CHAPTER 3

549 25 1
                                    

JIO POV

Nang masiguro kong nagpapahinga na si Eunice ay agad narin akong lumabas ng silid. Paglabas ko ay nasalubong ko si Isabelle.

“Ikaw ng bahala kay Eunice. Nilalagnat siya kaya bisi-bisitahin mo nalang siya sa silid niya. Pasaway si Eunice, alam mo yan kaya ikaw rin bahala na pilitin siyang ininum ang gamot niya.” seryosong pag-uutos ko kay Isabelle.

“Masusunod po, Sir Jio.” magalang na sagot nito at kaagad narin ako tumalikod.

——

“Aalis na ba tayo boss?” saad ni Hector.

“Tulog narin naman si Eunice, si Isabelle na muna ang bahala sakanya.” seryososong sagot ko.

Tumango lamang si Hector saka niya binuksan ang pintuan ng kotse sa may backseat.

Patungo kami ngayon sa head quarters, para alamin kung nadala na ba ang mga kontrabandong dadalhin ng ka-transaction ko.

EUNICE POV

Kinabukasan, ok na ang ating pakiramdam. 6AM palang ng magising ako kung kayat naisipan ko magpa araw sa garden. Ngunit bago pa man ako makalabas ng mansion bumungad sakin ang fresh na bulaklak na nasa sala. Na-curious ako kaya tinignan ko ito. Bigla naman ako nakarinig naman ang yabag mula sa likod ko kaya napalingon ako, si Hector ang tapat at halos kanang kamay ni Jio.

"Saan na naman ba pinagpipipitas 'to ni Jio?" tanong ko.

"Hindi galing kay Boss yan." sagot niya.

"Kanino? sa mga maids?" tanong ko.

"Nabalitaan ko kasi na may sakit ka daw, kaya naisipan ko na ibigay yan....sayo." seryosong pagkasabi ni Hector

"Baka naman may lason yan? Na kapag inamoy ko hindi ako makakahinga tapos ikakamatay ko. Tulad ng ginagawa niyo sa ibang biktima niyo." sambit ko.

"Bakit ko naman gagawin yun sa pinsan ng boss ko at sa isang kaibigan." nakangiting pagkakasabi ni Hector.

Sa tagal ng panahon na nakikita ko si Hector, first ko siyang nakitang ngumiti. Mas gumwapo tuloy siya.

"Kaibigan? Wala ako naalalang kaibigan kita. Feeling close ka ah." pang aasar ko.

"Edi simula ngayon, ituring mo na akong isa sa mga kaibigan mo. Pwede ba yun?" tanong ni Hector.

"Anong nakain ng isang hitman na tulad mo? Parang nakakapanibago ka yata. May sakit ka ba?" saad ko sabay hawak sa noo ni Hector.

"Wala ka naman sakit. Bakit ganyan pinagsasabe mo." dagdag ko pa.

"Napanood ko lang yun. Ginaya ko lang." seryosong pagkakasabi ni Hector.

"Gising kana pala Eunice." sabat ni Jio na kararating lang.

"Oh, bakit andito ka pa? Saka bakit kausap mo si Eunice?" seryosong tanong ni Jio kay Hector.

"Highblood agad kararating lang." biro ko kay Jio.
Hindi sumagot si Jio sa halip at tinigan niya lang ako ng masama kaya tumahimik nalang ako.

"Bakit nakatayo ka pa d'yan? Get out!" utos ni Jio kay Hector.

Agad naman umalis si Hector.

"Kanino galing 'tong mga bulaklak?" tanong ni Jio ng mga mapansin ang fresh na bulaklak sa mini table sa sala.

"Galing kay Hector yan." sagot ko.

"Kay Hector? Bakit? Bakit ka niya binibigyan ng bulaklak? Nanliligaw ba siya sayo?" galit na tanong ni Jio.

"Hindi, ano ka ba. Nalaman daw niya kasi na may sakit ako kaya naisipan niya ako bigyan ng bulaklak." sagot ko.

"Isabelle!" sigaw ni Jio ng tawagin niya ang isa kasambahay sa mansion. Agad naman itong lumapit.

"Itapon mo yan ngayon na." utos ni Jio.

"Teka lang, bakit itatapon? Nag effort yung tao para pitasin yan. Tapos itatapon lang?" pigil ko.

"Sige na Isabelle, itapon mo na yan." utos niyang muli.

Wala na akong nagawa, kinuha nga ni Isabelle ang bulaklak saka tinapon sa basurahan.

"Gusto mo pala ng bulaklak edi sana sinabi mo sakin." inis na pagkakasabi ni Jio saka umalis.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko. Pero 'di na niya ako pinansin.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon