SPECIAL CHAPTER

602 34 3
                                    

[Jio Ocampo and Eunice Delos Reyes Wedding Day]

JIO POV

Habang naglalakad si Eunice papalapit sakin, hindi ko na mapigilan na maiyak. Napakaganda niya, siya ang pinakamagandang bride sa buong mundo.

Anim lang kami dito sa simbahan. Ako, yung Pari na magkakasal samin, si Hector na best man ko, sina Leigh at Sandra na kaibigan ng napakaganda kong bride na si Eunice.

"You look so beautiful." nakangiting pagkakasabi ko sakanya.

Agad naman siya ngumiti sakin.

Pagkatapos ay hinarap ko na nga sa altar ang babaeng handa kong protektahan habang buhay at ang babaeng magiging ina ng mga magiging anak ko.

Pagkatapos namin magpalitan ng wedding vows at magpalitan ng wedding ring. Deniklara na nga kami bilang mag asawa ng paring nagkasal samin.

Agad kong tinanggal ang belong tumaklob sa magandang mukha ni Eunice saka ko siya hinalikan.

--

"Congrats and best wishes sainyong dalawa, Jio at Eunice." masayang pagbati ni Leigh. Nandito na kami ngayon sa reciption na ginanap sa garden ng Mansion.

"Thank you so much for coming." nakangiting saad ni Eunice saka niyakap ang dalawang kaibigan niya.

"Ako kaya, kailan ko kaya makilala ang aking the one?" saad ni Sandra.

"Wag ka ng mangarap Sandra, tatanda kana lang talaga." banat ni Leigh.

At agad kaming nagtawanan.

--

EUNICE POV

Hindi pa man kami tuluyan nakakapasok sa kwarto ay sinunggaban na agad ako ng halik ni Jio pababa sa leeg ko.

"Finally, I can now call you as my wife." tila mapang-akit na bulong ni Jio sa tenga ko kaya naman isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ko.

Nang makapasok na kami sa kwarto agad niya akong hiniga sa malambot na kama at saka muling hinalikan.

--

Kinabukasan, nagising ako na nakangiti sakin si Jio na tila ba ay binabantayan niya ang pagtulog ko sa buong magdamag.

"Good Morning." nakangiting bati ko sakanya.

Agad naman siya ngumiti sakin saka kinuha ang isang kamay ko at saka 'to hinagkan habang natingin sakin.

"Kamusta ang tulog mo?" nakangiting tanong niya sakin.

Agad din naman ako ngumiti sakanya.

"Ayos lang, kasi kasama kita." saad ko at saka niya hinaplos ang ulo ko.

"Mahal na mahal kita Eunice." saad ni Jio habang nakatitig sa mga mata ko.

Agad ko pinulupot ang kamay ko sa leeg niya saka siya hinalikan.

-3weeks later-

JIO POV

"Anong ginagawa natin dito sa sementeryo?" pagtataka ni Eunice habang nakahawak sa kamay ko.

Agad naman ako humarap sakanya.

"Para dalawin ang mommy at daddy mo." nakangiting pagkakasabi ko.

"Nakalibing sa sementeryong 'to sila Mommy at Daddy?" pag uulit ni Eunice.

Agad naman ako tumango.

Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Eunice kasabay ng pagpatak ng kanyang luha sa mata. Saka siya lumapit sa magkatabing puntod na itinuro ko.

Habang nag aalay si Eunice ng dasal sa yumao niyang mga magulang. Napansin ko naman ang kahina-hinalang kilos ng isang lalake sa 'di kalayuan. Kaya pasimple kong binunot ang baril na nakasukbit sa tagiliran ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalake.

"Jio, bakit?" biglang saad ni Eunice ng lumapit siya sakin.

"Ah wala." pagsisinungaling ko saka ako ngumiti, ng bumalik ang tingin sa lalakeng nakita ko ay wala na siya doon.

"May problema ba? Bakit mo hawak yung baril mo?" malumanay na tanong ni Eunice sakin at agad nga ako napatingin sa hawak kong baril.

"Ah ito? Wala 'to. Nag iingat lang ako, mahirap na. At least handa." saad ko.

"Uwe na tayo, para kasi akong nahihilo. Saka para akong nasusuka." saad ni Eunice.

"Ah sige." nakangiting pagkakasabi ko saka ko hinawakan ang kamay ni Eunice upang maalalayan siya sa paglalakad patungo sa kung saan naka-park ang kotse ko.

Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla nalang siyang hinimatay. Nag alala ako kaya agad ko siyang binuhat saka dinala sa pinakamalapit na hospital.

At doon, napag alaman namin na 2weeks ng pregnant si Eunice sa panganay namin.

Sobrang saya ko ng sandaling yun. Dahil nagbunga na ang pagmamahalan namin ni Eunice.

Agad ko ngang binilhan si Eunice ng mga vitamins at gatas, pati prutas na makakatulong sa pagbubuntis niya.

Pagkagaling sa hospital ay agad narin kaming umuwe sa Mansion, para makapag pahinga na muna si Eunice.

Kasalukuyan ako nasa Garden ng Mansion ng mapansin ko na naman ang pag aligid-aligid ng isang lalake sa labas ng gate ng Mansion. Siya rin yung lalake sa sementeryo kanina.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at agad ko ng tinunga ang lalake.

Nang sandaling yun ay pasakay na siya sa motor niya ng hawakan ko siya sa balikat kaya agad siyang hindi nakakilos.

"Sino ka at bakit mo kami minamanman? Sino nag utos sayo?" seryosong tanong ko sa lalake habang ang isang kamay ko ay may hawak na baril at nakatutok ito sa ulo niya.

Agad naman siyang napataas ng dalawang kamay at unti-unting humarap sakin.

"W-wala po akong intensyon na masama. G-gusto ko lang naman po makita kung maayos ang kalagayan ni Eunice." nauutal na saad ng lalake na halatang takot na takot.

"Jio?" rinig kong tawag ni Eunice sa pangalan ko.

EUNICE POV

"Nasaan na ba yung lalakeng yun?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap si Jio.

Ngunit ganun na lamang ang pagbigla ko ng makita ang mukha ng isang pamilyar na lalake.

"James?" sambit ko.

Si James ay ang youngest step-brother ko. Hindi ko inakala na magkikita pa kaming muli matapos ang maraming taon.

"Ate Eunice." saad ni James saka halos patakbong lumapit sakin at mahigpit akong niyakap.

--

"Pasensya kana talaga kanina James. Hindi ko kasi alam. Nag iingat lang naman ako. Lalo na ngayon, buntis na sa panganay namin ang ate Eunice mo." pag hingi ng paumanhin ni Jio sa step-brother ko.

"Ayos lang po yun, naiintindihan ko naman po kayo. Salamat po pala, sa pag protekta niyo sa ate Eunice ko." saad ni James.

Mula nga noon, ay madalas ng nagpupunta dito si James sa bahay upang bisitahin ako.

-9 months later-

Ang relasyon mag-asawa nga namin ni Jio ay mas naging masaya pa ng ipanganak ko na ang panganay na anak namin ni Jio.

Sa paglipas nga ng mga araw ay mas lalo pa naging mas matatag ang relasyon at pagmamahal namin ng asawa kong si Jio kasama ang aming anak.

Marahil iisipin ng iba na “bakit ako nagpakasal sa lalakeng kumitil sa buhay ng mga magulang ko”. Ang sagot, dahil “mahal ko siya.

Masyadong makapangyarihan ang pag-ibig. Yun marahil ang dahilan kung bakit sa kabila ng lahat ay nagawa ko parin pakasalan si Jio.

I love him, not only today, not even tomorrow. But until the rest of my life.

END OF SPECIAL CHAPTER

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon