chapter 4✔️

235 9 8
                                    

Alex pov

Na alimpungatan ako dahil sa ingay kaya napa upo ako at kinusot kusot ko Ang mata ko.

Nag hilamos muna ako bago bumaba.
Pagkababa ko ay nakita ko sila mama at kuya Charles nag aaway.

"Ano banaman charles! Di ka na nga makatulong sa pamilya natin nag dagdag ka pa ng suliranin!" Sigaw ni mama. Napakunot noo ako. Kay aga aga nag aaway.

Napansin kong may naka upo na babae at umiiyak. Di ko S'ya kilala siguro girlfriend S'ya ni kuya.

"Ma! Ano pa ba magagawa ko? Nangyari na eh! Wala ako trabaho at di ako nakapag tapos ng pag aaral! Kaya di ko kaya buhayin Ang pamilya ko!" Sigaw ni kuya kay mama. Pinag hahampas Sya ni mama ng walis.

"Kung Sana nag aral ka ng mabuti edi may maganda kang trabaho! Ano papakain mo dyan sa mag ina mo?!"

"Nandyan naman si alex eh! Nanghihingi na lang ako sakanya." Saad nito. Napailing na lamang ako, kahit kelan talaga si kuya. Masyadong pabigat saamin. Lahat na lang I aasa saakin.

"Ano mangyayari dito? Kay aga aga Ang nag sisigawan kayo dyan?!" Iritang Saad ko kaya napatingin sila saakin. Lumapit ako at tumabi ako Kay mama

"At tiyaka kuya anong manghihingi saakin? May kamay at paa ka kaya mag trabaho ka lahat na lang I aasa mo saakin." Saad ko.

"Mayabang kang bakla ka ah! Di porket nakapag tapos ka ng pag aaral at may magandang trabaho ginaganito mo ako." Inis na Saad ni kuya pero inirapan ko ito.

"Kung Sana nag aral ka mabuti edi may magandang trabaho ka. Sinayang mo eh puro barkada ka kasi." Cold kong sabi. Akmang susuntukin ako ni kuya na biglang sumigaw si mama.

"Tama na nga! Ano ba charles! Di ka talaga titigil?! Tama naman kapatid mo eh!" Saad ni mama kay kuya. Sinamaan ako ng tingin ni kuya at hinawakan nya yung braso ng babaeng nakaupo at umalis na sila.

Napa buntong hininga ako at napaupo.

"Wala talaga kwenta yang kuya mo! Lahat na lang I aasa!" Naiinis na Saad nito at napailing iling ito at umupo sa upuan sa hapag kainan kaya umupo din ako doon.

"Ano pa ba ang nangyari ma? Bat kayo nag sisigawan ni kuya?" Tanong ko. Napailing ito.

"Naka buntis kuya mo. Tsk di na nga nakapag aral at wala din S'ya trabaho nakabuntis pa."Saad nito kaya nanlaki mata ako.

"Matanda na yang si kuya bahala na S'ya sa buhay nya kung paano nya mapapakain yang mag ina nya, basta ako labas na ako dyan." Sabi ko. Napailing na lamang ako at kumain.

***

Nakarating na ako sa company at nasa mini office ako ngayon. Inilagay ko yung bag ko sa gilid at umupo na ako. Pansin ko lng ay sobrang busy Nila.

"Hi babe!" Nagulat ako dahil may sumulpot na kabote. Kita ko si jon,sikat na youtuber at may asawa. Inirapan ko ito at Inayos ko Ang upo ko at binuksan ko ang laptop ko at kumuha ng bond paper.

"Grabe naman babe! Di mo man lang ako pinapansin." Nakangusong Saad nito.

"Alam mo kikiam, tigil tigilan mo ko ok? Baka nakakalimutan mong may asawa ka na?" Mataray na Sabi nito pero inirapan nya ako.

Ano ba kasi ginagawa nya dito? Di naman Sya dito nag tratrabaho?

"Grabe naman babe! Alam kong may asawa ako pero syempre mas gusto Kita." Nakangisi Saad nito. Pinakita ko sakanya ang pang didiri na mukha.

"Madiri ka nga sinasabi mo!" Naka ngiwing saad ko.

"Hoy jon! Umalis ka na nga dito! Nag hatid ka lang ng t-shirt tapos lalandiin mo pa kaibigan ko!" Malditang Saad ni tina kaya napatingin kami.

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon