PROLOGUE

1K 34 4
                                    

EUNICE POV

"Mom, wala parin po ba si Daddy? Akala ko ba sasabay siya sa'tin sa hapunan?" malungkot na tanong ko kay Mommy habang nasa harap kami ng hapagkainan at dalawa lamang na kakain ng mga nakahandang pagkain. Agad naman inalapag ni mommy sa mesa ang glass of wine niya. Saka seryosong tumingin sakin.

"Busy masyado ang dad mo sa trabaho, kaya sige na kumain kana. At pagkatapos ay pumanhik kana rin sa silid mo ng makapag pahinga kana." saad ni Mommy at saka nagtuloy sa kanyang kain.Wala akong gana sa bawat subo ko ng pagkain. Namimiss ko kasi si Dad, madalang nalang kasi namin siya makasabay sa pagkain. Parang mas importante pa sakanya yung trabaho niya kaysa sa bonding naming pamilya. Pag wala si Daddy, dalawa lang kami ni Mommy dito sa malaking bahay at mga kasambahay pati narin ang yaya ko. Yung step brother ko kasi—anak ni mommy sa pagkadalaga, ay kasalukuyan nasa ibang bansa at doon nag-aaral.Nang matapos akong kumain ay kaagad na nga rin akong nagtungo sa silid ko. Pasado alas-onse ng gabi ng marinig ko ang pagbukas ng gate namin at ang pagparada ng sasakyan. Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa bintana. Hinawi ko ang kurtina upang tignan kung sino ang dumating, walang iba kundi si Daddy.Agad akong lumabas ng silid ko saka nagmamadaling sinalubong si Daddy.

"Daddy!" masaya kong sambit at agad na yumakap kay Dad.

"Hello sweetheart, how are you? Bakit pala gising ka pa? Iniintay mo ba ang pagdating ni Daddy?" malambing na pagkakasabi ni Daddy sakin at agad naman akong tumango.

"Namiss ka rin ni Daddy, sorry ngayon lang nakauwe si Daddy ah. Dami pa kasing tinapos na paper sa office." saad ni Daddy.

"I understand dad, namiss lang po talaga kita. Alam ko naman po na sobrang busy mo po sa work mo." nakangiting pagkakasabi ko.

"Don't worry sweetheart, babawe nalang si Daddy ok? By the way, nasaan ang mommy mo?" malambing na pagkakasabi ni Daddy habang naglalakad kami patungong sala.

"Tulog na po si Mommy sa kwarto niyo daddy, puntahan mo nalang po siya. Oo nga pala daddy, birthday ko na po next week, ayaw ko po ng engrandeng selebrasyon. Ang gusto ko lang po ay makasama ko kayo ni Mommy sa araw ng birthday ko. Dad, promise me na hindi ka muna papasok sa work mo at dito ka lang sa birthday ko. Kahit isang araw lang dad." saad ko.

"Ok sweetheart, I promise. Sige na, go to your bed na. Mag a-alas dose na. Matutulog narin si Daddy. I love you sweetheart." saad ni Daddy saka niya ako hinagkan sa noo.

——

One week later..

Ngayon ang 17th Birthday ko, hindi ako nagpahanda ng engrande kay mommy. All I want is a dinner na kasama si Daddy, that's all. Pero kahit ang simpleng kahilingan ko ay hindi naibigay sakin ni daddy. Gabi na ngunit wala parin siya. Hindi parin siya dumarating. Kaya naisipan kong lumabas ng bahay at sa labas siya hintayin kahit alam kong imposibleng dumating pa siya. Ilang sandali pa ay bumuhos narin ang malakas na ulan. Napaupo nalang ako sa gilid habang tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Hanggang sa mapansin ko nalang na ang lalaking nakatayo sa harapan ko at agad ako tumingala.

"Ang magandang babaeng katulad mo ay hindi dapat umiiyak sa gitna ng ulan." seryosong pagkakasabi ng lalakeng hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita.

"Wala maman akong sinabing payungan mo 'ko umalis kana." sarcastic kong pagkakasabi.

"Ikaw na nga itong pinagmamalasakitan, ikaw pa 'tong parang galit. Ano ba ang dahilan bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

"Sabi ng mommy ko don't talk to strangers. Kaya bakit nga ba ako ako nakikipag usap sayo." mataray na pagkakasabi ko saka ako agad na tumayo.

"I'm Jio. So, ok na ba? Hindi na ba ako stranger para sayo? Ikaw? Sino ka?" tanong ng lalakeng nag ngangalan na Jio saka niya nilahad ang kamay niya sakin.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon