Chapter 18✔️

157 7 2
                                    

Alex pov

Limang taon na nakalipas na namatay si Coesha at 5yrs naging successful Ang career ko bilang model, naging masaya naman ako pero nandito parin sa puso ko Ang sakit na nawala si Coesha. Gusto ko s'ya madalaw pero di ko alam kung saan ko Sya hahanapin dahil limang taon at di ko pa s'ya nakikita.

Naka upo ako ngayon at nasa pinaka taas ako ng building at naka tanaw sa kawalan.

Napalingon ako dahil may tumawag saakin. "Alex! Kanina pa Kita hinahanap nandito ka lang pala." Saad ni Lorenzo na ex-boyfriend ko. Dalawang taon s'yang nanliligaw ulit saakin pero di ko Sya sinasagot dahil Wala na ako nararamdaman para sakanya. Masyado Kasi syang desperado na makuha nya ako eh.

Pag nasa tabi ko si Lorenzo at parang di maganda Ang kutob ko sakanya eh, laki ng pinagbago nya.

Kaya ko di ko pa Sya sinasagot dahil natatakot ako na saktan nya ulit ako at tiyaka Wala na ako nararamdaman para sakanya, hanggang kaibigan na lang.

Ngumiti lang ako ng pilit at tumingin ako sa ibaba at pinapanood ko mga kotse dumadaan. Naramdaman ko pag tabi nya saakin at ramdam ko pag titig nya saakin.

"Hmm Alex may problema ka ba? Parang mukha matamlay ka ah." Tanong nito. Sumulyap ako sakanya at umiling. "Ayos lang ako wag mo na lang ako pansinin." Sagot ko.

"Alex..."

"Hmm?"

"Kelan mo ba ako sasagutin? Eh dalawang taon na ako nanliligaw sayo." Saad ni Lorenzo. Napabuntong hininga ako at humarap sakanya hinawakan ko Ang kamay nya at malungkot ako tumitig sa mga mata nya.

"Sorry Lorenzo pero, di ko pa kayamg mag Mahal ulit. Natatakot ako na gawin Mo ulit saakin Yung ginawa Mo noon." Malungkot Kong Sabi, hinawakan nya Ang pisnge ko.

"Alex... Sorry sa ginawa ko noon, di ako mag sasawang humingi ng paumanhin sayo, Sana mapatawad mo ako. Promise di Kita sasaktan ulit." Saad nito. Dahan dahan kong inalis Ang kamay nya sa pisngi ko.

"Lorenzo, di ko kailangan ng promise mo, Wala na ako nararamdaman sayo ayokong masaktan Kita at umasang mamahalin Kita, madami pa naman iba dyan pwede sila na lang mahalin mo?" Saad ko umiling ito

"Alex please di ko Kaya, ikaw lang Ang gusto ko." Matamlay nyang Saad, ngumisi ako

" talaga ba? Kaya pala nakita Kita noon may kasamang iba at Sabi mo saakin na Sya Ang gusto Mo at di ako? HA HA nag bago yata Ang ihip ng hangin ah. Sorry pero yang mga salitang mong yan mas lalo mo pa ako binibigyan ng rason na di ka sagutin." Saad ko. Tumayo ako at akmang tatalikod na hinawakan nya Ang braso ko.

"Sorry Alex... Di ko intention na saktan ka." Ngumiti lang ako. "Matagal na tapos saatin dalawa na di na maaring ibalik pa." Saad ko at tuluyan na ako lumisan at bumalik sa studio.

***

Nasa studio na ako at hinahanap ko si Joman, nakita ko s'ya may kausap na babae pero nakatalikod ito pero pinag tataka ko lang ay naka suot pa ito ng sombrero. Pero di ko maalis Ang tingin sa babae kausap ni Joman, parang familiar s'ya.

"Alex! Aba kanina pa ako sigaw ng sigaw dito aba ba't ka ba naka tunganga dyan?!" Nabalik ulirat ako at napatingin Kay Joman. Ngumiti ako sakanya. "Sorry naman, ano ba sinasabi mo?" Saad ko pero inirapan lang nya ako.

"Wala! Tsk ba't ka ba nakatitig sa babaeng kausap ko? Bakit may problema ba?" Tanong nito, umiling ako.

"Wala naman pero parang familiar s'ya eh. Parang nakita ko na s'ya. Sino ba kausap mo?" Saad ko hinawakan nya Ang kamay ko.

"Wag mo na lang pansinin yun, nag tanong lang s'ya pero di ko s'ya kilala." Saad nito at napaiwas ng tingin. Sumulyap ako kung saan Ang pwesto ng babae pero Wala na Sya doon inikot ko Ang paningin ko at baka sakali makita ko Sya.

"Tara na, sakto lng Ang dating mo mag sisimula na." Saad nya tumango ma lang ako at hinatak nya ako papuntang dressing room.

***

Coshae Dy pov (Coesha Dizon Morales)

Nasa studio ako Nila Joman at ngayon kasama ko s'ya, dumalaw lang ako at nag pakita Kay Joman at pati Kay Alex. Alam Kong delikado pag nalaman Nila buhay pa ako pero siguro dahil limang taon na din naman ay di na Nila ako maalala at tiyaka nag matured na din Ang mukha ko.

Di Naman nyo ako masisi kung dadalawin ko si Alex pero di parin ako mag papakita. Naka suot ako ng sombrero at mask kaya di Nila makita Ang mukha ko.

"Buti naman nag pakita ka na saakin Coe- I mean coshae, miss na Kita!" Saad nito at niyakap nya ako. Ngumiti ako sakanya. "Miss na din Kita besh, sorry kung ngayon lang ako nag pakita at ngayon lang din ako nag karoon ng oras para makatakas." Saad ko tumango ito.

"By the way kumusta? Hinahanap ka parin ba?" Tanong nito tumango ako at napabuntong hininga. "Oo eh ewan ko ba kung hanggang kelan nila ako hahanapin nakakasawa na mag tago. Miss ko na si Alex." Malungkot Kong Sabi. Tinapik nya Ang balikat ko.

"Magiging maayos din Ang lahat tiwala lang."

"Salamat. Uhm kumusta na kayo? Binabantayan mo ba ng mabuti si Alex?"

"Ok lng kami, yup binabantayan pero nakakainis lang at lagi dumidikit si Lorenzo Kay Alex baka Kasi malaman nya..."

"Joman, hanggat di Nila alam ay wag na wag ka mag kwekwento wag mo ipag Sabi na isang trans si Alex." Saad ko tumango ito.

"Wag kang mag aalala ako na bahala don hanggat maari ay di ko ipag sasabi, siguro may mga iilan kilala na talaga si alex kaya nakiusap ako na wag sabihin pumayag Naman sila." Saad nito tumango ako "Mabuti kung ganun."

Bigla itong ngumiti sa bandang likod ko at ako naman napakunot noo. "Hoy Joman bat ka nakangiti?" Tanong ko "ah nandyan na pala pinaka mamahal mo. Gusto Mo ba Sya makausap?" Nang-aasar nasaad nito. "Gugustuhin ko man pero di pwede." Saad ko

"Osya, kailangan ko na asikasuhin si Alex dahil mag sisimula na Yung photo shoot nito at mag kakaroon Sya ng guesting." Saad nito tumango ako, nag paalam na ito saakin at lumapit na s'ya Kay Alex.

Gusto ko lumingon pero ramdam ko Ang titig nito mula sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis. Nag pasya ako na mag tago sa tagong lugar na di n'ya ako makikita. Kita mula dito ay parang may hinahanap ito. Ramdam ko pag patak ng luha saaking pisngi, miss ko na s'ya, naalala ko noon ay gusto ko s'ya pagtripan nagawa ko PA nga ipahiya eh, pero eto Mahal ko na Sya.

Hindi ko hahayaan na mapahamak pa siya, Hindi ko hahayaan na gamitin Sya ni Mr Wilson.

Nag simula na Ang kanyang pag shoot at kasabay pag pasok ni Lorenzo sa studio. Napayukom kamao ako, isa din Sya nag papahirap saakin. Isang beses nahuli nya ako kinulong sa abandong bahay nakatali at pinapahirapan muntik din ako mamatay noon pero buti na lang ay dumating si mom.

Di talaga s'ya titigil kakahanap saakin. Pero Alam Kong di nya alam Ang mukha ko dahil Yung time na yun at nag karoon ako ng madaming tigyawat at sobrang itim ko. Sinadya ko talaga yun, nag iiba Ang pustura ko para di Nila ako makilala.

Lahat ng mga picture ko sa sosyal media mga galing sa pag momodel ko ay binura na at sinunog na. Masakit pero kailangan.

Napabuntong hininga ako. At saka tumalikod at umalis.


To be continued.

***

Yown ngayon na lang ulit nakapag update hehe Sana magustuhan nyo.

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon