CHAPTER 15

328 21 0
                                    

Matapos nga ang kissing scene na yun ay naging mas ackward kami ni Jio sa isa't isa.

"Paabot nga ng Juice." pakisuyo ko kay Hector kahit na mas malapit ito kay Jio.

Iniabot naman 'to sakin ni Hector.

"Hector, abot nga sakin yung kanin." pakisuyo naman ni Jio kahit na halos katabi ko lang yung kanin.

"Ano ba nangyayari sainyong dalawa? Pati sa harap ng pagkain ang ackward niyo." inis na pagkakasabi ni Hector.
Agad naman tiningnan ni Jio si Hector ng masama kaya nanahimik nalang si Hector.

Nang matapos kami kumain, agad na umalis si Jio kasama si Hector. Pero umalis ito ng walang paalam sakin.

WILFREDO POV

"Boss, mukhang mas nagkakalapit ulit si Eunice at Jio. Tignan mo ang ginawa sayo ni Eunice, binaril ka pa sa kamay para lang ipagtanggol si Jio." sambit ng isa mga tauhan ko.

"May iba pa namang paraan para magkasira sila ulit. At para bumalik sa panig natin si Eunice. Tawagan mo si Audrey, sabihin mo may ipag uutos ako sakanya." sagot ko.

"Masusunod Boss." sagot nito saka umalis.

"Si Audrey ang anak ni Mr. Chua." sabat ni Lester.

"Na ex din ni Jio." seryosong pagkakasabi ko.

Three days has been passed..

JIO POV

"Boss, may naghahanap sayo." sambit ni Hector.

Kaagad nga ako nag tungo sa living room ng mansion.

Ganun na lang ang pagkakagulat ko ng makita ko si Audrey ang ex ko 10years ago.

"Long time no see Jio." nakangiting pagkakasabi ni Audrey sakin.

"What brings you here?" seryosong pagkakasabi ko.

Agad naman tumuyo si Audrey mula sa pagkaka-upo saka lumapit sakin na para bang nang aakit.

EUNICE POV

"Isabelle, sino yung babaeng kausap ni Jio?" tanong ko kay Isabelle habang tinatanaw si Jio at ang babae mula sa 2rd floor ng Mansion.

"Ah si Mam Audrey yan, ex ni sir Jio." sagot naman ni Isabelle.

"Ex? Anong ginagawa ng Ex ni Jio dito?" inis na tanong ko.

"Uy si Mam Eunice nagseselos." pang aasar sakin ni Isabelle.

"Hindi ako nagseselos, and why would I?" sarcastic na pagkakasabi ko saka bumaba ng hagdan.

--

JIO POV

"May iba ka palang kasama dito Jio, bagong kasambahay mo ba siya?" tila nang aasar na pagkakasabi ni Audrey sa kararating lang na si Eunice.
"Hindi siya katulong o kasambahay dito. She's my------"

"Girlfriend." sabat ni Eunice kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
At kaagad naman ako napatingin kay Eunice saka pasimpleng napangiti.

"You heard it right, I'm Jio's girlfriend." nakangiting pagkakasabi ni Eunice sabay pulupot sa braso ko.

"Hindi ko alam na may girlfriend kana pala Jio." mataray na pagkakasabi ni Audrey.

"Ah Oo, Eunice is my girlfriend." sagot ko.

"Let's meet some another time. Kakauwe ko lang kasi galing L.A may mga dapat kasi akong ayusin dito sa Pilipinas. Btw, it's nice to see you again Jio." seryosong pagkakasabi ni Audrey saka ito umalis.

EUNICE POV

Nang makaalis na si Audrey ay saka ako bumitaw kay Jio.

"Girlfriend pala." nakangiting pagkakasabi ni Jio.

Hindi ko siya pinansin at aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Jio.

"Aminin mo nga sakin, nagseselos ka ba?" nakangiting pagkakasabi ni Jio.

"Ako? Magseselos? Bakit naman ako magseselos?" mataray na pagkakasabi ko.

"Kaya pala bigla kana lang sumulpot dito saka pinakilala ang sarili mong girlfriend ko." sarcastic na pagkakasabi ni Jio.

"Wag mo ng pansinin yung sinabi ko wala lang yun." seryosong pagkakasabi ko.

"Hindi ako papayag na wala lang yun." seryosong pagkakasabi ni Jio saka unti unti nilalapit ang mukha niya sakin.

Sa kakatras ko ay natabig ko ang flower base sa gilid kaya ito bumagsak. Agad naman nagsidatingan ang mga tauhan ni Jio na nasa labas ng mansion sa pag aakalang may kaguluhan nangyayari sa loob.

"Boss, may problema ba?" agad na tanong ni Hector.

"Wala, umalis na kayo." sambit ni Jio habang nakatitig parin siya sakin.


My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon