)) Since ikaw yung unang nag-follow saken, (ako kasi yung isa) idedeciate ko ito sayo. Haha trip lang xx
Chapter 4
Walang nakaalam ni isa tungkol sa kasal namin maliban na lang sa kaibigan slash secretary niyang lalaki. Napakalamig sa akin ni Alejandro habang nagaganap ang civil wedding nain. Halatang halata wala siyang natatandaan o nararamdaman pa para sa akin. Pero gaya nga ng sabi ko, gagawin ko lahat para sa batang ito. Kahit na ang ibig sabihin nito ay isakripisyo ko ang kalayaan ko at pumasok sa isang loveless marriage.
_
Matapos ang kasal ay agad-agad kaming lumipad pabalik ng Pilipinas. Meron daw kasing business meeting na importante at hindi niya ito pwedeng makaligtaan. Idinagdag pa niya na mas mahalaga pa ito sa walang kwentang kasal namin.
“Umuwi ka na sa inyo. You still need to pack your things,” bigla niyang sabi.
Tila naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Masiyado kasing naging mabilis ang mga pangyayari na parang hindi na ako makahabol sa sobrang bilis. Parang kahapon lang eh pinaghiwalay kami ng magaling nitong mga magulang.
“H-ha? Bakit ko kailangang mag-impake?” Tanong ko.
Nakunot ang noo niya at noong narealize niya kung ano ang sinabi ko, natawa lang siya. “Ano ka ba? Ikinasal ka lang naging makakalimutin ka na? Hindi mo ba natatandaan yung sinabi ko sayo sa office na lilipat ka na sa akin?” Itinaas niya ang isa niyang kilay.
“Eh bakit ikaw? Ikaw kinalimutan mo agad ako. Ang ganda kaya ng ating pinagsamahan. Bakit ganoon mo lang kadaling nakalimutan yun?”
Parang natauhan naman ako dahil tiningnan niya ako ng isang nagtatakang tingin.
“Did I say something bad?” Tanong ko.
“Nothing. I will just drop you off your building,” sabi niya.
Mukha talaga siyang naguguluhan. Did I say that out loud? Siguro naman ay hindi dahil kung narinig man niya ito, magtatanong siya. Kilala kasi siya namapang-usig na tao lalo na sa mga bagay na involved siya. Masiyado talagang malaki ang ipinagbago niya kahit pagdating sa akin.
-
Alejandro’s POV
Anong nakalimutan? As far as I can remember eh ngayon ko lang siya nakita o naencounter. Isa sa mga bumabagabag sa isip ko ay kung papaano ko siya nabuntis eh gayon namang ngayon lang kami nagkita nito. Hindi ako maaring magkamali. Kilala ko lahat ng mga babaeng naikama ko na and none of them was her. Pero bakit ko ba siya pinagbigayan? Why did I make way for her to be part of my life? I don’t let people become emotionally attached to me, not even my friends. Something inside me tells me to go on, continue what you are doing but surely, I am completely puzzled.
I quickly grabbed my phone and dialed my secretary’s number.
“Gary, search for all possible information about Ms. Cara Santillan. I want it tomorrow morning.”
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General Fiction[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...
