CHAPTER 4

512 31 0
                                    

JIO POV

“Anong pumasok d'yan sa kokote mo at naisipan mo bigyan ng bulaklak si Eunice? May gusto ka ba sa pinsan ko?” maangas na tanong ko kay Hector.

“Eh boss, nabalitaan ko kasi na may sakit si Eunice kaya naisipan ko bigyan ng bulaklak.” paliwang ni Hector.

“Yan ba ang trabaho mo? Hindi kita binabayaran para bigyan ng bulaklak si Eunice.” galit kong pagkakasabi.
Tumango lamang si Hector.

EUNICE POV

“Madam, kumain na po kayo.” anyaya sakin ni Isabelle.

“Sige, susunod na ako.” sagot ko.

“Nga pala, hindi pa ba bumabalik si Jio?” tanong ko kay Isabelle.

“Hindi pa po madam.” sagot naman nito.

“Ah ok.” tipid na sagot ko.

“Grabe para bulaklak lang walkout agad, Mafia Boss mag wo-walkout dahil lang sa bulaklak? Weird.” natatawang sambit ko sa sarili ko.

JIO POV

“Boss, iniintay kana ni Mr. Chua sa baba. Dala na niya ang napag usapang pera.” balita ng isa sa mga tauhan ko.

“Sige papasukin mo.” utos ko.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa opisina ko si Mr. Chua ang isa sa mga leader ng gang sa China ngunit kasalukuyan nandito sa Pilipinas para sa iba't ibang illegal transaction tulad ng drugs, illegal gambling, prostitution at human trafficking.

“Jio, it's good to finally see you again.” bati niya sakin.

“Where's the money?” agad na tanong ko.

“Here.” tipid na sagot nito sabay utos sa kasama niya ilapag sa table ko ang dalawang bag na punong puno ng pera.

“20.5 Billion.” sambit nito with a devil smile.

“Who's that beautiful lady? Is she your girlfriend?” tanong ni Mr. Chua na tila may pagnanasa sa picture frame ni Eunice na nasa table ko.

“She's my cousin, Eunice.” sagot ko.

“She looks so beautiful.” dagdag pa nito, kaya agad ko tinaob ang picture frame ni Eunice.

Ilang sandali pa ay umalis narin si Mr. Chua.

——

“Hindi ko gusto ang tema ng pananalita ng Chua na yan. Parang may pagnanasa siya kay Eunice. Sabihan mo mga bata mo na bantayan ng mabuti si Eunice.” utos ko kay Hector.

Tumango lamang si Hector, at saka umalis. Habang ako agad din umuwe sa Mansion.

EUNICE POV

“Sumunod ka sakin may pag uusapan tayong dalawa.” bungad ni Jio na karatating lang, at agad 'to umakyat sa taas. Maaring patungo siya sa kwarto niya.

“Bakit?” tanong ko.

“Pwede ba wag kana maraming tinatanong!” inis na sagot niya sakin.

Para walang pagtatalo ay agad nga sumunod sa kwarto ni Jio. Naabutan ko siya na binuksan ang close niya. Ngunit hindi mga damit ang laman nito, mukha lamang itong closet kung titignan sa labas ngunit para itong buong isang silid na ang laman ay iba't ibang klase ng baril.

“Bakit tayo nandito?” agad na tanong ko.

Hindi kumibo sakin si Jio at iniabot lamang ang 45 Caliber na baril na color silver at may ukit itong rosas.

“Anong gagawin ko dito? Bakit mo sakin binibigay 'to?” nagtatakang tanong ko.

“Pang self defense mo yan kung sakaling wala ako sa tabi mo. Lagi mo dadalhin yan.” seryosong pagkasabi ni Jio.

“Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman na hindi ako marunong humawak at gumamit ng baril tapos ibibigay mo pa sakin 'to.” nagtatakang reaction ko.

“Pwede ba Eunice wag ka ng maraming sinasabi basta sundin mo nalang ako. It's for your safety.” seryosong pagkakasabi ni Jio.

“Kung hindi ka marurunong hayaan mong turuan kita bukas. Isasama kita sa hide out ng sa ganun ay makilala karin ng mga tauhan ko. At doon din kita tuturuan.” dagdag pa ni Jio.

——

Gaya nga ng sinabi ni Jio, kinabukasan ay sinama niya ako sa hide out nila nasa under ground ito. Sa ibabaw ay isang simpleng bahay lamang, ngunit may daanan pababa gamit ang elevator. Ang elevator ay nakatago sa likod ng bookshelves. Malaki at malawak ang hide out nila Jio.

Lahat ng madaanan namin babae man o lalake ay titig na titig sakin kaya nakayuko ako habang naglalakad. Formal naman ako pinakilala ni Jio sa kanila, at sinabing kaya ako nandon para matuto umasinta.

JIO POV

“Ah, pwede na ba ako umalis? May usapan kasi kami ng mga kaibigan ko na magkikita kami ngayon.” paalam ni Eunice sakin.

“Sige, pero kailangan magsama ka ng mga tauhan ko. At wag kana umangal sumunod kana lang kung gusto mo na payagan kita.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ok fine. Do I have a choice?” sarcastic na pagkakasabi ni Eunice.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon