Alam kong galit kayo sa akin kasi ang tagal na, wala pa ring update. HAHA! Nag-Christmas eh. Magagawa natin? XD Anyways, this chapter is just short but suit yourself. :)
Cara’s POV
Bakit ganun siya? Hindi niya ba ako kayang respetuhin man lang? Papayagan ko siya sa gusto niyo if it will make him stay by my side. Magpapakamartir na ako. Basta nasa tabi ko lang siya, ok na. Basta respetuhin niya lang ako. Para sa anak ko ‘to. Idinantay ko ang bisig ko sa nook o at napag-isip-isip. Paano ng aba nagsimula ang lahat ng ‘to? Atsaka paano ako napasok dito?
-
September 04, 2000
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko para sa next subject ko. Hindi ko napansin na napaidlip pala ako kaya heto ako ngayon at nagmamadaling kuhanin ang lahat ng gamit ko. Ang tanga-tanga ko talaga! Dali-dali akong lumabas ng room pero sa ‘di inaasahang pangyayari, may bumangga sa akin.
“Ano ba! Kita mo namang may kasalubong ka tapos babanggain mo ako? Tanga ka ba o bulag lang? Gago ‘to,” sabay dampot ng mga gamit na nahulog ko.
“Sorry, Miss. Hindi ko naman sinasadya. Napakawild mo naman,” tila may tono ng pagkatuwa sa kaniyang boses.
Biglang napaangat ang ulo ko sa narinig. May sapak ata ‘to ah! Siya pa ang may ganang mang-inis gayung siya ‘tong nakaperwisyo? Baka naman takas ‘to sa mental? Kanina pa siyang ngising-ngisi tapos hindi niya man lang tanggalin sa akin ang tingin niya! What a pervert!
“Baka gusto mong dukutin mo yang mata mo mula diyan sa pinagkakabitan niyan?” Tumayo ako at tinaasan ng middle finger ito sa pagitan ng mata niya. Magtanda siya. Hindi porket scholar lang ako sa school na ‘to ay gaganituhin na lang ako ng mga letseng mayayamang estudyante dito. Hindi ako papayag!
_
Laking pasasalamt ko nang hindi ako nalate! Masama pa naman yung ugali nung professor ko sa sunod na subject.
“Carabao!” Hingal na hingal na sinabi ni Venice at itinuloy, “Hintayin mo ‘ko!”
San naman nanggaling ‘to? Talagang tumakbo pa siya ng naka-heels! Mayayaman talaga, nakakairita! Pwede naman nilang tanggalin yung heels nila at tumakbo ng yapak, diba? Hindi yung hahayaan nila ang sarili nila sa posibilidad na mabalian sila ng paa.
“Tanga ka ba? Baka gusto mong mabalian ng paa? Bakit k aba tumatakbo ng naka-heels? Papatayin mo ba ako sa nerbyos?” Galit kong paglilitanya.
Siniringan niya lang ako atsaka inayos ang sarili niya. Kahit naman mayaman ‘to at galit ako sa tulad niya, there’s always an exception, sabi nga nila. Simula n’ong pumasok ako dito, naging mailap ako sa kaniya. Hindi ko siya kinakausap at pilit ko siyang pinalalayo sa akin, pero naging mapilit siya. Kaya heto kami at naging matalik na magkaibigan. We look out for each other like sisters.
“Halika! Ipapakilala kita doon sa kabarkada ng kuya ko! Gwapo! Baka sakaling magkaboyfriend ka na!” Sabay pa niyang talon sa kilig. Landi! May pagkaharot talaga ang babaeng ‘to. Hindi ko nga alam kung paano ako nito napapayag na maging kaibigan.
Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakaladkad na pala ako ng kaibigan ko. Nagpadala na rin ako kaysa naman makipaghilahan pa ako sa kaniya. May sa pagkamantika ito kung kumapit.
_
“Alejandro! Meet Cara Mendez, my best friend. Cara, meet Alejandro, my brother’s friend.”
Nakatalikod ako nang sabihin iyon ni Venice kaya hindi ko nakita ang mukha nung sinasabi niyang Alejandro. Masiyado akong naoccupy sa ginagawa ko sa Nokia 3310 kong cellphone kaya hindi ko napansin si Venice.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción General[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinaghiwalay nila kami. Napakaganda ng araw na yoon para samin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat. Ang...