chapter 12✔️

206 11 4
                                    

Alex pov

Nandito ako sa bahay nila Jackie nakaupo habang S'ya ay naka pangewang sa harap ko at tinaasan nya ako ng kilay.

"Ano na isipan mong pumunta dito aber?" Tanong nito. Umirap ako at ngumuso.

"Nakakainis kasi si Coesha eh!"

"Ano naman ginawa nya sayo bat galit na galit ka?"

"Bamaman eh nakita ko sila ni maj sa office ni coesha nag hahalikan!" Inis Kong kwento sakanya. Rinig ko mahinang tawa nya pero sinamaan ko Sya ng tingin kaya huminto ito sa pag tawa.

"Ano nanaman kahihiyan ginagawa ni maj? Ang kapal talaga ng mukha at nagawa pa nyang halikan si Coesha?!" Saad ni Jackie.

"Ayon na nga eh nakaka init ng ulo eh! Tapos Yung suot ni maj tsk, pang p*kp*k eh Ang laswa! Tapos naka kandong pa S'ya Kay coesha na dapat ako ang naka kandong!" Kwento ko

"What?! What do you mean na dapat ikaw Ang naka kandong Kay Coesha at Hindi si maj?!" Sigaw nito saakin kaya napatakip ako sa tenga

"Grabe ka naman teh! Hinaan mo Yung boses mo di ako binge noh!" Pag mamaldita ko.

"Explain mo Yung sinabi mo kanina, na dapat ikaw Ang dapat Ang naka kandong Kay Coesha at Hindi si maj?" Tanong nya ulit. Napaiwas ako ng tingin.

Nadulas pala ako! Bat ko ba sinabi iyon?!

"W-wala! Ano ka ba!" Nauutal na saad ko pero inirapan nya ako.

"Umamin ka nga, may gusto ka ba Kay coesha?" Nakakunot noo tanong nito.

Nanlaki mata ako

"No! Di pa!" Agarang sagot ko

"Di pa? So may chance na mag ka gusto ka sakanya?"

"Ang kulit mo daming mong tanong!"

"Eh ikaw kasi eh nahahalataan kang may gusto ka sakanya, grabe kang mag react na nakita mo silang nag hahalikan ni maj noh! Aminin mo nag seselos ka noh!"

"Oo nag sese-"

"Huli ka balbon! See nag seselos ka ibig sabihin may gusto ka sakanya." Nakangisi Saad nito. Napabuntong hininga ako at napa Iwas ng tingin.

May gusto na ba talaga ako sakanya? Ugh! Trans-woman na ako at gusto ko ay lalaki Hindi babae kaya nga nag papa ka babae ako eh pero...

Nahuhulog na ba talaga ako Kay coesha? Nag kakagusto na na ako sa isang babae?!

*Brrt*

Biglang nag vibrate Ang phone ko kaya kinuha ko phone ko sa bulsa at binasa ko Yung nag text.

From coesha:

Sorry Alex sa nangyari kanina, pwede ba tayong mag-usap? Mag Kita tayo sa clubhouse sa Verna, San Rafael bulacan mga 3:00pm bukas. Sana pumunta ka gusto talaga Kita makausap.

Basa ko sa text ni coesha. Ano nanaman ba kailangan nito ni coesha gusto nya ako makita?

"Woah! Gusto ka pala makita ni coesha eh, punta ka na bukas!" Saad ni Jackie kaya sinamaan ko S'ya ng tingin. Chismosa tsk.

"Ewan ko kung pupunta ako. Ayoko s'yang makita." Malungkot Kong sabi.

"Kung iniisip mo nanaman Yung nangyari, kalimutan mo na yun siguro may dahilan S'ya sa nangyari kaya try mong pakinggan Yung explanation nya."

"Wala na syang kailangan I explain. Di nya ako girlfriend o boyfriend noh!" Pag susungit ko.

"Kahit na! Aba wag kang pabebe noh. Isang Coesha Dizon Morales nag aaya sayo tapos tatanggihan mo lang? Kapal ng feslak mo ghorl!" Panununya Saad nito. Inirapan ko Sya.

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon