Alex pov
Bumaba na ako na may ngiti sa labi. Grabe di ko talaga Inaasahan na magiging kami na.
Yup mag jowa na kami official na hehe..
"Good morning anak parang Ang ganda ng gising mo ah." Nakangiting Saad ni mama at inilapag nya sa lamesa Yung pagkain.
Humalik ako sa pisnge at umupo.
"Syempre naman may magandang nangyari kahapon eh." Kinikilig na Saad ko.
Ngumisi si mama at kinurot Ang pisnge ko.
"Sus, may boyfriend ka na noh?" Nang-aasar na Saad nya, ngumisi ako sakanya at umiling.
"Wala ako boyfriend kundi may girlfriend na ako." Nakangiting Saad ko. Kita ko pag ka bigla nya at nanlaki mata nya kaya natawa ako.
"We di nga?! Totoo? Di ba Trans-woman ka na syempre lalaki Ang gusto mo at Hindi babae!" Hindi mapaniwala Saad nito natawa ako at napailing.
Sabi na eh Hindi maniniwala si mama eh.
"Opo. Totoo kahapon lang naging kami ma, lalaki parin naman ako noh may junjun pa kaya pwede pa ako makabuntis." Nakangisi Saad nito kaya binatukan ako.
"Nako bata ka! Aba sino naman yang Malas na babaeng yan?"
" ma naman! malas talaga? Pwede bang swerte? Tsk."
"Sagutin mo Ang tanong ko bata ka sino girlfriend mo?" Tanong pa nya ulit kaya napa kamot ako ng ulo.
"Si coesha po." Sagot. Bigla itong nabulunan at sumigaw na...
"T4ng 1n@?! Seryoso ka ba? Hahah nag papatawa ka ba eh diba ayaw mo sakanya?!" Natatawang Saad nito
Kaya nag pout ako at sinamaan ko S'ya ng tingin. Grabe naman si mama na mura pa ako at pinag tawanan tsk.
"Tsk ayaw pa maniwala gusto mo papuntahin ko dito eh."
"Sige nga papuntahin mo para maniwala ako." Nakangisi Saad ni mama kaya napairap ako at tinext si Coesha.
"Oy oy Alex totoo ba narinig ko sa labas girlfriend mo si Coesha?!" Sigaw ni tonio Kaya gulat kami napatingin sakanya.
lumapit si mama kay tonio at piningot at napa aw ito.
"Grabe ka naman saakin tita parang di mo naman ako pamangkin."naka nguso Saad ni tonio
"Bigla bigla ka kasi sumisigaw dyan eh!"
"Sorry naman tita, eh nagulat ako sa narinig ko eh. Pero Alex totoo ba na kayo na ni coesha?" Saad ni Tonio at tumingin saakin kaya tumango ako.
"Kung kayo na, so ok na kayong dalawa? Hindi ka na Galit sakanya?" Tanong nya pa
"Magiging kami ba kung Hindi? Common sense naman tonio oh!" Inis Kong Sabi.
"Tsk grabe kayo saakin! Osya alis na nga ako pareho kayo ni tita na mainit ng ulo." Saad nito at napakamot ito sa batok at umalis.
Napailing na lamang si mama.
Sinilip ko yung phone ko kung nag reply na ba si Coesha pero Wala parin ako natanggap mula sakanya.
Coesha pov
"Mom dad, kami na ni Alex." Amin ko biglang nasamid si dad.
"Who Alex?" Saad ni mommy habang nakataas ng kilay.
"Ahmm basher ko po." Mahinang Saad ko
"What?! Basher mo?! Paanong nangyari yun?!" Gulat na Saad ni dad.
"Hmm mahabang kwento dad eh kahapon lang kami naging kami." Kwento ko.
"Anak Hindi Kita pinipigilan na makipag relasyon pero, anak nasa piligro Ang buhay natin." Saad ni mom kaya napakunot noo ako.
"What the heck mom! Ano nanaman Ang problema!?" Inis Kong Sabi. Banaman kasi minsan na nga lang mag Mahal mag kakaroon pa ng problema.
"Basta anak makinig ka na lang, para saiyo naman ito eh, ikaw Ang target Nila." Napa maang ako sa narinig ko.
"Bat nadamay ako? Ano ginawa ko?"
"Wala, pero nakalimutan mo na ba?"
"Anong nakalimutan?!" Inis na sigaw ko nabigla ako sa pag sigaw ko
"Calm down, coesha." Sita saakin ni dad kaya napahawak ako sa sintido ko.
"Ano ba gusto nyong iparating saakin?" Cold Kong Sabi.
"You need to break up to Alex. Para sa kaligtasan naman nya yun eh." Saad ni mom
"Pero why?! Bat ba talaga ako na damay?!"
"Kasi ikaw Ang nakaka alam Ang sikreto ng mga Montefalco. Isipin mo kung nakalimutan mo." Saad ni mom kaya napakunot noo ako.
Montefalco?
"Coesha, alam kong mapag kakatiwalaan Kita. Wag mong sasabihin kung saan nakatago Ang kayamanan ko at ang pinaka mamahal Kong anak." Mr Montefalco
"Sino po ba Ang anak mo?"
"Si Alexander Montefalco. Ibinigay ko ang anak ko sa pinag kakatiwalaan ko ding tao at S'ya din nag aalaga simula noong una. Kung mag kikita man kayo ng landas ay protektahan mo ito at wag mong hahayaan ilapit sa mga Wilson Ang anak ko dahil gagamitin Nila Ang anak ko alangalang sa kagustuhan Nila." Saad ni Mr Montefalco
"Pero..."
"Please coesha, kahit anong oras ay maari na ako mawala sa Mundo at ikaw at Ang iyong ina lamang Ang aking pinag kakatiwalaan. Gusto ko ilayo mo Ang anak ko."
Napabuntong hininga ako. Naalala ko na, pero Hindi ko alam kung anong itsura ni Alexander eh. Paano ko ma proprotektahan iyon?
Si Mr Montefalco ay isang sikat na business man at scientist. Alam ko Ang sikreto kung paano humaba Ang buhay na di nag babago Ang itsura. Parang immortal ba.
"Naalala mo na ba?" Tanong ni dad. Malungkot akong tumango. Hinawakan ni mom Ang kamay ko.
"Si Alex cortez Ang girlfriend/boyfriend mo diba? Sya si Alexander Montefalco Ang tinatagong anak ni Mr Montefalco." Saad ni mom nanlaki mata ako
Si Alex at Alexander ay iisa? P-paanong?
"Kung gusto mong protektahan si Alex you need break up to her/him. Gagamitin Nila si alex laban sayo lalo na mag kasintahan kayo Hindi malabong Hindi malaman ng mga Wilson na si Alex at Alexander na hinahanap Nila ay iisa. Kaya mag iingat ka. Kailangan mo lumayo Kay alex." Saad ni mom napailing ako napasabunot sa buhok.
"What the hell mom! H-hindi ko kaya na mawala saakin si Alex, Mahal ko na S'ya eh tapos ganito Ang mangyayari? Pwede naman tago na lang relasyon namin."
"No! Lalo na sikat ka Coesha! Buti na nga lang naging Trans-woman na si Alex dahil Ang alam nila na si Alexander ay isang lalaki. Mahihirapan din sila hanapin Ang anak ni Mr Montefalco kung lalayo ka sakanya." Saad ni mom kaya napa tayo na lamang ako.
"I will think about it mom, sorry I need to go now." Cold Kong Sabi at umalis.
Kung kelan naging kami na ni Alex saka na lamang dadating Yung problema. Inaamin ko may balak ako saktan si alex pero dati yun, ngayong Mahal ko S'ya ay ayaw ko syang saktan. Dahil Mahal ko S'ya.
***
A/n thanks for reading
BINABASA MO ANG
My number 1 Basher
RomanceSa buhay natin Hindi talaga natin maasahan na may mangyayari di mapaniwala. Yung basher mo naging jowa mo na? Pero magiging masaya ba kung dadating Yung araw na kailangan mag hiwalay? Sa pag katao ni Alex ay Hindi nya pa lubusan kilala Ang sarili n...