CHAPTER 14

321 25 0
                                    

EUNICE (EBONY) POV

Kinabukasan, aksidente kong napakinggang ang pag uusap ni Wilfredo saka ng tauhan niya.

"Kung hindi tayo tutulungan ni Ebony, ako na mismo ang kikilos para mapabagsak si Jio. Tapos na ang maliligayang araw niya." nakangising pagkakasabi ni Wilfredo.

"Hindi ko akalain na magiging ganito kadali para sakin na pabagsakin si Jio, salamat sa tulong ng pinakamamahal niyang si Eunice." dagdag pa ni Wilfredo.

"Paano si Ebony, Boss?" tanong isa niyang tauhan.

"Pagkatapos ni Jio ay isusunod natin siya. Pero sa ngayon hahayaan muna natin na patuloy siyang lamunin ng galit niya kay Jio." nakangising sagot ni Wilfredo.

Matapos ko marinig yun ay nagmadali ako pumasok sa kwarto ko at saka tinawagan si Isabelle, pero hindi siya ma-contact, sunod ay si Hector ngunit kagaya ni Isabelle ay naka-off din ang phone niya.

"Si Jio, tama si Jio. Kailangan ko siyang warningan." bulong ko sa sarili ko saka hinahanap ang # ni Jio sa contact ko.

"Please Jio sagutin mo. Please." sambit ko habang patuloy na nagri-ring phone niya.

Ilang saglit pa, mula sa bintana ng kwarto ko nakita kong umalis na sila Wilfredo kasama ang iba pa niyang mga tauhan.

Agad kong kinuha ang baril sa ilalim ng unan ko. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan sinalubong ako ng ilang nagbabantay sakin ng mga tauhan niya.

"Saan ka pupupunta?" seryosong tanong sakin ng isa sa mga tauhan ni Wilfredo.

"Ibigay mo sakin ang susi ng kotse." sigaw ko.

"Pero bilin ni Boss hindi ka pwede lumabas ng mansion." seryosong sagot niya.

"Hindi mo ba kilala kung sino ako?" sarcastic na tanong ko.

Bago pa man siya makasagot ay binaril ko na siya sa ulo.

Nagmamadali 'kong hinanap ang susi ng kotse ng mahanap ko ito ay agad ako nagtungo sa isa pang hide out nila Jio dahil alam kong doon pupunta sila Wilfredo.

--

At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko nga ang sasakyan nila Wilfredo sa labas. Pagdating ko sa loob ay nagkalat ang mga patay na kawatan ng mga tauhan nila Wilfredo at Jio. Pero patuloy parin ako nakakarinig ng putok ng baril.

JIO POV

"Mukhang ito na yata ang katapusan mo kapatid ko." nakangising pagkakasabi ni Wilfredo.

Kakalabitin na sana ni Wilfredo ang gatilyo ng hawak niyang baril pero may kung sino ang bumaril sa kamay niya kaya nabitawan niya ang baril na hawak niya.

Paglingon ko sa pinagmulan ng putok ng baril ay nakita ko si Eunice.
Ngunit isang sniper ang dapat sana babaril kay Eunice kaya mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ni Eunice saka siya kinoberan.

EUNICE POV

Nagulat na lamang ako sa mabilis na pagdating ni Jio sa kinaroroonan ko, nagulat na lang ako unti unti niyang pagbagsak sa sahig habang patuloy ang paglabas ng dugo sa bibig niya.

"Hindi, Jio gumising ka. Jio!" naiiyak kong pagkasabi.

"S-Sorry. Sorry sa mga naging kasalanan ko sayo. Ito na siguro yung kabayaran sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sayo." sambit ni Jio.

"Tulong!" sigaw ko.

Maya maya pa ay agad na dumating si si Hector, agad namin sinakay si Jio sa sasakyan saka dinala sa Mansion at agad na tinawagan si Dr. Smith.

--

<Jio Mansion>

Makalipas lang ang halos dalawang oras ay natanggal na ang bala malapit sa puso ni Jio. Swerteng nakaligtas pa siya. Maya maya pa ay lumabas na si Dr. Smith, ang private doctor ni Jio.

"He's stable now." nakangiting pagkakasabi ni Dr. Smith
Nang makaalis si Dr. Smith ay agad akong pumasok sa kwarto ni Jio at saka umupo sa tabi ng higaan niya.

"Bakit mo ginawa yun?" seryosong tanong ko sakanya.

"Ang alin? Ang pagliligtas ko sayo kanina?" sagot naman ni Jio.

"Hindi mo na dapat ginawa yun, tignan mo nangyari sayo. Alam mo bang nag alala ako sayo kanina." seryosong pagkakasabi ko.

"Ulitin mo nga yung huling sinabi mo, nag alala ka sakin?" nakangiting pagkakasabi ni Jio.

"Kung nag alala ka sakin, ibig sabihin mahalaga ako sayo." dagdag pa ni Jio habang nakatitig sakin.

"Masyado bang malakas ang putok ng baril kanina kaya parang nabingi ka?" sarcastic na pagkakasabi ko.

"Malinaw ang pandinig ko Eunice. Nakita ko rin kanina na marami kang missed calls bago dumating sila Wilfredo. Tumawag ka ba para balaan ako sa pagdating ni Wilfredo kanina?" seryosong pagkakasabi ni Jio.

"Oo, tumawag ako." seryosong pagkakasabi ko.

"So ibig sabihin may number pa ako sayo hanggang ngayon?" nakangising tanong ni Jio.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Alam mo sana natuluyan kana lang kanina." inis na pagkakasabi ko.

"I love you." seryosong pagkakasabi ni Jio.

Tinignan ko lang ng masama si Jio saka lumabas ng kwarto niya.

--

"Masaya ako mam Eunice na nandito ka ulit ngayon binabantayan si Sir Jio. Saka alam mo ba mam Eunic, simula ng umalis ka dito lagi na malungkot yan si sir Jio. Pero nagulat nalang ako isang araw lagi siya nakangiti kahit walang dahilan. Hindi ko alam pero parang nababaliw na si sir Jio." kwento sakin ni Isabelle.

"Talaga Isabelle?" tanong ko.

"Oo mam Eunice, tingin ko talaga may gusto sayo si sir Jio." nakangiting pagkakasabi ni Isabelle.

Hindi nalang ako kumibo sa sinabing iyon ni Isabelle saka naupo sa sofa.

--

Kinabukasan, nagising nalang ako na nasa dati kong kwarto ako.
Mamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng kwarto.

"Good Morning." nakangiting bati ni Jio sakin.

"Paano magiging good ang morning ko kung ikaw ang una kong makikita?" naiinis na pagkasabi ko.
Babangon na sana ako pero muli ako tinulak ni Jio sa kama ko.

Nakangising siyang lumapit sakin. Mabilis ko naman siyang binato ng unan, pero bigla siya umaray siguro natamaan ng unan ang bagong tahi niyang sugat kaya dali dali akong lumapit sakanya.

"Masakit ba? Sorry sorry. 'Di ko sinasadya." nag aalalang pagkasabi ko.

Pero nagulat ako ng bigla ako titigan ni Jio, at saka bigla niya akong hinalikan, sa mga oras na yun ay wala na akong nagawa pa.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon