Two days later..
ISABELLE POV
"Mam Eunice kumain kana, kagabi ka pa hindi kumakain baka magkasakit ka niyan." sigaw ko habang kinatakot sa kwarto si Eunice.
"Mam Eunice, buksan mo 'tong pinto." sigaw ko.
"Mam Eunice kung ayaw mong buksan yung pinto ako nalang papasok d'yan." sigaw kong muli.
Bubuksan ko na sana ang pinto pero naka-lock ito. Kinabahan ko na ako kaya agad ako humingi ng saklolo.
Wala si Sir Jio dito sa mansion ng mga oras na 'to kaya sa mga kapwa ko kasambahay nalang ako humingi ng tulong.
Dali dali nga namin binuksan ang pinto ng kwarto ni Mam Eunice.
Hanggang sa makita namin siyang nakahandusay sa sahig."Diyos ko Mam Eunice anong nangyari sayo Mam!" pag aalala ko ng lapitan si Mam Eunice.
May pulso pa naman siya pero wala siyang malay. Nagkalat din sa kama niya maging sa sahig ang iba't ibang tabletas ng gamot.
Kaagad ko tinawagan si Sir Jio pero cannot be reach ang phone niya kaya si Sir Wilfredo nalang ang tinawagan ko.
Ilang sandali pa ay dumating na nga si Sir Wilfredo at kaagad kinuha si Eunice upang dalhin sa Hospital.
JIO POV
Kasalukuyan akong nasa Casino ng bigla ako lapitan ni Hector.
"Boss, tumawag si Isabelle. May nangyari daw kay Eunice." bulong sakin ni Hector.
"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.
Matapos sakin sabihin yun ni Hector kaagad ko nakita sa cellphone ko ang napakaraming missed calls ni Isabelle sakin. Kaagad nga ako umuwe sa mansion.
--
"Nasaan si Eunice? Anong nangyari sakanya?" pag aalala ko.
"Sir nag overdose po si Mam Eunice, ang dami po kasi nakakalat na gamot sa kwarto niya." sagot ni Isabelle.
"Nasaan siya? Saang hospital niyo siya dinala?" agad na tanong ko.
"Sir Jio, si Sir Wilfredo po ang nagdala sakanya sa hospital." sagot ni Isabelle.
"Si Wilfredo? Bakit siya?!" galit na tanong ko.
"Eh sir, kanina ko pa po kayo tinatawagan pero cannot be reach po kayo. Nag aalala na po ako kay Mam Eunice kaya si Sir Wilfredo na po tinawagan ko. Sumagot naman po siya agad. Kaya agad nila kinuha dito si Eunice." paliwanag ni Isabelle.
"F*ck!" inis na mura ko.--
Kaagad nga kami ni Hector pumunta sa Mansion ni Wilfredo. Pero wala siya doon. Kaya doon kami pumunta sa Villa Dela Fuentes.
WILFREDO POV
"Boss, may naghahanap sayo." bulong sakin ni Lester.
Kaagad naman ako dumungaw sa bintana at mula doon ay natanaw ko ang kapatid kong si Jio.
"Jio kapatid ko. Long time no see." sarcastic na pagkakasabi ko kay Jio.
"Nasaan si Eunice?" seryosong tanong ni Jio."Si Eunice? Wala sakin si Eunice. Hindi ba't na sa'yo na siya?" pagsisinungaling ko.
"Sinungaling!" galit na pagkakasabi ni Jio at kaagad sakin tinutok ang baril na hawak niya.
"Oh! kalma lang. Masyado ka naman high blood. Wag kana mag alala kay Eunice, nasa mabuting kamay siya. Pag ukulan mo nalang ng pansin ang pagpapakasal niyo ni Audrey." sarcastic na pagkakasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
Storie d'amoreSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...