<Wilfredo's Mansion>
EUNICE POV
"Tuloy ka, gusto mo ba ng mai-inum?" tanong sakin ni Wilfredo.
"Ang gusto ay ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko." seryosong pagkakasabi ko.
"Naiintindihan kita, wag ka mag alala pinapangako kong tutulungan kita. Na makaganti kay Jio." nakangiting pagkakasabi ni Wilfredo.
"Inakala ko na totoo yung kabutihan na pinakakita niya sakin yun pala siya ang mastermind sa pagkamatay ng magulang. Wala siyang kasing sama. Papatayin ko siya. Gaganti ako." nangigil na pagkakasabi ko.
"Tama yan Eunice, magalit ka kay Jio. Kasi napakasama niya, pinatay niya ang mga magulang mo. Kaya tama yan magalit sakanya." sarcastic na pagkakasabi ni Wilfredo.
"Pwede ba akong pumunta ngayon sa Mansion ni Jio? May mga naiwan akong importanteng gamit ko doon. Kailangan ko yun makuha." pagpapaalam ko.
"Sige. Pero wag na wag kang magpapakita kay Jio, at kung makita mo man siya, wag na wag ka maniniwala sa mga sasabihin niya. Lagi mo iisipin na si Jio ang pumatay sa mga magulang mo." bulong sakin ni Wilfredo.
WILFREDO POV
"Boss, mukhang bumabait ka yata sa babaeng yun." biro ng isa kong tauhan.
"Kailan ba ako naging mabait? Ginagawa ko 'to kasi alam ko magagamit ko siya laban sa kapatid ko. Gagamitin ko ang matinding galit niya para pabagsakin si Jio." sarcastic na pagkakasabi ko.
EUNICE POV
Mag isa nga akong pumunta sa mansion nila Jio. Walang mga bantay sa labas kaya dumiretso pumasok na ako sa gate.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Jio na nagpapakalasing sa alak. Nakauspo siya sa sofa.
JIO POV
"Boss, nakakatatlong bote kana ng alak tama na yan." awat sakin ni Hector.
"Umalis ka sa harapan. Ayaw ko ng kausap." galit na pagkakasabi ko.
Agad naman umalis si Hector.
Maya maya ay bumakas ang pinto inakala ko na si Hector 'to ngunit laking gulat ko ng makita si Eunice.
EUNICE POV
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Jio na nagpapakalasing sa alak. Nakaupo siya sa sofa at nakatingin, nagdire-diretso ako na umakyat ng hagdan pero mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya at agad hinala saka niyakap. Mabilis ko naman siyang itulak.
"Nagbalik ka. Ibig sabihin hindi ka lagi sakin." seryosong pagkakasabi niya.
"Hindi ako nandito para sayo. May kukunin lang akong importanteng gamit sa kwarto ko kaya ako bumalik. At kahit kailan hindi na ako babalik dito." seryosong pagkakasabi ko.
"Hindi ka aalis. Dito ka lang." pag pigil niya.
"Kung noon nagagawa kong sumunod sa mga sinasabi mo, sa mga gusto mo. Pero ngayon hindi na, dahil alam ko na ang totoo. Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko. Nagsinungaling ka sakin, piniwala mo 'ko na magpinsan tayo sa loob ng 9years." nanggigil sa galit na pagkakasabi ko.
"Inakala ko pa man na kahit Mafia Boss ka ay may puso ka parin. But I'm wrong, wala ka kasing sama Jio." dagdag ko pa.
Mabilis akong umakyat ng hagdan saka pumasok sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang mga importante kong gamit ang photo-album kung saan andoon ang picture ng mommy at daddy na noon ay inakala kong kung sino lang, laptop at ang pera ko.
Pagkatapos ay agad akong lumabas kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay naka abang sa pintuan si Jio."Get out of my way!" sigaw ko kay Jio.
Pero hindi parin siya umaalis.
"Don't leave me alone." pagmamakaawa ni Jio."Sa tingin mo maaawa ako sayo? Kung nagawa mo 'kong paniwalain sa mga kasinungalingan mo noon well sorry kasi hindi mo na ako mauuto ngayon. Bumalik na ang alaala ko. Alam ko na kung anong klaseng tao ka." galit na pagkakasabi ko.
"Kapag sinabi kong 'di ka aalis hindi ka aalis!" sigaw niya.
"At bakit hindi? dahil may plano ka na patayin din ako tulad ng ginawa mo sa mga magulang ko?" sarcastic na pagkakasabi ko.
Palabas na ako ng pinto ng magsalita muli si Jio.
JIO POV
"Dahil mahal kita Eunice, since the day that I saw you." seryosong pagkakasabi ko.
Agad naman lumingon sakin si Eunice.
-Flashback; 10years ago-
Pasakay na ako ng kotse ng makita ang isang dalaga na nakaupo habang umiiyak sa gitna ng ulan. Agad kong kinuha ang payong na hawak ni Hector saka nilapitan ang dalaga.
Nang makalapit ako sakanya ay agad ko siyang pinayungan. Napansin niya na tila hindi na siya nababasa ng ulan saka siya tumingala sakin.
Kakaiba ang ganda niya, walang katulad. Kahit na umiiyak siya napakaganda parin ng mga mata niya.
"Ang magandang babaeng katulad mo ay hindi dapat umiiyak sa gitna ng ulan." seryosong pagkakasabi ko.
"Wala maman akong sinabing payungan mo 'ko umalis kana." seryosong sagot niya.
"Ikaw na nga itong pinagmamalasakitan, ikaw pa 'tong parang galit. Ano ba ang dahilan bakit ka umiiyak?" tanong ko.
"Sabi ng mommy ko don't talk to strangers. Kaya bakit nga ba ako ako nakikipag usap sayo." mataray na pagkakasabi niya saka siya tumayo.
"I'm Jio. So, ok na ba? Hindi na ba ako stranger para sayo?" seryosong tanong ko.
"Ikaw? Sino ka?" tanong ko.
"Eunice! Ay naku kang bata ka bakit ka nagpapakabasa sa ulan. Baka magkasakit ka niyan at mapagalitan pa ako ng mommy mo." sigaw na may halong pag aalala ang pagkakasabi ng isang babaeng medyo may edad na. Dali dali niyang nilapitan si Eunice saka ito pinayungan at umalis.
"Eunice pala ang pangalan mo, beautiful name. Bagay na bagay sa mukha mo." bulong ko sa sarili ko habang tinatanaw palayo si Eunice kasama ang yaya niya.
-End of Flashback-
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomanceSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...