Prologue

1.3K 10 0
                                    

Masaya  na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang mundong noo’y pinahahalagahan ko, ngayon ay tila ako’y parang isang estranghero sa kaniyang paningin. Ni isang sulyap ay hindi niya ako matapunan. Para bang ang lahat ng nangyari sa amin ay isang madilim at masalimuot na pangyayari lamang sa kaniya. Ginulo nila ang utak niya at pinaniwala na wala pang nagmamahal sa kaniya tulad ng ginawa kong pagmamahal sa kaniya. Dahil dito’y tila naibaon na ang lahat sa limot. Ngayon, ako’y parang isang desperadang babae na gagawin ang lahat lahat upang makasama lang muli ang minamahal.

Ako si Cara Mendez-Fortalejo at ito ang kwento ng aking pagiging desperada.

Wala akong maalala. Ni katiting ay wala. Ang huli ko lang naaalala ay ako na nakaratay sa kama sa loob ng ospital. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na hindi ito simpleng disgrasya lamang. Sinabi nila sa akin na nadisgrasya daw ako habang papunta sa isang business meeting sa Baguio. Naniwala naman ako. Sinabi rin nila na ako daw ay isang successful business man. Naniwala na naman ako. Siguro naman ay hindi sila nagsisinungaling.

Ako si Greg Alejandro Fortalejo at ito ang kwento ng buhay ko.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon