A/N: Hi @zxccvbnm! Thank you for inspiring me to do this chapter! Na-overwhelm talaga ko sa mga votes and comments mo. Haha! Nag-inbox ka pa sa akin! Thank you for greeting me during my birthday! This is for you :) Hope you like it :)
The longer version is in private. Please click the external link. You need to be a follower to view the Private Chapter. Hindi siya makakaapekto sa flow ng story. The private chapter is for my fans :) I suggest that you don't follow me just to read it. :)
Matapos ang away naming y’on, umalis siya kasama si Alyssa. Matapos din ang away naming y’on, bumalik ulit kami sa dati naming sistema. Madalang na madalang na siyang umuuwi dito sa mansion nila sa Tarlac.Siguro marahil ay bumalik na naman siya sa trabahao. Matagal-tagal na rin naman kasi siyang namalagi dito at tambak na ang naiwanan niyang trabaho sa Maynila. Ilang buwan na rin simula n’ong umalis siya dito at hindi niya alam kung gaano ako nahihirapan. Bakit ba naging ganito ka kumplikado ang lahat?
Maya-maya pa’y nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na nagmumula sa labas. Alejandro! Sigaw ng utak ko. Sa paghahangad kong makausap siya, tinakbo ko ang pinakamain-door ng mansion. Kailangan ko na siyang makita! Hindi ko na kaya! Muntik pa akong matumba nang buksan ni Alejandro ang pinto. Hahawakan ko n asana siya ng bigla siyang naglakad papunta sa kwarto niya.
“Alejandro! Kumusta? Gusto mo ba ng kahit ano? Juice? Coffee? Kumusta ang work? May gust—“ tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita pero pinutol niya lang ako na may pagod na mukha.
“Pwede ba, Cara? Tantanan mo muna ako? Kailangan ko pang puntahan si Alyssa,” nagmamadali niyang tugon.
Alyssa? Alyssa na naman? Kailan ba siya mauubusan ng hininga para baybayin ang pangalang Alyssa?
“Alyssa? Pwede ba Alejandro, ako naman? Sawang-sawa na ako sa kakarinig sayo ng pangalan ni Alyssa na parang sirang plaka! Nasasaktan na ako! Si Alyssa na lang palagi ang bukambibig mo! Paano naman kaming dalawa ng anak mo ha? Wala ba kaming importansya sayo?”
Sa bawat salitang binibitawan ko ay parang karayom na tumutusok ng isa-isa sa puso ko. Hindi ba pwedeng kahit ilang segundo man lang ay kalimutan muna niya si Alyssa?
“Sino naman bang may sabi na masaktan ka? I did not ask you to fall in love with me in the first place. Kailangan ko lang panagutan yang dinadala mo. Ni hindi ko nga alam kung akin talaga yan eh!” Buwelta naman niya sa akin.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko. “Letse namang buhay ‘to! Bakit mo pa ako pinaksalan kung sa una pa lang ay pinagdududahan mo na na anak mo ‘to? Gago’t kalahati ka rin ano? Pwede mo namang sustentuhan na lang ang batang ‘to kung napatunayan mang sa’yo ito! Bakit kailangan mo pa—akong—idamay?” Gigil ko.
Huminga ng malalim si Alejandro at hindi nagsalita ng ilang segundo. Matapos iyon ay tumingin siya sa akin ng matiim na animo’y mangangain ng tao sa ilang sandali.
“Pwede bang itigil mo na yang pagbubunganga mo? Nakakarindi na! Tapos na ang usapang ‘to. Pupunta ako kay Alyssa and that’s final.” Tumuloy siya sa paglalakad ng mabilis papunta sa kwarto niya. Hindi siya maaaring umalis! Nang nasa may pintuan na si Alejandro, hinaglit ko ang kamay niya para humarap siya sakin. Bakas ang pagkairita sa makinis niyang mukha. Wala akong pakialam. Basta dito ka lang.
“Kahit ngayon lang, please? Dito ka muna sa tabihan ko,” nagsusumamo akong tumingin sa kaniya. Unti-unti ko ng itinaas ang isa kong kamay at hinaplos-haplos ang malalambot niyang pisngi. Mula sa pagkainis ay napalitan ng pagkataranta ang emosyong bumabalot sa mukha niya.
“A—Ang init mo!” Hindi siya magkamayaw sa pagdampi ng mga palad niya sa leeg at noo ko. Pero, iniling ko lang ang ulo ko atsaka sumagot, “Hayaan mo na. Wala yan ‘no! Malayo yan sa bituka!”
Napa-‘tsk’ naman siya at saka ako pinaglitanyahan, “May lagnat ka! Paanong wala lang ‘yan?” Umiling na lang ulit ako saka nagseryoso ng mukha.
“If I asked you, would you stay?”
Natigilan siya.
Dumaan ang ilang minute pero hindi pa rin siya sumasagot. Huli na ba ako? Wala na ba talaga akong pag-asang maibalik ang Alejandro ko? Tumalikod ako ng hindi tumitingin sa mga mata niya at naglakad ng paunti-unti ng nakatalikod sa kaniya. Pakiramdam ko’y mawawalan ako ng balanse kahit anong oras.
Tumalikod sap ag-asang maari ko pang mabawi ang dating Alejandro.
Pero…
Sa hindi ko inaasahang pangyayari, may bigla-bigla na lamang humablot sa akin at dumampi ang mga kamay sa magkabila kong pisngi. Para akong matutumba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong lumulutang sa ulap. Napakasarap ng pakiramdam.
Noon ko lang napansin na magkadikit na ang mga labi naming at sumusunod sa isang ritmo at musika na kaming dalawa lang ang nakakarinig.
_
Private :)
_
Saya. Saya ang nadarama ko dahil sa unang pagkakataon, matapos ang ilang buwang pagsasama naming sa kabila ng pagkalimot niya ay nasabi niyang mahal niya ako. Hindi ko alam kung dala lamang ba ito ng pagkakataon pero ito, ito na lamang ang panghahawakan ko.
Kaya ko pa.
_
Ikinulong ako ni Alejandro sa bisig niya habang ang ulo ko ay nakasiksik lamang sa ilalim ng ulo niya. Ito marahil ang pinakatahimik at pinakamapayapang tulog ko simula noong maaksidente si Alejandro. Sana manataili kang ganito.Ibinaling ko ang ulo ko at saka tinitigan ang natutulog na si Alejandro.
“Sana Alejandro, hindi ito ang huli na makikita kong ngumiti ka dahil sa akin. Mahal na mahal kasi kita. Lahat ng naging effort at pagihihirap mo, ibabalik ko sayo. Ako naman ngayon ang mag-eefort para sayo.” Bago magtapos ang gabi, hinalikan ko siya ng huling bese bago natulog kasama ng lalaking nagpatibok at nagpapatibok ng puso ko.
***

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiction générale[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...