EUNICE POV
“Sa tingin mo mapapaniwala mo ulit ako sa mga kasinungalingan mo? Hinding hindi, kahit kailan hinding hindi na ako magtitiwala sa mga taong kagaya mo!” galit na pagkasabi ko.
“At kanino ka magtitiwala? Sa Wilfredo na yun na kahapon mo lang nakilala? Kung sa tingin mo napaka sama ng ugali. Pwes, nagkakamali ka dahil kung ako masama, mas demonyo si Wilfredo. Kapatid ko siya kaya mas ako ang nakakakilala sakanya.” paliwanag ni Jio.
“At sinong gusto mong pagkatiwalaan ko? Ikaw? Ikaw na niloko ako ng 9years? Ikaw na tinago sakin yung totoong nangyari sa mga magulang ko?” naiiyak sa galit na pagkasabi ko.
Hindi na nagsalita pa si Jio at umalis narin ako.——
<Wilfredo Mansion>
“Mabuti naman at nakauwe kana, naabutan mo ba si Jio? Anong sinabi niya sayo?” bungad na tanong sakin ni Wilfredo.
“Sinusubukan niyang mapaniwala ulit ako sa mga kasinungalingan niya. Pero ayaw ko na, kahit kailan hinding hindi na ako magtitiwala sakanya.” seryosong pagkakasabi ko.
Pumalakpak naman si Wilfredo saka ako nilapitan.
“Good girl.” tipid na pagkakasabi ni Wilfredo saka ngumitin sakin.
“Lester, ihatid mo siya sa magiging silid niya. Kailangan natin pangalagaan ang ating bisita.” utos niya sa kanang kamay niyang si Lester.
Agad naman sumunod si Lester at inihatid ako sa magiging kwarto ko.
——
<Jio Mansion>
JIO OCAMPO
“Alam na pala ni Eunice ang totoo.” bungad ni Hector na kararating lang.
“Umalis na siya. Galit na galit siya sakin.” seryosong pagkakasabi ko habang hawak ang isang bote ng alak.
“Pero hindi mo rin naman sinasadya ang nangyari diba Boss? Napilitan kang gawin yun dahil ninakawan ka ng malaking pera ng daddy niya.” kwento ni Hector.
“Hindi ko naman alam na anak ni Miguel si Eunice, kung alam ko lang sana hindi ko na sana ginawa yun. Kaya naiintindihan ko kung galit na galit siya sakin.” seryosong pagkakasabi ko.
“Anong balak mo ngayon Boss? Nasa pangangalaga si Eunice ng kapatid mo. At alam natin kung anong klaseng tao siya.” tanong ni Hector.
“I'm still the most powerful Mafia Boss, kaya ko siyang patayin kung gugustuhin ko kahit kapatid ko pa siya. Pero hindi ko yun ngayon magawa dahil nasa kanya si Eunice, baka madamay si Eunice. Kaya kailangan natin pag isipan mabuti ang mga gagawin natin.” sagot ko.
“Pero paano kung gamitin ni Wilfredo si Eunice laban sayo?” tanong ni Hector.
“Hindi ko hahayaan na gamitin niya laban sakin si Eunice.” seryosong pagkakasabi ko.
——
<Wilfredo Mansion>
WILFREDO POV
“Kamusta si Eunice?” tanong ko ng makitang bumaba na ng hagdan si Lester.
“Sa tingin ko boss nagpapahinga na siya ngayon sa kwarto niya.” sagot ni Lester.
“Good.” sagot ko.
“Boss, ano bang susunod na plano niyo d'yan sa babaeng yun?” seryosong tanong sakin ni Lester.
“Gagamitin ko siya kay Jio. Hindi ko kaya si Jio kung ako lang ang lalaban sakanya. Pero kung gagamitin ko ang weakness niya madali ko siya matatalo. Madali kong makukuha ang gusto ko.” seryosong pangkakasabi ko.
“Boss. Nand'yan yung kapatid niyo sa labas. Anim sa kasamahan natin ang pinatay niya.” hinihingal na balita ng isa sa mga tauhan ko.
Agad kong kinuha ang baril sa drawer ko saka lumabas at hinarap si Jio.
JIO POV
“Ikaw naman, susugod kalang dito kailangan mo patayin mga tauhan ko.” sacrastic na pagkakasabi ni Wilfredo.
“Gusto ko makausap si Eunice.” seryosong pagkakasabi ko.
“Wala dito si Eunice. At kung nandito man siya, hindi ko rin siya hahayaan na malapitan at makausap mo.” seryosong pagkakasabi ni Wilfredo.
Galit na galit ako kaya mabilis kong pinaputukan sa paa si Wilfredo kaya nagkagulo ang mga tauhan niya. Lahat ng baril nila ay nakatutok sakin. Ngumisi nalang ako saka umalis.
EUNICE POV
Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng tatlong sunod na putok ng baril kaya agad ako lumabas ng kwarto at saka bumaba.
“Oh, gising ka pa pala.” bungad ni Wilfredo na kakapasok lang ng pinto.
“Nakarinig ako ng putok ng baril. May problema ba?” tanong ko.
“Don't worry, nagpa-practice lang ang mga tauhan ko. Mahirap na, baka bigla sumugod dito ang mga tauhan ni Jio.” seryosong pagkakasabi ni Wilfredo.
“Bumalik kana sa kwarto mo.” dagdag pa ni Wilfredo.
Nang makabalik na ako sa kwarto ko. Nakita ko ang cellphone ko na maraming missed call galing kay Jio at Hector. Agad kong tinanggal ang simcard ko saka ito sinira.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomansaSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...